Chapter 3: Unbeatable Face Off.
[GERALD’S POV]
Bakit nga ba kailangan pang maging awkward ng lahat? Hindi ba pag awkward ibig sabihin may something pa rin? May nararamdaman pa din? Does this mean… lahat ng mga ‘to ay hindi pa nakaka-move on?
Mali ba na tipunin namin ni Aly ‘tong mga kaibigan namin ulit? Gusto lang namin silang lahat makasama sa espesyal na araw namin, pero bakit parang mali ‘tong idea na ‘to?
I know this would be awkward for all of them… but I never expected this. THIS – them, fighting as if they were never in love before.
“ANO PA BANG PROBLEMA MO JUN?! Bakit mo ba pinapahiya si Zia ng ganito?!” Eunice
“Pina—pinapahiya? Guys, kinakamusta ko lang sila ng boss nya. Anong pamamahiya don?” Jun
Biglang tumayo si Zia with her head bowing. Tsaka sya tumakbo paalis ng restaurant.
Ang gago kasi ni Jun. Tanungin ba ang ‘sex life’ ni Zia at Gian?
“Nawalan ka na ba talaga ng respeto sa mga babae, Jun? Is this what you learn from France?” Prei
“Oy! Makinig ka kay master. Master din yan sa France… master sa pambabastos naman sa lalaki. Haha!” Lance
“Lance!” Odette
“O? Totoo naman ah? Di ba Prei?” Lance
Tsk. Nginitian pa ng maloko nitong si Lance si Prei. Halata namang nagtitimpi lang si Prei.
“Know what? Bagay talaga sayo ang maging model.” Prei
“Well, thanks for the compliment, Ms Heartbreaker.” Lance
“Puro looks ka lang kasi. Until now, wala pa ring laman ang utak mo. Nakatapos ka nga ng college, wala ka naman natutunan.” Prei
“Prei, calm down.” Henry
“Stop jerking around, Lance and Jun.” Odette
Kinuha ni Prei ang bag nya at hinarap ulit si Lance.
“You know what, Lance? I think you need to google the word ‘maturity’. It can help you. A lot.” Prei
Like Zia, umalis rin si Prei.
Naiwan kaming lahat dito na tulala. Two girls walked out because of these two jerks. Bakit ganito?
“Susundan ko lang sila.” Tumayo agad si Henry.
“I’ll come with you.” Tiffanie also stood up at sumunod kay Henry.
Nang makaalis na sila, nagulat nalang kami nang biglang ibagsak ni Jin yung fork nya. Tsaka nya masamang sinundan ng tingin si Tiffanie.
“Ang se-sensitive naman puta. Sila pa may ganang mag-walkout.” Jun
“Say what, Jun?” Eunice
“They are not sensitive. You are just too insensitive.” Aly
“This is not good.” Ivan
Yeah, I guess so. Look at us. Akala ko pa naman magiging maayos naman ‘to kahit papano. Okay naman kasi kaming boys kanina. When the girls came, mukhang okay din sila.
Nagkagulo lang nang mag-sama sama kami.
Hindi ba nila pwedeng isantabi yang mga galit nila? Pucha kaya kami magkakasama ngayon dahil ikakasal kami ni Aly two days from now. Hindi ba nila pwedeng kalimutan muna yon para samin ni Aly?
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomanceHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...