Chapter 27: Getting married SOON
Odette’s POV:
Aahhhh. Finally, the party’s over. Pero nandito pa rin kaming buong barkada sa venue. Though the guests already left. Yung mga kids naman, nasa pool area. Kasama naman nila yung mga yaya nila, and lolo was also there.
“Grabe, Od. Pinagod mo kaming lahat! Para kang bubbles e. Bigla bigla kang nawawala.” Reklamo ni Ivan.
Ang dami kasing epal sa araw e.
“At dahil dyan! Magpa-after party ka naman!” Sabi ni Jun.
Tamo ‘tong isang ‘to. May anak na at lahat, party pa din. Sa kanilang 3 magkakaibigan, si Ivan lang ang nagmature e. Tsk tsk.
“Okay fine. Tomorrow, we’ll all go to Holland Resort!” It’s like a party for us too. Haha.
“Bakit bukas pa, kung pwede namang ngayon na?!” Isa pa ‘to. Buntis yung girlfriend pero pagpapasarap gusto!
“Guys, we have the kids with us tonight. Tomorrow nalang.” Me
“Whooooo! It’s party tiiiime~” May biglang pumasok at nag-bukas ng champagne. Si Kuya Harvey.
Grabe. Iba talaga ‘tong si Kuya. Kung kelan tumanda, tsaka naging party animal. Firing him as a CEO is not bad after all. He got himself a time to unwind.
But wait… yung nasa likod nya.
Grabe! Ang kapal ng mukha nya. Nakaka-ngiti pa talaga sya ha? After what he did to me the whole day?
“HOY KEVIN! WAG KANG MAKATAWA-TAWA DYAN!” Sigaw ko. Nilapitan ko sya at hinila sa tenga. “WALANGYA KA! BUONG ARAW KANG HINDI NAGPAKITA, ANDITO KA LANG PALA!”
“Ouch! Ouch! Hey! It hurts!” Reklamo nya.
“Ang arte mo! Ano bang pinaggagawa mo buong araw?!—“ Gosh! Bigla ba akong halikan?! “Ano ba?!”
“Ang init init ng ulo mo, kapatid. Ayun o.” Tinignan ko yung tinuro ni Kuya Harvey.
May nag-flash sa screen. Slideshow ng mga pictures namin ni Kevin. Mula nung first meeting namin sa Chicago, nung naging close kami, lahat lahat. Ano bang pakulo ‘to?
To be honest, bigla akong naguilty. Ang dami na pala naming pinagdaanan ni Kevin.
Tumingin ako sa kanya. His smile from ear to ear pains me even more.
Mahal nya ako kaya nya ginagawa ‘to. Pero ako, ginagawa ko ‘to para hindi masabi ng ibang tao na talo ako.
I am such a user.
Nahagip ng tingin ko si Jin. Yung tingin nya, alam ko na ang ibig sabihin non. Gusto nyang tigilan ko na ‘tong ginagawa ko.
But I can’t. I don’t wanna be a loser.
The slideshow has ended. Tsaka ko lang napansin na nawala si Kevin sa tabi ko. When I looked around, biglang namatay lahat ng ilaw sa venue.
Tapos biglang may bumukas na spotlight… si Kevin… naglalakad palapit sakin. When he reached my place, he kneeled down. May kinuha sya sa pocket nya.
Bigla nalang nag-pop sa utak ko yung ganitong scenario dati. There was also a spotlight that points to a man proposing to me. The only difference is… the man before is the man I love, the man today in front of me, I’m just using him.
But still…
“Just for formality, and in case any of your friends is against it.”
“Don’t worry, dude. Boto na kaming lahat sa’yo.”
“So… Odette, will you marry me?”
Tinignan ko yung mga kaibigan ko. They are all smiling. Dati ayaw nila samin ni Kevin, but now, I think they’re fine with it.
Napatingin ako kay Vince.
Sobra talaga akong nasaktan sa ginawa nya. Niloko nya ‘ko, pinaasa nya ‘ko. Sinabi nyang ako lang, pero yun pala, may iba na sya.
Sobra akong galit sa kanya, pero mahal ko pa din sya.
“Yes, Kevin. I will marry you.”
***
A/N: Whew. Bilis ng update 'no? Hihi <3
Yay! Mahal nya daw si Vince pero pakakasal sya kay Kevin :---( Pa'no na 'yan?
Sabi ko sa last note ko reunion 'tong next. Sorry pooo. Adjust adjust! Next chapter ang reunion ng barkada! :--) Kalma muna tayo. Don't worry. Bibigyan ko pa din kayo ng MaVince moment!
Thanks for reading! <3
Vote and comment.
xoxo THISNIE
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomanceHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...