Chapter 9: This is the end
Vince’s POV:
Bwisit. Kabilin-bilinan ko, ‘wag akong iistorbohin sa bakasyon ko. Kaya nga tinawag na “leave” ‘di ba? Leave from the work. Gusto ko munang iwan ang trabaho ko. Tapos tatawag tawag for a special meeting? Tss!
Pero anong magagawa ko? Kasama si Lolo Anton at Lolo ko sa meeting na ‘yun. Takot ko lang sa dalawang ‘yun.
“Bakit parang ang bilis naman?”
“Anong mabilis? Ang tagal na nilang magkakilala, at ang tagal na ding sinusuyo ni Kevin si Od. Ano ka ba?”
“Yun na nga e. ‘Sinusuyo’ palang.”
“Ni hindi nga natin nabalitaang naging sila na e. Tapos ngayon ibabalita nyang IKAKASAL NA SILA?”
Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Binuksan ko agad ‘yung pinto at halata namang nagulat sila sa pagpasok ko.
Para silang mga batang nahuli ng principal na nagaaway-away.
“Sinong ikakasal?”
Nagsi-iwasan agad sila ng tingin sakin. Bwiset. Narinig ko na e, hindi pa aminin.
“Sagutin nyo ‘ko. Sinong ikakasal?!”
“VM..” Napatingin ako kay Prei. Pati sila tinignan si Prei, at para bang gusto nilang pigilan magsalita ang pinsan ko. “VM, Od’s getting married to Kevin.”
WHAT?
Parang biglang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa narinig ko e. Sakit, pre. Ang sakit.
Wala na talaga no? Wala na siguro talaga akong pagasa kay Maria.
Tsk! Ang tanga mo kasi, Vince, e! Bobo! Ba’t ‘di ka kasi magpaliwanag? Malay mo naman pagbigyan ka nya? Malay mo maintindihan ka nya? Malay mo maawa sya sa’yo? Tsk. Tanga!
“Vince, huy. Okay ka lang?” Tumingin ako kay Zia. Lahat pala sila nakatingin na sa’kin.
Puta. Mukha akong tanga dito.
“H-Ha? Oo naman. Sige, una na ‘ko. May pinapagawa pa si Lolo Anton sa’kin.” Paalam ko sa kanila tsaka ako lumabas ng private room na ‘yun.
Dumiretso ako sa parking lot nitong Foxtrot. ‘Di ko na napigilan ‘yung galit ko. Pinagsisipa ko ‘yung gulong ng kotse ko.
Bwisit! Bwisit!!!
Parang gusto ko tuloy tumakbo kay Maria ngayon, tapos ipapaliwanag ko sa kanya yung totoong nangyari. Magmamakaawa ako sa kanya.
Pero kahit ano atang paliwanag ang gawin ko hindi sya makikinig e. Wala. Nabato na sa’kin ‘yun. Ang gago ko kasi e.
~
“Yes, Lara. I’m flying back next week. I’m gonna handle the anniversary issue so don’t bother Kristof anymore.”
Ka-videochat ko ngayon si Lara, secretary ko sa LM (Luminary Magazine). Anyway, nasabi ko na ba sa inyong EIC ako ng LM sa Spain? At ngayong darating na July nga ang 15th anniversary nito.
Hindi dapat ako magha-handle nito kasi nag-leave nga ako pero dahil wala na rin naman akong aasikasuhin dito sa Pilipinas, edi babalik nalang ulit ako sa Spain at magta-trabaho.
“Noted, sir.”
“Good. I need to meet the whole team as soon as I arrive.”
Napatingin ako sa may pinto ng kwarto. May kumatok kasi, tapos maya maya ay pumasok na rin si…….. manang.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomanceHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...