Ch.22: The part where Spain became a nightmare

666 16 2
                                    

Chapter 22: The part where Spain became a nightmare

Odette’s POV:

*Bzzzt!*

Blank.

“Baby girl, nag-text si Vince.” Rinig kong sabi ni mama. Pero di pa rin ako kumibo. Wala na akong pakealam.

Sinubo ko na yung huling cut ng bacon ko sa plate tsaka ako pumasok sa bathroom. Nag-ayos na ‘ko at nag-bihis.

Pag labas ko, ready na ‘ko. Four more hours before my flight. Pero kelangan na naming mag-check in sa airport.

“Let’s go, ma?”

She looked at me like there’s really something wrong with my face. Then she sighed.

“Ma, male-late tayo sa flight naten. Madami pa tayong gagawin sa Manila, right? We can’t afford to miss—“

Natigilan ako nung bigla nya akong niyakap.

Nag-breakdown na ‘ko. Iyak lang ako nang iyak habang inaalo ako ni mama.

Then when I recovered, pinagbigyan na ‘ko ni mama. We checked out, then we ate at a restaurant first bago kami dumiretso ng airport.

So we’re here on the waiting area.

“If ever I fall asleep, just wake me up when we have to go.” I told my mom.

Now, music on, world off.

--

Vince’s POV:

“Bro, gising na. Nasa labas si Chellu.” Naramdaman ko yung pagsipa ni Jacko sa paanan ko.

Di ako kumibo.

Di ako lumabas sa kumot.

“Hoy Vince! Gumising ka na!”

Hindi naman ako tulog e. Hindi nga ako nakatulog e.

Tindi naman ng apog ko di ba? Tindi naman ng konsensya ko kung dapuan ako ng tulog. Gayong alam ko na napaiyak ko nanaman yung babaeng mahal ko. Hindi lang pinaiyak. SINAKTAN ko nanaman sya.

“Yeah right. Mas mahirap talagang gisingin ang taong hindi naman tulog.” Biglang hinila ni Jacko yung kumot ko. “Bwiset. Bumangon ka na dyan! Nagwawala na si Chellu sa labas.”

Bumangon ako. Pero ayokong tumayo.

Girlfriend ko si Chellu, pero wala akong pakealam sa kanya ngayon.

Si Maria lang ang importante ngayon.

Naramdaman kong umupo si Jacko sa kama.

“Yo, bro! Walang maaayos kung tutunganga ka lang dyan.” Hindi pa din ako kumibo. “Hay. Osige. Nang may masimulan ka, gusto ko lang ipaalam sa’yo… na…”

Di natuloy yung sinasabi nya kasi biglang nag-ring yung phone ko.

“Ayan, si Tita Mary nalang pala magsasabi sa’yo.” Inabot nya sa’kin yung phone ko.

Sasagutin ko ba? Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang harapin si mama e. Nung una, siguro kaya ko pa. Pero ngayon? Ngayon na alam kong malaki ang kasalanan ko? Hindi ko na alam.

Ipapatong ko na sana ulit yung phone ko sa bed-side table pero pinigilan ako ni Jacko. Bigla pa nyang ini-slide yung answer.

No choice.

“Vince, hijo.”

“Mama.”

“Vince, hindi ko alam kung anong exact na nangyari, but I believe the reason I’m thinking of right now is partly true. However, alam mo naming ayoko ng ginagawa nyo nitong nakaraan di ba? Pero alam mo ding ikaw pa din ang gusto ko para sa anak ko. Ayoko kayong magkahiwalay. Kaya please, this is your last chance. Isang oras nalang lilipad na kami. Puntahan mo sya dito.”

I'M YOURS, YOU'RE MINE (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon