Chapter 3
Heartshaped Necklace
Habang papasok kami sa restaurant ay may tinawag si Ivan na babae na nakatalikod, mukha siyang familiar sa akin na halos nakakasama ko rin sa araw araw and I don't think if siya nga ang iniisip ko.
"Patricia!" Sigaw ni Ivan. At Patricia, hindi ba ako nagkakamali sa narinig ko. Kapangalan niya yung pinsan ko. Sa pagtawag ni Ivan ay hindi naman ito lumingon bagkus ay lumapit na lang kaming tatlo sa kanya at nang malapitan naming ito at humarap ay hindi nga ako nagkakamali dahil si Patricia na pinsan ko nga ito.
Bruha talaga 'tong babaeng 'to. Isama mo pa na binabaan niya ako ng telepono.
"Patricia!" Saka ko siya niyakap. Napansin ko naman na medyo nailang siya sa ginawa ko kaya umalis din naman agad ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiti lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin kina Paul at Ivan na naeewan din. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang reaksyon nila, mga baliw ba sila.
"Teka nga! Teka!" Ani Pat. Nakangiti pa rin ako sa kanya. Nanliit ang mata nito na para bang sinusuri ako. "Kilala mo 'ko? As in?! Bakit?! Sino ka ba?" Napakunot noo naman ako sa kanya.
Inirapan ko siya bago ako magsalita. "Adik ka ba?! Pinsan mo kaya ko!" Saka ko siya pinalo sa braso nito.
"Ay?" Ani nito sa pagpapalo ko sa kanya saka siya lumingon kay Ivan. "Ah, Ivan sino siya?"
"Ah! Si Jessica 'yan! We met her earlier at the park."Ani Ivan.
"Strangers? Friends? Ang bilis naman non." Dagdag ni Patricia.
"Ayaw mo ba? Saka magpinsan naman tayo diba?"Singit ko sa kanilang dalawa.
"Okay. But stop, I don't know you. You weren't my cousin." Napakibit balikat na lamang ako sa kanya kasi kung pagpipilitan ko pa, baka kung ano pang mangyari.
"Alam mo, ang taray mo na. To the highest level na! Anong nangyari?"
"Nevermind." Tipid nitong sagot. Lumapit na naman siya sa table naming at nakiupo katabi si Ivan.
Umorder naman sina Pat ng aming makakain. Ilang saglit lang din naman ay dumating na ang inorder naming pagkain namin. Habang kumakain kami ay napatingin ako sa transparent window sa gawing kanan at isang tao ang nakita ko. Tinitigan ko siya, hinihintay ko siyang lumingon man lang dito at nang muntikan na tumingin siya sa akin ay muntik ko nang hindi mailunok ang pagkain ko. Hindi ako namamalikmata at kitang kita siya ng dalawang mata ko. Ang Man of My Dreams ko. Kinalma ko agad ang sarili ko dahil alam kong hindi ako magiging kalmado dahil sa nakita ko.
Pumikit ako at huminga. Binalik ko ang tingin ko sa window pero wala na siya doon. Nakakapanlumo alam mo yon.
"Jessica? Ayaw mo na ba? Lalamig 'yang noodles mo." Ani Paul. Humarap naman ako sa kanya at ngumiti. "May tinitignan ka ba doon?" Saka lumingon si Paul sa bintana.
"Meron. Ahm, kasi... Yung Man of my dreams ko." Hindi ko alam pero parang kinilig ako bigla.
"Man of what? Dream? Seriously, are you crazy?!" The she rolled her eyes to me. Napanguso na lamang ako sa kanya. Hindi naman ako nababaliw kasi diba, haay ewan ko. Bakit ba kasi ako naiinlove sa kanya.

BINABASA MO ANG
It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to be published under LIB)
Fiksi RemajaBook 1: It Was Only Just a Dream [Soon to be PUBLISHED under LIB] 1-20 Chapters revised versions and the least ay hindi na ako magpopost. Watch out for the book! Marami pang magbabago! SOON! Paano na lang kaya kung sa bawat pagtulog mo nakikita...