Ch.19: Shoot

747 15 0
                                    

Chapter 19: Shoot

Vince’s POV:

Shit, I’m late. Pinark ko na agad sa basement yung kotse ko tsaka ako lumabas ng building. Nandun na silang lahat, ako nalang hinihintay.

“Everybody’s here?” I asked Jacko.

“Yes, ikaw nalang hinihintay. Let’s go.” Said Jacko. At umakyat na nga sila sa shuttle.

Teka? Nasan si Maria?

“Bro, where’s our model?” I asked Jacko.

Tapos tinuro nya yung van sa likod ng shuttle.

Tsk. Don’t tell me kelangan naka-isolate sya? Hay. Ang kamahalan nga naman.

Dito nalang ak—What the? Bakit ayaw mabukas? Tinawagan ko agad yung phone ni Maria.

“Nasa loob ka ba ng van?”

“Yup.”

“Then open it. Sa’yo ako sasabay.”

“No.”

What?

“I said, open it.”

“And I said, no.”

“Ano’ng prob—Hello?! Maria?!” What the?? Binabaan ako? “Shit.”

No choice. Mukhang galit pa din sa’kin si Maria. Kaya pumunta na ‘ko sa shuttle.

--

So ano ba talagang kinakagalit ng mahal na prinsesa? Pagka dating na pagka dating namin dito sa hotel, hindi pa agad sya bumaba. Sabi nung driver nya kay Jacko, mamaya na daw sya papasok pag nakapag check in na kaming lahat.

And when she did, dire-diretso naman sya sa suite nya. Tinawagan ko sya pero hindi na sya sumagot.

Hah. Don’t tell me iniisip talaga nyang girlfriend ko yung nangaway sa kanya sa party ni Krystal? I don’t even know that girl. Sabi ni Krystal other friend nya ‘yon kaya hindi namin kilala.

“Bro, nag-away ba kayo ng model natin?” Tanong ni Jacko. Magkasama kami sa suite.

“Ewan ko ba dun. Umiral nanaman pagka-bratinella.”

“Haha. Baka naman nabuking ka n—“

“Fuck you, man. Bahala ka nga sa buhay mo.”

Bumalik ako sa lobby, nanghingi ako ng spare key sa suite ni Maria. Pa’no ako nakuha? Tsk. Did you forget that I’m an Alvarez?

Syempre, san pa ba ‘ko pupunta next? Edi sa unit ng pinakamamahal kong prinsesa.

--

Odette’s POV:

*Ting!* 15th floor!

Tsk! Napaka-responsible talaga ng pinakamamahal kong prinsipe no? Ang bilis sumuko! Hindi manlang ako i-pursue. Eto, ako pa ‘tong pupunta sa room nila. I know nakakahiya pero hindi ko naman gusto ‘to no! Tumawag kasi yung kambal. Gustong makipag-video call sa’min.

I knocked on their door, and Jacko answered it.

“Wow. What made you visit us, Miss Lopez?”

“Where’s the father of my children?”

“Oh oh oh. Bakit bigla atang nag-iba ang ikot ng mundo? Bakit ikaw na ang naghahanap sa ama ng mga anak mo?”

I rolled my eyes. Obviously, wala sya dito. Kasi kung andun sya, boses ko pa lang, dapat lumabas na sya. Or maybe… JUST MAYBE he knew why I was so cold to him, and now he’s guilty.

I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon