Chapter 1: The boys’ pasts.
[JUN’S POV]
“Pareeeeeee! Namiss ko kayooooo!”
HAHAHAH. Pag dating ko sa beach, nakita ko sila nagiinom, at nagche-checkout ng mga chics dun sa pampang.
Dinamba ko sila nang sabay sabay. Pano nangyari? Ewan ko! Hahaha. Basta. Namiss ko ‘tong mga ‘to. Three years ko din silang hindi nakita ehh. At masaya ako kasi kumpleto kami!
Andyan si Gerald, syempre sya ang ikakasal sa isang araw eh. Tapos andyan si Henry, Ivan, Lance at Vince. Ay kulang! Nasan na si Hapon?!
Nagbatian kami, tapos lokohan sa mga nangyari sa buhay namin. Oo. Andami kasing kalokohan ang nangyari kaya nagkahiwa-hiwalay kami. Yep, hindi lang ako ang nahiwalay no. Yang si Henry, umalis din yan. Si Vince, kapal naman ng mukha nya kundi sya aalis. At si Lance, eh kung san san nakakarating ‘yan eh. Bakit?
Ge magkwento kami.
Umupo kami nang paikot dun sa buhanginan. Btw. Andito pala kami sa Holland Resort. We’re back after five years. So yun na. Umupo na kami para magkwentuhan. YUCK parang mga babae lang. Pero, kelangan eh. Kelangan ng konting catching up.
“O ano na nga? Anong nangyari sa’yo nung pumunta kang France?” psh! Daya inuna ako ni Gerald.
Yaeh na. Pagbigyan si groom-to-be.
“Edi ayon. Balik sa dating buhay.” simple kong sagot.
“KWENTO PUTA PADEMURE!” epal nitong si Ivan kahit kelan.
“Eh alam nyo naman nangyari samin ni Zia di ba?...” simula ko.
*flashback
Three years ago, nag-break kami ni Zia. Oo, hiwalay na kami ng babaeng nakapag pabago sakin. Bakit? Kasi… Hay! Ayoko nang balikan pero para sa inyo, sige babalikan ko.
Nagta-trabaho na kami nun eh. Syempre graduate na eh. Pinili ni Zia magtrabaho sa ibang kumpanya, hindi sa sarili nilang company. Gusto nya daw ma-experience eh. Edi pinayagan ko na rin. Wala naman akong magagawa dyan eh.
Kaso, malamanlaman ko, nililigawan sya nung isang boss nya na kaedaran namin. Parang gagu noh? Hind yung boss nya, kundi si Zia mismo. Alam nyang may boyfriend sya, pero nagpaligaw pa rin sya.
Nahuli ko silang nagde-date isang gabi. At si Zia. Hindi manlang pumapalag nung hinahawakan yung kamay nya. At nakikipag tawanan pa sya. Ibig sabihin, masaya sya. Gusto nya.
Kahit pa sa mamahaling restaurant ‘yon, nagwala talaga ako. Sinugod ko sila at pinagbubugbog yung lalaki. Sa sobrang galit ko, napuruhan ko talaga yung lalaki. Nung nawalan sya ng malay, tsaka ko hinigit si Zia sa labas. Inamin nya saking nahuhulog na sya don sa boss nya, at bago pa sya makipag break, inunahan ko na sya.
Sobra akong nasaktan nun. Kasi… alam nyo namang si Zia lang yung babaeng nakapag patigil sa kakatingin ko sa ibang babae di ba? Sya yung babaeng nakapag patibok ng puso ko. Pero ano? Sya din pala wawasak dito. Tsh.
Kinabukasan agad, kinausap ko yung tropa, pero kaming boys lang. Sinabi ko yung nangyari. Nalaman ko pang investor si Ivan sa kumpanyang ‘yon, kaya agad nyang binawi yung investments nya. Sabi nila, hayaan ko nalang. Edi hinayaan ko.
Kinagabihan nung araw na ‘yon, lumipad akong France. At balik sa dating gawi. Hindi ako pumuntang France para makalimot at magpakalunod sa trabaho. Oo inaamin ko, walang kwenta ang buhay ko. Umaasa pa rin sa kita ng pamilya namin, at winawaldas ang pera’ng ‘yon sa mga babae ko. Gabi gabi, kung sino sino nakakasama ko.
BINABASA MO ANG
I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)
RomanceHindi sumipot si Odette sa kasal nila ni Vince. Naniwala sya sa mga bagay na nakita nya. Hindi nya binigyan ng pagkakataon ang lalaking pakakasalan nya na magpaliwanag. Pero... kaya ba talagang sirain ni Vince lahat ng pinaghirapan nya sa isang gabi...