Chapter 5: Flashback.
[ODETTE’S POV]
Tumambad sa’kin ang napaka gulong kwarto na akala mo’y dinaanan ng bagyo.
Naka handusay sa lapag ‘yung mga kumot.
Naka kalat ang mga unan kung san san.
Halos maalis na sa kama ‘yung matress.
May naka sabit na pulang dress sa upuan.
Naka lupasay din sa gilid ng bed-side table ang beige na polo.
Naka sampay sa dulo ng kama ang itim na pants.
Napa-hinga ako ng sobrang lalim dahil sa mga nakita ko. May isang kumpol ng bato ang hindi ko alam kung pa’no nakapasok sa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko.
Dumako ang tingin ko sa lalaking naka dapa at mahimbing na natutulog sa kama. Wala syang pantaas. Hindi ko maaninaw kung may pambaba ba sya o wala dahil sa lukot lukot na kumot na naka takip dito.
Gusto kong ipalo sa ulo ni Vince ‘yung lampshade. Gusto ko syang saktan. Gusto kong halughugin ang buong suite na ‘yon at hanapin ang babae nya. Gusto ko silang saktan. Gusto ko silang patayin.
You know me very well. I could kill if I want.
But disgust overpowered my system. Gusto kong suntukin si Vince, gusto kong sabunutan ang babae nya – but I don’t want to lay a finger on them. Nakakadiri sila.
“You didn’t hurt them physically because you don’t wanna touch them. Kaya sa ibang paraan ka gumanti? Hindi mo nga pina-cancel ang kasal nyo, pero hindi mo naman sya sinipot.” Pag co-conclude ni Jin after ko i-kwento sa kanya ang lahat.
Oo, sa kabila ng nadatnan ko sa hotel n’on, hindi ko pa rin pina-cancel ang kasal. Bakit ko gagawin ‘yon? E dun ko sa pwedeng gantihan. Hindi ako sumipot sa kasal.
Nung araw ng kasal namin, wala ni isa sa mga kaibigan ko o pamilya ko ang may alam ng nakita ko. Only kuya Harvey. Kaya ganun nalang ang taranta at gulat nila nang walang dumating na bride sa Holland Resort.
Nalaman nila ang lahat dahil sa pinadala kong picture kay Vince noon, na natanggap nya saktong dalawang oras na delay ng kasal.
Picture ‘yon ng itsura ng hotel na naabutan ko: kung san naka-higa syang walang damit sa kama, nagkalat ang mga kumot at unan, pati ang kung san sang nakasampay na dress, polo at pantalon. Sa likod non ay nakasulat ang message ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomanceHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...