Chapter 6 (Part 2): Living under the same roof
[ODETTE’S POV]
Maria,
How are you? You look good—no, you still look beautiful. You’re still the most beautiful woman to me. Gusto kong maniwala na okay ka na, na naka-move on ka na. Pero sa tuwing nakikita mo ‘ko, ‘yang kunot sa noo mo, ‘yang pag-tataray mo, ‘yang matatalim mong salita – lahat ng ‘yan ay ebidensya na walang nagbago sa nararamdaman mo para sa’kin. Kasi naniniwala akong kung naka-move on ka na talaga, balewala nalang lahat ng nangyari.
Matagal na ‘kong sumuko sa’tin. Alam ko kasing wala nang pag-asa. Kaya katulad mo, pinilit kong mag-move on. At katulad mo rin, akala ko naka-move on na ‘ko. Pero hindi pa pala. Kasi nung nakita kita sa Holland Resort, naramdaman ko nanaman ‘yung bilis ng tibok ng puso ko na nararamdaman ko noon nung tayo pa. Sa madaling sabi, wala palang silbi ‘yung pagmu-move on na ginawa ko. Mahal pa rin kita. At napatunayan kong hindi basta bastang mawawala ‘yon.
Alam mo bang nandito si mommy sa Pilipinas? Hindi mo sya napansin nung kasal ni Aly at Gerald kasi… parang lutang ka? She tried talking to you pero parang hindi ka daw makausap ng maayos. I agree with her. Napansin ko rin kasing parang wala ka sa wisyo. But anyway, alam mo bang ‘yun ang unang beses na sinampal ako ni mommy? Bakit?
“Mom, mahal ko pa rin sya. Hindi ko pala kayang hindi mahalin si Maria. But—“
She slapped me before I could finish my sentence. Nakalimutan ko kasing ayaw nya sa word na ‘but’. Sabi nya, if there’s something I want to do or have, then do everything for it. No buts, no what ifs.
That slap woke me up. Nagising ako mula sa apat na taon na pagka-comatose ko.
Hindi ko masabi sa’yo ‘to ng personal kasi nahihiya pa rin ako sa nangyari noon. But don’t worry, unti unti kong ibabalik ang dati. Hindi ko masabi sa’yo ngayon, pero eventually, sasabihin ko rin sa’yo ng personal.
Maria, mula ngayon, mag-sisimula tayo katulad ng pag-sisimula natin nung college. Naalala mo ba? Kinalimutan mo ako nung grade 6 dahil sa ginawa ko di ba? Pero nagawa kong ibalik ang ‘tayo’ nung college. Ngayon, kinalumutan mo ako 4 years ago. Kung nagawa ko noon, alam kong magagawa ko rin ngayong ibalik ang kung anong meron tayo dati.
Allow me to enter your heart again, Maria. Allow me to love you, and prove that I am still the one for you.
Maria, I’m still yours. And I know, you’re still mine.
Love,
Vince
PS.
Labas ka sa balcony natin. Tapos pikit ka.
Ang lamig di ba? Ang dilim pa.
Ganyan ang buhay ko nung nakaraan na apat na taon.
--
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or maiiyak eh.
Nakakainis! Nakakainis ka, Vince! Bakit kailangan mo ‘tong gawin?! Pero mas nakakainis ‘tong sarili ko. ‘Tong puso ko. My mind keeps on reminding me EVERYTHING he did, but my heart keeps on erasing it. Ayoko na. :--(
Napa-tingin ako sa langit. Ang ganda ng sky. Very peaceful, at ang dami ng stars.
May naka-kuha ng attention ko. It’s just an ordinary star, parang yung ibang star lang din, pero ewan ko kung pano nya nakuha yung attention ko. ‘Til may nag-pop out na image sa mind ko. Si Marco.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
Любовные романыHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...