Chapter 1

1.6K 21 0
                                    

Chapter 1

Welcome Home

"Wake Up, Jessica!" Isang boses ng babae ang nagiingay. Oo ingay talaga dahil kanina pa 'yan, kinuha ko yung kumot ko na nasa paanan ko at tinaklob ko sa buong katawan ko. Gusto ko pa matulog, binibitin ako eh. Ang saya na eh, maya maya lang may biglang naghila nang kumot ko, nilamig ako bigla dahil aircon ang kwarto ko, niyuyugyog na naman niya ako, tska hinila ang braso ko, wala pa rin akong gana bumangon "Its already 6am, Susunduin na natin si tita sa airport." pinaulit ko sa kanya yung sinabi niya at naku po, nakalimutan ko.

        Napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko. Natataranta na ako, ano ba unang gagawin ko teka ano ba? Bakit ba kasi ngayon lang ako ginising nang bruhang ito, magsusundo nga pala kami, nakalimutan ko "What ? Di mo manlang ako ginising ng maaga?" Tapos yung mukha nya nagiba yung expression, na anong-hindi-ginising look.

        "Anong hindi ginising? kanina pa kaya kita, ginigising tapos sinasabi mo na 'teka lang, im with him, dont disturb us' sino ba yun? Huh?" Tapos bigla siyang pumeywang pagkatapos nyang magsalita na kung todo conyo naman.

        "Wala!" sabay takbo ko sa banyo, natataranta na talaga ako, baliw din yung pinsan ko eh ano, oo pinsan ko siya, tapos ano daw sabi ko, yung totoo may sinabi ba akong ganun wala naman diba? Tapos bigla siyang sumigaw na 5 minutes lang daw ako maligo, ano ba siya baliw? Hindi ako maliligo nang 5 minutes, Ako kaya si Jessica Ford! Hindi sapat yang 5 minutes sakin, naligo naman agad ako. Pagkatapos ko maligo, nagpatuyo muna ako nang buhok ko, pumili na ako nang susuotin ko,  kumuha na ako nang pants tska shirt lang sa closet ko,  pagkatapos ko magsuot, konting pabango tapos bumaba na ako.

        "Oh Jess Ang tagal mo naman sabi ko 5 minutes lang ah, Oh Tara na?" Asa naman kasing maliligo ako nang 5 minutes diba? Kung siya nga wala pa eh, haaay naku Patricia, hindi ko na siya sinagot sa tanong niya lumabas na lang kami nang bahay tska sumakay na sa kotse, may driver naman kami kaya siya na yung magddrive samin papuntang airport.

        Habang nasa byahe kame, nakatunganga lang ako sa may bintana, ang ganda nang tanawin dito "Jessica, bakit ang aga naman umuwi ni tita?" yung sinasabe nyang tita is my mom "Diba lagi namang twice a year 'yun umuwi, wala pa ngang 2 years dba?"

         "Ah, hindi ko rin alam eh, may aasikasuhin lang siguro yun dito kaya umuwi ng maaga." wala naman kasi akong idea kung bakit napa aga yung uwi ni Mama, siguro nga may aasikasuhin lang gaya nang sabi ko, tska kasi minsan ko na lang din makausap sa phone si mama, kaya no idea talaga, tinawagan niya lang kami nung isang araw na uuwi nga siya yun lang sabi niya.

        Mga kalahating oras din siguro nakarating na rin agad kami sa airport, naglakad lakad muna kami kasi kala namin pagdating namin andyan agad si mommy pero ayun pagkatapos namin maglakad lakad eh umupo kami dun sa bench wala namang nakaupo, nakaupo lang ako habang si Patricia, nag boboys hunting, you know nag hahanap nang gwapo. Habang naghihintay pa kaming dalawa, buti na lang talaga tinagalan ko yung pagligo ko, maghihintay pa pala kami dito maya maya lang nag vibrate yung phone ko, may tumatawag kaya sinagot ko naman agad.

        "Hello? Jessica, si Mommy ito, palabas na ako, kasama mo ba si Patricia? Sige hintayin niyo na lang ako, malapit na ako." ang saya lang nang tono nang boses ni mama, excited na talaga akong makita ulit siya.

        "Opo kasama ko po si Patricia, sige Mom hintayin ka na lang po namin."

        Pagkababa ko sa phone ko, kinalabit ko sa pat naa hindi pa rin tapos sa pag huhunting ang dami rin naman kasing gwapo dito hihihi, tumayo na rin kami at naglakad papunta sa entrance, nang makalapit na kami, natatanaw ko na si mommy, hinahanap niya siguro kami kasi yung ulo niya paikot ikot, kumaway naman agad ako sa kanya para makita kami, kumaway din siya na ibigsabihin nakita na niya rin kami, lumapit kami kay Mommy

It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to  be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon