Chapter 4: The Wedding.
[HENRY’S POV]
Andito ako ngayon sa may beach. Loner mode. -.- Mga busy sila eh, may kanya kanyang business. I mean, hindi lahat. Si Jin? Vince? Jun? Panigurado mga loner mode din ang mga gagong ‘yon.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ‘ko dun. Pag gising ko, palubog na yung araw.
“Finally, nagising ka rin.”
EH?!
Napalingon ako sa gilid ko… gising na ba talaga ako? O nananaginip pa rin ako? Pakibatukan nga ako?
Si… Si…
“Long time no see. Kamusta ka na?” She asked with her lips curled on both sides.
Hindi ako makasagot sa sobrang gulat. Well, I expect she’ll come, but not this early. Ang alam ko sa araw pa ng kasal sya dadating.
I stared at her sunny face. Nothing changed much. Except for the fact that she’s become more endearingly beautiful. Bakit… Bakit parang lalo sya gumanda? Yung mata nya, naka-ngiti rin habang tinititigan ko.
‘Tong babaeng ‘to sa harap ko, sinaktan nya ‘ko noon. Iniwan nya ‘ko. Para rin syang si Zia kay Jun. Pero bat di ko sya magawang awayin tulad ng ginawa ni Jun kanina? Is this a proof that I’m still in love with her?
Yes, yes you still do, Henry.
“I know masarap akong titigan pero it’s taking us long here, Henry. Kung hindi ka pa tatayo dyan, maiiwan ka.” She said in a lazy tone.
Teka? Maiiwan san?
“I bet you still don’t know? Tsk. Magoovernight sa isang island ang barkada. We’re leaving by 6. And it’s already 5:30, just so you know.” Sabi nya.
Bakit ba walang lumalabas sa bibig ko?! Ni hindi ako makasagot sa kanya ng ‘ahh’. Na……. naiintimidate ako. Putek!
“Napipi ka na ba, Henry?” Hindi pa din ako makasagot. “Hay. Go up to your room and bring few clothes and few things. We’ll all be meetingin station 2. Okay?”
And then she left me.
Pag pasok ko ng kwarto namin – well magkakasama kasi kami sa iisang kwarto ng mga boys, except Ivan and Gerald – lahat sila halos ready na. =_=
Pareho hindi ko sila pinansin. Pre-occupied pa din ako ng nangyari kanina. Tulala ako. Oo.
“Henry! San ka ba galing? Buong araw kang wala ah.” Salubong ni Jin sakin.
“Ah, wala. Sa beach lang.” Matamlay kong sagot tsaka ako naghalungkat ng luggage ko.
“Tindi mo pare! Nakapambabae ka na ng lagay na ‘yon? Tsk!” Hirit naman ni Jun.
Napatawa nalang ako ng konti. Nambabae? Tsk, single nga ako pero hindi ko kayang mambabae. “Gago!”
“Henry, mauna na kami sayo. Station 2 magkikita-kita ha? Bilisan mo anong oras na!” Sabi ni Vince.
Umalis na nga sila, kaso may biglang nag-bukas ng pinto. Pag tingin ko, si Lance pala.
“Uhm, dude. Sorry pala kanina. Nabigla lang ako.” Sabi nya.
Yung kanina? Anong—ah! Yung kay Prei.
“Sus. Haha alam ko naman kung bakit eh.” Sagot ko.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomantikHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...