Kentaro's POV
"Shit" mahina kong mura ng napagtanto ko kung nasaan kami, diko maiwasang makaramdam ng inis
Tinignan ko si Kenjie na nakatungo, so he knew this all along? Kaya ba ayaw nyang pumayag? Dahil isa ito sa property ng lalakeng yun?
"Tara na sa loob" huminga ako ng malalim, ayaw kong maging dahilan ng pag spoil nitong vacation pero nagtataka parin ako,
Pumasok ako sa loob kahit sobrang sakit sa pakiramdam, hinakawan ni Kenjie ang braso ko pero iwinaksi ko Yun,
Nanginginig akong pumasok sa bahay na yun, ang bahay bakasyunan dati ng pamilya, diko maiwasang napasinghap,
Wala paring nagbabago sa loob, nandun parin lahat ng gamit na naiwan ni mommy, pati rin ang mga gamit naming magkapatid, isa lang ang nagbago isa lang ang wala dun
Wala ang family picture namin
Nilingon ko si Jimmy, sino ba talaga sya? Napaupo nalang ako, bakit pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat?
I look at them, hindi naman siguro, i think it's just a coincidence, di nila magagawa sa akin yun, at alam kong wala din silang alam, relax Kentaro, they're your friends
"Okay guys magpahinga na muna tayo, para may lakas tayo mamaya" diko maiwasang malungkot, bakit parang may mali, bakit dito pa,
Nilapitan ako ni Ella at hinawakan ang kamay ko, gusto kong tanungin kung mayroon ba syang alam tungkol dito pero natatakot ako sa isasagot nya, di ako handa
Mas lalo kong naramdaman ang sakit nung pumasok ako sa kwarto kung saan ako mamamalagi, ang kwarto ko dati, halatang naalagaan, nandun parin ang lahat lahat, yung mga art works ko, mga litrato nung bata pa ako
I can't help myself to cry, nagulat ako ng may pumasok sa kwarto,
"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya habang nakangiti, diko sya pinansin, ayaw ko muna syang kausapin, alam kong may alam sya pero ayaw ko munang malaman
Hindi pa ako handa, natatakot ako sa mangyayari
"Pwede bang lumabas ka muna Jimmy, gusto kong magpahinga" diko maiwasang malungkot, i treat Jimmy as a brother, alam kong kahit cold sya minsan sa akin, may tinatago parin syang bait, he always care for me, I can sense it,
Ang tanging naging pader lang sa amin ay ang nagmahal kami sa iisang babae,
"Boss Ken, pwede ba tayong mag usap mamay-"
"No! Get out!" Alam kong nagulat sya, kaya diko maiwasang makonsesya, kaya tinignan ko sya,
Tumango naman sya sa akin kaya nginitian ko naman sya.
~~~~
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, tinignan ko ang bintana na gilid ko, gabi na pala, nauuhaw ako
Binuksan ko ang pintuan at napangiti nung napagtanto ko na nakapatay na lahat ng ilaw, siguro tulog na silang lahat, dahan dahan akong bumababa ng may narinig akong nag uusap
"Diko alam kung paano ko sya makakausap"
"Just talk to him, 8 years na ang nakakaraan Malay mo humupa na ang galit nya hindi ba?"
"Pero paano kung galit parin sya? Kung di nya ako mapatawad?"
"Minsan nya ng sinabi sa akin na deserve ng isang tao ang mapatawad, siguro nga't nasaktan sya in the past, pero pwede ka namang bumawi sa present Malay mo you can make him happy in the near future" biglang kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko,
Dahan dahan akong lumapit at binuksan ang switch ng ilaw
Shit! Hindi lang si Jimmy ang nandun, hindi lang din si Ella, kundi lahat sila,
Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang sikip, halos di na ako makahinga
Gulat silang nakatingin sa akin, after all this time, pinagkaisahan nila ako, sobra akong nagtiwala pero bakit pati si Kenjie nandito?
Kahit masakit ngumiti parin ako, gusto kong mag bulagbulagan bingi bingihan, pero ang sakit sakit,
"Bo-Boss Ke-Ken" diko maipaliwanag ang nararamdaman ko, puno ng iba't ibang emosyon ang puso ko, galit, takot, sakit, disappointment,
"K-kuya l-let m-me e-xplain please, Kuya" I bite my lips, sobrang sakit,
"B-bakit?" Pinipigilan kong tumulo ang luha ko, andaming tanong sa isip ko, pero yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko
"Kuya sorry, pwede ba Tayong mag usap na tayong dalawa lang?" Lumingon ako kay Jimmy, umiiyak sya pero wala akong maramdaman
"K-Kuya?" I asked, diko parin pinapatulo ang luha ko, call me insane, pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko, diko sila pinansin at dumeretso akong pumunta sa kitchen para uminom ng tubig
Diko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko mag isa lang ako kahit nasa likod ko silang lahat
"Kuya, uminom ka muna ng gamot mo please!" Ngumiti ako ng mapait, kaya pala ayaw Kong ilabas ang emosyon ko,
Kaya pala ayaw Kong umiyak, kaya pala lagi akong tawa ng tawa, kaya pala kahit mukha na akong tanga ngumiti parin ako
Kinuha ko ang puting botelya sa bulsa ko, tinignan ko Yun na para bang may gusto akong gawin
Umiiyak silang lahat, so alam pala nila, nanginginig ang mga kamay ko, lumalabo narin ang mga mata ko dahil sa parang gusto ko na ring lumuha
Napaatras ako bakit nila nagawa sa akin ito?
~~~~~
Flashback
"Gusto nyong umalis?! Sige umalis kayo at wag na wag na kayong babalik! Wala kayong mamamana kahit isang kusing sa akin! Ka! Umalis kayo!"
"Kasalanan mo naman itong lahat daddy kung nakuntento ka lang sana kay Mommy sana di nasira tong family natin!"
"KENTARO! HOW DARE YOU TO TALK TO ME IN THAT MANNER! I'M STILL YOUR DAD!"
"NO! WALA AKONG DADDY! WALA AKONG DA-" hindi ko alam kung bakit biglang sumakit ng sobra ang dibdib ko, nasusuka na rin ako, hindi ako makahinga, mamatay na ba ako? I just close my eyes,
"KENTARO! SON, WHAT'S HAPPENING?"
~~~~
"Your son is suffering from congestive heart failure, hindi dapat sya makaramdam ng intense emotion, his heart is weak" napaluha ako ng marinig ko yun mula sa labas, may sakit ako?"May magagawa pa ba tayo, Doc?" Narinig kong umiiyak si Mommy at daddy pero bakit ganun? Bakit mas naging masaya pa ako? Dahil ba sa pwedeng pumayag si Daddy na aalis ako?
"We must stay him away from stress, and from intense emotion"
"What about surgery! Heart transplant and the likes?"
"I'm sorry Mr. Vasquez but he is still young di natin alam kung kakayanin ba ng katawan nya yun, kailangan nya lang munang i-take itong mga gamot"
"B-but my son, he's still young, bakit sya nagkaroon ng ganitong sakit?" Yes I'm still young, a 12 years old person,
~~~~That was 8 years ago
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Novela JuvenilIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.