Chapter 7: Dump
[ODETTE’S POV]
“Pwede ba, Jin? Tantanan mo na!”
“What? Wala na akong sinasabi dito. Alam mo ikaw, napaka-defensive mo kasi eh!”
“Of course, not! Eh kung hindi ka nangaasar dyan?”
“HOY!” He stood up from the bed at lumapit sakin. “Kanina pa ako tumigil sa pangaasar. And besides, hindi ka naman maaasar kung hindi totoo eh. Di ba di ba?”
W-What?! Aaargggh! Bwisettt.
Nakakainis ‘to. Pa’no, kanina pa nya ako inaasar mula nung umalis kami sa bahay ni Lance. Kinikilig daw ako sa sinabi ni Vince. Like, wtf. Bakit naman ako kikiligin? Ahhh! Ka-stress. Bat pa kasi ako pumayag na dito matulog ‘tong hinayupak na ‘to eh?!!?
“What?” Maka-tingin kasi ‘tong si Jin parang nanghuhusga ng buong pagkatao eh. Seriously!!!
“Tara dito.” Tinapik nya yung sa may tabi nya. Sumunod naman ako. Harmless naman ‘yan. Loyal kay Tif ‘yan eh. “Seryosong usapan, Od. Anong plano mo?”
“Huh? Anong plano?” I wrinkled my brows.
“Kay Vince.”
Okay. Napaka-straightforward nya ngayon. -_-
“Well,” Umayos ako ng upo. “I don’t know.”
Sandali nya akong tinitigan before he sighed defeat. Para bang suko na sya sakin. Why? What’s wrong with my answer? Hindi ko pa naman talaga alam eh. Or wala akong balak alamin?
“Odette, hindi pwedeng hindi mo alam—“
“E anong gagawin ko? Hindi ko talaga alam. And besides, there’s no need to know. Wala na akong pake sa kanya.”
“Od. Listen. It’s not that simple anymore. Una sa lahat, may anak na kayo kaya kahit anong gawin mo, konektado ka talaga sa kanya. Second, inamin nya na sayo di ba? He’ll puruse you. Ano? Paaasahin mo sya sa wala? And in connection to that, the third. You’re officially dating Kevin. Can’t you at least be fair to the both of them?” Seryosong sabi ni Jin.
And I was like, everything he said is plainly true. Especially dun sa… I should be fair to Vince and Kevin.
Tama si Jin. Hindi pwedeng go with the flow ngayon. May mga taong masasak—May mga taong kailangan masaktan. Parang hindi maiiwasan yun ah?
“As for my suggestion, better dump one person now before your feelings grow until it would be hard for you to choose.”
WHAT? Dump one person?
Bakit parang ang hirap naman ata ng solution na ‘yon? How can I dump—Wait, isn’t that supposed to be an easy one? Madali lang ‘yon. Syempre, dapat palayain ko yung… hindi ko mahal.
Should I dump Vince then?
xxx
[VINCE’S POV]
Fuck! Bakit ba late akong nagising ngayon? Hindi ko na tuloy alam kung anong uunahin ko. Pag gising ko pa kanina wala si Maria sa tabi ko. Hindi ko sya mahanap dahil 30 minutes nalang male-late na ‘ko sa meeting ko. Fuck!
Pag labas ko ng kwarto, naabutan ko pa yung kambal na naghahabulan. Hindi lang sila. Pati yung isang maid at… si Maria.
“Maze! Stop it!!! Vance Maze, itigil mo na ‘yan. Male-late na kayo eh!” Saway ni Maria.
Have I already tell you? It’s June already. Magi-isang buwan na rin kaming naka-tira ni Maria dito sa iisang bahay. Kamusta? Ayon, para akong hangin dito kung dedmahin nya. It all started after that night. Nung nag-dinner kami kela Lance at dito natulog si Jin.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomanceHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...