Chapter 48: The Heart.
Bumibilis ang mga tibok ng puso sa susunod pang mga sasabihin. Tila pinagpapawisan dahil si Ivan lang ang hindi kasama papunta ng Hospital.
"Alam ko," Mas lalo pang kinabahan ang mga ito nang magsalita ang papa ni Jessica. Lahat ay nakatitig sa kanya. Inaabangan ang pagbuka ng mga bibig nito at ang sasabihin nito. "Tinamaan ito ng bala kanina."
"W-weh? D-di nga?" Hindi makapaniwala na si Patricia sa sinabi ng tatay ni Jessica.
"Ano?!" Bigla namang sinuntok ni Terrence ang dingding at napasandal na lang ito at nagsisimula na ring maiyak sa nangyari.
"Tara puntahan na natin si Ivan." Sabi ni Paul. Tumakbo na silang pumunta sa Emergency room kung saan dinala si Ivan.
'Sana buhay pa siya' 'Sana ayos lang siya' Ang daming gumugulo sa isip nila at sana hindi totoo iyon. Nagkakamali lang sana sila sa iniisip nila. Sana walang masamang nangyari kay Ivan.
Pagdating ng tatlo sa Emergency room. Nagtanong si Patricia kung nasaan si Ivan. Sinamahan naman sila nito. "Terrence..." Nag aalala si Patricia, lumapit siya sa kapatid nito. Alam nitong masasaktan din si Jessica kapag nalaman ito. Kung hindi sana siya umalis ng hospital wala sanang mangyayaring ganito.
Pagkarating nila ay iniwan na sila ng nurse. Isang puting kurtina ang nakaharang bago makapasok sa loob nito. Kinakabahan ang tatlo sa makikita. Na sana maayos si Ivan. Na sana natutulog lang ito. Pero nang buksan ito ni Patricia.
"Trivan!" Napalapit agad si Terrence sa kapatid na natakluban na nang puting kumot. Nagiyakan na rin sila. Hindi nila alam kung paano ang gagawin nila. Hindi nila inaasahan ito. "BWAAAAAA!" Sumigaw si Terrence.
Hindi matanggap ng kapatid na wala na ito. Kahit minsan hindi sila nagkakaayos, magkapatid pa rin sila. Sa kahit anong mangyari dapat nagtutulungan sila. Pero ngayon, wala na si Ivan. "Ivan..." Niyakap ni Patricia ang labi nito.
Parang isang bangungot lang ang dumating sa kanila. Isang napakalaking biro. Pero kitang kita naman nila na hindi ito biro. Patay na si Ivan. May padating na doctor kaya napatingin dito si Patricia at lumapit dito.
"Doc! Bakit hindi niyo niligtas ang kaibigan ko? Bakit?!" Hinawakan na siya ni Paul dahil baka kung ano pa ang magawa ni patricia sa doctor.
"Pasensya na, pero dinala siya dito dead on arrival na. Ginawan namin ng paraan, tinanggal namin ang bala sa kanya ngunit masyadong malubha ito. Pasensya na, ginawa naman namin ang lahat." Tumalikod na ang doctor.
Dumating ang mama ni Ivan. Iyak lang ito ng iyak, hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Sana pala dinala na lang niya ito sa ibang bansa.
Sa kabilang banda kaunting oras na lang natitira para may pag asa mabuhay ulit si Jess. Isa lang ang pwedeng mangyari ang heart transplant.
Lumapit si Patricia sa labi ni Ivan. "Jessica, si Jessica!" Para itong nabuhayan na parang may pag asa pa.
"Patricia? Ano iyon?"
"Kailangan ni Jessica ng heart transplant diba? Ang puso ni Ivan?" Lahat napag alaman na pwede nga iyon. Kaya kinausap muna nila ang mama ni Ivan. Kung makakatulong naman daw ito sa mas nakakangailan, ibibigay daw niya ito.
Dinala ang mga katawan nina Jessica at Ivan sa loob ng Operating room. Isasagawa na ang heart transplant. Maraming pwedeng mangyari, kapag naislipat na sa kanya ang puso ni ivan. At may isa pang problema, kung hindi man naging successful ang operasyon isa lang ang ibigsabihin niyon. Pwedeng ikamatay ni Jessica.
8 Oras na lang ang binibigay para sa pag asang mabuhay ulit si Jessica. At nakaka 4 na oras na sa loob ng operating room. Lahat nakaupo sa labas at nag aabang kung ano ba ang susunod na mangyayari. Lahat ng pamilya at kaibigan ng dalawa ay nandito. Isa lang ang gusto nilang mangyari ang mabuhay si Jess.
"Sana maging successful ang operasyon?" Si Patricia na sobrang nag aalala sa pinsan. Lumapit sa kanya ang mama ni Jessica at hinimas himas ang likod nito dahil kanina pa ito iyak ng iyak.
"Tahan na, alam mo namang malakas ang loob ng pinsan mo. Makakayanan niya ito." Sabi ng mama ni Jessica. Sa sinabi ng mama ni Jessica, nahimasmasan ng kaunti ang pakiramdam ni Patricia.
"Salamat tita..."
Namatay ang ilaw sa taas ng operating room na ibigsabihin ay tapos na ang operasyon nito. Lahat ay tumayo at kinakabahan sa magiging resulta ng operasyon. Bumukas ang pintuan at lumabas ang doctor.
Tinanggal nito ang mask nito sa mukha. "Successful po." Lahat naginhawaan sa naging resulta ng operasyon ni Jessica. Ang ibigsabihin lang niyan ay mabubuhay pa si Jessica ng mahabang panahon. Nagyakapan ang lahat dahil sa nalaman. "Within 24 hours kung hindi pa siya nagigising, may isang problema lang ang pwedeng mangyari sa kanya..."
"A-ano po iyon?" Tanong ni Terrence.
"Makalimutan ang nakaraan." Isa lang ang ibigsabihin nun, ang nararamdaman at mga ala ala na lumipas na ay mawawala kung hindi to magigising.
Pumasok ang lahat sa operating room. Nakataklob na si Ivan ng puting kumot. At si Jessica, may oxygen mask sa bibig at may mga nakaturok pa dito. Lahat nag alala sa mga oras na iyon.
Pero may isa pa silang problema. Kailangan magising si Jess within 24 hours.
-------------------------------
2 remaining chapters then Epilogue :')
BINABASA MO ANG
It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to be published under LIB)
Ficção AdolescenteBook 1: It Was Only Just a Dream [Soon to be PUBLISHED under LIB] 1-20 Chapters revised versions and the least ay hindi na ako magpopost. Watch out for the book! Marami pang magbabago! SOON! Paano na lang kaya kung sa bawat pagtulog mo nakikita...