Chapter 26: Birthday Party
Lance’s POV:
“Huy, Prei! Ano na nangyayari sayo dyan? Buksan mo nga ‘tong pinto.”
Narinig ko pang dumuwal lalo sya. Ba’t ba kasi ang arte arte nya? Ayaw pang buksan ‘tong pinto ng CR e.
Kanina habang nagpe-prepare kami sa venue ng party, bigla syang nahilo. Tapos ayan, bigla nalang syang tumakbo sa CR.
“Precious Alvarez, open this—“ Eh? Bigla nyang binuksan yung pinto. Tapos ang sama ng tingin nya sakin. Ano nanaman bang ginawa kong masama?! “O-Okay ka lang?”
“Try mong magbuntis!!! Bwisit!” Aba?! Winalkoutan pa ‘ko?
“Ano bang problema nun?” Tsk!
Sinundan ko nalang sya sa venue. Binibigyan ko sya ng gamot, ayaw nya naman tanggapin. Sinusungitan talaga ako. Hindi ko na nga sya pinipilit magpakasal e. Hay!
Nagsimula na din magdatingan yung mga bisita. Ano ba namang party ‘to. Parang annual ball e. Kahit ata di kakilala nung kambal andito e. Si lolo talaga.
“My god. Lolo is so annoying! Sino ba ‘yang iba nyang guests? This is a children’s party for crissakes!” Yan, nagalburuto na ang paboritong apo.
Lumapit samin si mama at papa.
“Od, hindi pa ba magsisimula?” Papa asked.
“It’s about to start, tito! Sinabihan ko na yung host.” Eunice answered. “Pinuntahan na ni Prei yung kambal.”
What? Inutusan pa nya yung girlfriend kong buntis? Aish!
“Hay. Alam nang buntis yung girlfriend ko inutusan pa.” Sabi ko kay Eunice tsaka ako umalis.
Pero narinig ko syang sumagot. “Hoy 5 weeks palang si Prei! Ang OA mo!”
Tsk. Whatever.
--
Pag pasok ko ng kwarto, mukhang nagkakagulo sila Prei, Zia, Jun at Aly don. Yung dalawang bata naka simangot, naka-halukipkip pa.
“O? Anong meron? Bat di pa kayo lumalabas? Kids, the party’s already starting.” Sabi ko.
Tumabi si Aly sakin at binulungan ako. “Gusto daw nilang kasama ang mommy’t daddy nila pag lumabas sila sa party.”
Nye. Abnormal naman ‘tong kambal na ‘to.
Biglang may pumasok. Isa pang abnormal na kambal ko.
“Ano ba? Ang dami dami nyo na dito. Tinatawag na yung celebrants!” Nagsisimula nang mapraning yung stage mother. -__- “Venice, Maze!”
“Where’s daddy?! We wanna go with dad!” Sagot ni Venice.
Manang mana sa ina. -_-
Lahat kami napatingin kay Odette.
--
Odette’s POV:
Okay. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dun ah? At nawala na din talaga sa isip ko yung pagdating ni Vince.
“Mommy.” Tumayo si Maze at yumakap sakin. “Is he really coming?”
Is he?
Oh my god. Nasan ka ba kasi, Vince? Wag mong subukang paasahin ‘tong mga anak ko. Ako nalang paasahin mo pero wag yung mga anak mo, bwisit ka!
“Mommy!!!!!!!!! Is already here in the Philippines?!” Venice screamed. “Or did you just lie to us that he’s coming!”
Shit ka, Vince! Wag mo akong sirain sa mga anak ko.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
Любовные романыHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...