Ch.06 (Part 1): Torn

949 16 0
                                    

Chapter 6 (Part 1): Torn

[ODETTE’S POV]

“WHAT? Bakit daw nandito si lolo?” Tanong ko agad kay Lance nang ibalita nya sa’kin na nandito daw sa Pilipinas si lolo.

Kinabahan lang ako. To tell you the truth, almost 2 years na rin akong hindi nagpapakita kay lolo.After the unsuccessful marriage kasi, naging awkward na ako kay lolo. Galit kasi sya sa’kin, and me likewise to him. Like really? Niloko ako ni Vince, tapos nagalit pa rin sya dahil iniwan ko sa altar si Vince?

Sabi nya sa’kin, I should’ve let him explain. FOR WHAT? To be fooled for the rest of my life?

“May importante daw syang aasikasuhin dito eh.” Lance shrugged, “Hindi ko alam kung anong ‘importante’ ‘yon pero may idea na ako.”

Ok? So what’s with the smirk, Lance? Grr!

Iniwan ko nalang sya don.

Actually nandito pa kami sa Holland Resort. Pauwi palang, and I just feel like staying now that I knew that lolo’s in Manila. ‘Til now hindi pa ako ready harapin si lolo. Lalo pa’t nasa iisang bansa lang kami ni Vince. I know he’s still persistent to put us back together.

Sabay sabay na kaming barkada umuwi ng Manila, iba ibang car lang. Sumabay na si Zia at Tiffanie kela Ivan at Eunice. Si Jin naman sumabay kay Henry. While Prei is forced to ride with Lance. Kami naman ni Kevin ang mag-kasama syempre.

And the kids? Dun sila sumabay kay Vince at Jun. The kids wanted to spend more time with their father.

Hinatid lang ako ni Kevin sa bahay. Kailangan nya rin kasing pumuntang China ngayon for some family errands. Pag dating ko, andun na sila Lance, Prei and the kids. Yes, the kids are already here so I assume nandito na rin si Vince.

Sumilip muna ako sa pinto, and napaka-playful nga naman ng fate no? Pasilip palang ako nung biglang lumabas si Vince. Kaya na-untog ako sa phone na hawak nya.

“OUCH.”

“AY SORRY!”

Shocks. Feeling ko unti unti akong natutunaw mula sa dalawang braso ko na hawak nya… Hawak nyaa..

“Ba’t ka ba kasi nandyan?” O_O Nag-tindigan lahat ng balahibo ko nung… nung bigla nyang hinawakan yung baba ko at tinaas yung mukha ko. Chineck nya yung noo ko.

Naputol ata dila ko ha? Anyare?! Argggh! Ba’t ang init?

Naka-titig lang ako sa mata nya habang chine-check nya yung noo ko. Hanggang sa bumaba yung tingin ko sa *gulp* labi nya. Ahhhh! Ano ba ‘to? Biglang nag-flashback sa utak ko ‘yung… ‘yung last time na gawin namin ‘yung ‘S’ thing. Uggggh!!!

“I-I’m fine!” Bigla ko nalang syang naitulak.

“Nandito na pala ang apo ko. Haha, what a wonderful view.” Napa-ayos ako ng tayo and we both looked at his back, si lolo. “Hindi manlang ba ako babatiin ng paborito kong apo?”

Grabe! Ang pangit ng atmosphere. Kung kanina ang awkward na, mas lalo pang naging awkward ngayon. Imagine? My lolo is being sarcastic to me! Sa harap pa ni Vince—wait! So what? =_=

“Lo, please? Wala akong panahon sa mga kalokohan nyo.” Sabi ko and I strode pass them.

I know may kung ano nanamang naglalaro sa isip nya ngayon. At malakas ang kutob ko na may kinalaman samin ‘to ni Vince—

“Before you turn your back to me, I would just like to inform you that your kids are now enrolled to Suzzane University.” Said lolo like—what?!

I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon