Chapter 28: The reunion
Odette’s POV:
“Bakit ba kailangan pang maghiwalay? Ang dami namang kaartehan, Maria Odette!” Reklamo ni Jun.
“Baka nakakalimutan mong halos lahat tayo may anak na dito, ibig sabihin magasawa na yon. Tigil tigilan mo kalokohan mo ha.” Sabat naman ni Ivan.
“Sis, may kanya kanya naman tayong kot—“ Lance
“Manahimik ka.” Eepal pa e. “Pwede ba, boys? That’s my point. Everybody’s married, this will just be our time for girls’ bonding, okay? Give it to me, please?”
“Right! And besides, we have another guest that you guys should not know who is until we get to Holland Resort.” Eunice
“Eunice, magtigil ka ha. Ayan ka nanaman.” Ivan
“Ang OA mo Ivan! Don’t worry our dearest boys, all girls kami sa van. Even our driver.” Me
Then funny! Haha lumabas yung driver namin at nag-wave pa sa boys.
“And besides, kawawa naman si Henry kung by couple tayo pupunta dun.” Lahat kami natawa sa sinabi ni Tif. Hahahahaha!
“Wow, Tiffanie, ha? Wow! Jin, nako, baka patulan ko ‘tong asawa mo.” Henry
“Naku, wag mong ginaganyan yan, Tif. Baka mapahiya ka mamaya. Hmm…” Zia
“Ay nako, ang dami nyo pang mga daldal. Pwedeng umalis na tayo?” Prei
“Teka lang, may hinihintay pa tayo.” I said. And just in time. The person we’re waiting for came out of the mansion. “Tada!”
“Yaya Elis?” Everyone
“Oo, aba! Alam kong magbabalik utak binata’t dalaga kayo sa reunion na ‘to. Kaya dapat may magaalaga pa rin sa inyo.” Sabi ni Yaya Elis.
And we all agreed on that. Haha! Walang mga kids, wala kaming aalagaan. That means, kami ang may kailangan ng magaalaga samin.
“O sya, kumpleto na ba? Tara na!” Utos ni Yaya Elis. “Girls, pasok na sa kotse. Maghe-head count lang ako sa van ng mga boys.”
Pumunta na nga muna si Yaya Elis sa van ng mga boys. Kami naman, nauna na sa van namin.
“Sino bang nakaisip na paghiwalayin pa ang boys at girls?” Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Si Kevin pala.
Akala ko si Vince. Pero asa naman ako. Ayun sya o, kasama si Chellu.
“Ako nakaisip nun! Hayaan nyo na. Tsaka, may isa pa kasi kaming friend na dadating, and that’s our surprise to Henry.”
“Baka naman pwedeng… tayo hindi nalang ganun?”
“Tsk! Di pwede. I wanna bond with my girls. Sooner, mas lalo akong mawawalan ng time sa kanila. Lalo na pag kinasal na tayo.”
“Ah! May idea ako.” Haha! Mukha talaga syang tanga pag may naiisip syang idea. I have to admit it. Kevin is such a smart person, but when it comes to not-business-related things, he’s such an idiot. “Ba’t di tayo magpakasal bukas? May cathedral sa Holl—“
“Shut up na, Kevin. Go to your van na. Masamang galitin si Yaya Elis.”
And then he started pouting and stomping like a kid.
“Tigilan mo nga, Kevin. Sige na. Go.” I pushed him away na.
May times talaga na kinikilig ako kay Kevin. Ang gwapo kasi nya. He’s so manly and he looks so cold; but when he act, he sometimes look stupid. And I like that. Ganun si Vince e, dati.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomanceHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...