Chapter 19

303 13 0
                                    

Chapter 19

Same school

 

~Jessica's POV

I stretch my arms and yawned. Napatanghali na naman ang gising ko at hindi na 'to mauulit dahil malapit na rin pala ang pasukan. Friday ngayon tapos sa Monday ay pasukan na. Wala pa rin  akong gamit so kailangan ko nang bumili. Wala kasing time eh, lagi akong napapagod hindi ko alam kaya tinutulog ko na lang minsan, laging mabigat ang pakiramdam ko.

            "Patricia!" tawag ko sa kanya. "Punta tayo bookstore, bili na tayo ng gamit natin." Sabi ko naman sa kanya.

            Halos maluwa ang mata niya sa sinabi ko at napatakip na lamang ng bibig. "OMG! Sa Monday na pala pasukan 'no? Hindi natin naalala." Tulalang sabi ni Patricia.

            "Ano alis tayo later?" pagtatanong ko.

            "Now na!" sabi pa nito.

            "Ay, pwede mag-ayos muna ako?" mabilis niya akong binigyan ng tango. "Sige, magbihis ka na rin doon." Sabi ko sa kanya saka lumabas siya ng kwarto ko. Ang aga-aga kasi nagsa-shopping sa kwarto ko ng pabango. Kuhaan daw ba ako?

            Naligo at nagbihis na rin naman agad ako para mabilis din kaming makauwi at pupuntahan rin namin ang school naming for to see our sections. Bumaba na agad ako ng hagdan papuntang sala at nakita si Patricia na nakatayo na doon. Paglapit ko pa lang sa kanya ay naamoy ko na sa kanya ang pabango na kinuha niya sa kwarto ko. Okay lang naman sa akin dahil doble doble na rin sa kwarto ko 'yun eh.

            "Nakapagpaalam ka na ba kay Mommy?" I asked her.

            She smile widely. "Yes! Tapos binigyan pa tayo ng pambili." Pinakita nito ang pera na binigay sa kanya ni Mommy para pambili ng mga gamit namin.

            Lumabas na kami ng bahay at nagpahatid na lang sa driver namin papuntang mall. Dahil sa hindi naman kalayuan ang mall dito sa amin ay nakapunta na rin agad kami. Hindi na naming pinahintay ang driver naming at tatawagan na lang siya kapag uuwi na kami. Diretsyo kami sa bookstore at doon namili ng aming mga gamit.

            Senior na rin pala ako, graduating sa Stateville Academy. Si Patricia rin ay senior at hoping naman lagi kami na magka-section kami kasi lagi namang ganun. Kumuha kami ng basket na mapaglalagyan ng mga gamit namin. Libot libot, kuha ng kuha ng mga notebooks, pens, and such na magagamit talaga namin. Syempre hindi na mawawala ang mga novels na new release lang ay nilalagay ko agad sa basket ko. Bookworm din ako, hindi lang halata. Kaya nga puro fictional character ang nasa isip ko. But Terrence is real.

            "Patricia, which one is better?" pagtatanong ko sa kanya sa notebook na kinuha ko. Ang isa naman ay color pink na may black dots ang isa naman ay blue na may white dots.

            "Blue with that white dots." Okay at inilagay ko rin naman sa basket 'yun.

            After we find the things we need ay tumungo na kami sa counter at good to see naman dahil nakita pa naming si Paul.

            "Ano mga pinamili niyo?" He asked.

            "Ah, mga gamit naming sa school." Patricia smiled. "Ikaw saan ka ba mag-aaral?"

            "Ah, Stateville Academy. How 'bout you guys?"

            Nagtitigan pa kaming dalawa ni Patricia. Good to hear that were on the same school. "Kami rin!" sabi ko naman.

It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to  be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon