Chrizella's POV
Nagising ako na may kaba sa aking dibdib, agad agad akong bumangon at kinatok ang kwarto ni Ken,
Ayaw Kong buksan, natatakot ako, natatakot ako na baka kung ano ang makita ko kaya katok lang ako ng katok
Bawat hindi pag bukas ng pinto ay ang pagtulo ng luha ko
"Please Ken" dasal ko habang kinakatok yung pinto, pero wala paring nagbubukas
"Kentaro buksan mo itong pinto!" Sigaw ko pero wala parin, sumisikip na ang dibdib ko, ang sakit sakit, wag muna, wag mo muna akong Iwan Ken, please
Kahit sobrang sakit para sa akin dahan dahan kong binuksan ang kwarto
Walang tao? Nasaan sya?
"Wifey kanina pa kita tinatawag para kumain, anong ginagawa mo dito sa kwar-" napayakap ako sa taong nasa labas, humagulgol ako ng humagulgol, akala ko iiwan nya na ako
"Ba-bakit ka umiiyak? Okay ka lang?" Nag aalala nyang tanong sabay ang paghagod sa likod ko
"Wag mo muna akong iiwan please?" I asked between my sobs, narinig ko ang pag buntong hininga nya at ang pagyakap sa akin ng mahigpit hanggang sa mahimasmasan ako
"Kumain na tayo" he whispers saka hinawakan ang kamay ko pababa
"Oh, anyare dyan?" Bungad ni Loraine sa amin na nakaupo na sa may dining table
"Ewan ko ba dyan sa asawa ko, parang hinabol ng aso, di pa nga naghihilamos" tumakbo agad ako sa banyo at tinignan ang mukha ko, shemay
May tuyo pa akong laway, parang manananggal ang buhok sa sobrang gulo, tapos basang basa ang mukha sa luha,
Si Kentaro pa yung una kong nakita
"WAHHHH! NAKAKAHIYAAAA!"
JB's POV
"WAHHHH! NAKAKAHIYAAAA!"
Nagising ako sa sigaw, ano ba yan, ang sakit naman sa taingaNagbuntong hininga ako, kailangan naming mag pretend na okay ang lahat, na walang nangyari kagabi,
Nagpunta ako sa kitchen matapos ko ang morning rituals ko, halos kumpleto na sila sa dining table, si Ella ay si Jimmy nalang ang wala
"Si Ella?" Tanong ko sa kanila, bigla naman silang nagpigil ng tawa, bakit kaya?
"Narinig mo ba kanina yung aswang na sumigaw?" Tanong ni Kentaro sakin na seryoso ang mukha, tumango naman ako
"That's my wife"
"Pfft hahahaha"
~~~~~
Umupo naman ako sa tabi ni Yuna, kaya napalingon si Kentaro samin tapos kinindatan ako
"Umamin ka na" he mouthed, teka lang? Alam nya?
"Guys cheers para sa Vasquez brothers!" Nakangiting sabi ni Yuna kaya tinaas namin anh mga baso namin,
"JimAIR! wahaha kamusta-" napalingon kaming lahat kay Boss Ken na biglang napatigil, nakatingin sya sa may pintuan kaya napalingon kami dun
"JK, anak, you grew up so well" di ako makapaniwala sa nakita ko, nandito ngayon ang Daddy ni Jim, no daddy pala nilang tatlo
"Nagkakamali ata kayo, wala akong ama" ito ang unang beses na narinig kong malamig ang boses ni Boss Ken, natahimik kaming lahat, puno nang tensyon
"JK, my son, please forgive me" ito ang unang beses kong narinig yung boses ni Mr. Vasquez na naiiyak, kapag kasi tumatambay kami sa bahay nila, napakaseryoso at istrikto ang boses nito
"Just shut up! I told you I don't have a father, matagal na syang Patay, he died 8 years ago" malamig at walang emosyon, yun ang boses ni Boss Ken ngayon, nakakapanibago, laging maloko ang boses nya pero kakaiba ngayon
"Son, I miss you, I love you, and I always do, patawarin mo na ako, I know mali ang naging desisyon ko, Alam kong mali ako, pero gusto kong bumawi-"
"Im dying, walang kasiguruduhan ang buhay ko, kaya isipin mo nalang na Wala kang anak, masasaktan ka lang, sapat na ang anim na taong iiyak, masasaktan, di ako papayag na pati ikaw masasaktan pa, kahi-kahit isang tao lang na mahalaga sa akin, ang hindi masasaktan sa pagkawala ko, ayos na, kaya umalis ka na!" Sigaw ni Kentaro
Napasinghap kaming lahat, diko alam kung anong nararamdaman ko, namumuo na ang luha sa mga mata ko, bakit ba ganun? Why does shits always happen to good people?
"Son, w-why? Ba-bakit ikaw pa? I know but akala ko magaling ka na, so tell me nagbibiro ka lang diba" umiiyak na si Mr Vasquez, nakatungo kaming lahat, kanina masaya lang kami, tawanan lang, pero bakit ganun
Kentaro's POV
"Just go, ang sakit makitang umiiyak ka kaya umalis ka na!" Diko kayang makitang umiiyak ang taong ito, sobrang sakit pala, akala ko galit ako, pero hindi, siguro ganun lang ang nararamdaman ko dahil namimiss ko ang kalinga ng isang ama,
"Son, gagawin natin ang lahat, please, kukuha ako ng doctor, pinakamagaling na doctor para sa sakit mo, I'll make sure na makakasama pa kita ng mas matagal, please son, pumayag ka, I'm on my knees please
I love you son" napaupo ako, bakit kailangan nya pang magpakita sa akin, bakit kailangan nya pang ipakita sa akin kung gaano nya ako kamahal, why did I study psychology! It's just a piece of trash!"Sige, ga-gawin na-natin yan, I also want t-to be with you with the longest time I could" kung ito ang makakapagpagaan ng loob nya
"So-Son, does this mean-"
"I already forgive you DAD" pwes gagawin ko, gagawin ko ang lahat para makabawi, para mapagaan ang loob nya, loob nilang lahat. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap ng mahigpit, i trying to control my emotions, pero just for this day, i want to cry, I hug him back,
"Thank you Son, Kenjie thank you for giving me this chance" ke-kenjie?
"Wa-Wait What?!"
"Sorry Bro!" Tinignan si Kenjie na nagpupunas na ng luha, minsan talaga may mapapala ako sa batang to,
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Teen FictionIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.