Chapter 45: Bridge to the end
[Jessica's POV]
I don't know where should I go, basta lang dinadala ako nang mga paa ko. Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sakin na umalis nang hospital. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon dahil medyo masakit pa ang ulo pero pinipilit ko lang. Napaginipan ko na naman kasi. Terrence, nasaan ka na ba? Saan ka ba kita pwedeng makita? Napaupo ako sa tabi ng kalsada at namahinga. Nakakalayo na din naman ako sa hospital, sigurado akong nag aalala na rin sila.
"Saan pa ba kita makikita terrence?"
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at doon na nagsimulang maglakad ulit. Hindi ko na alam kung saan ako napapadpad ngayon, isang mahabang kalye ang nadadaanan ko ngayon. Isang napakahaba. Mga sasakyang mabibilis at humaharurot ang makikita mo. Napadaan ako sa isang tabi kung saan meron mga batang naglalaro. Nakikita ko sa batang babae kung gaano siya kasaya. Ganun din ako noong bata ako, walang pinoproblema, walang bumabalakid na kahit ano. Ang alam ko lang noon ang maglaro. Pero ngayon, hindi ko na alam kung anong mas masaya.
Hindi ko na ulit ito pinansin subalit nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
[ Ivan's POV ]
Nabalitaan ko ang nangyari kay jess. Umalis daw ito ng hospital without saying na kung saan siya pupunta waa tuloy kami ka ideya ideya kung nasaan na siya ngayon?
"Sige Pat, pupunta ako dyan!" Binaba ko na ang phone ko. Nag ayos na ako sa sarili, nagpalit ng damit. Simula kasi nang malaman kong sila Jess at Terrence na, parang wala na akong karapatan pa kay Jessica pero siguro ngayon may magagawa ako. Si Jessica, nawawala. Hindi namin alam kung nasaan siya pati ang kapatid kong si terrence, hindi ko rin alam kung nasaan. Simula nung mabalitaan ko ang nangyari sa pagkabanggan nga ni Terrence, wala nang sumunod pa na balita sa kanya ang alam ko lang hinahanap siya ngayon.
Hinanda ko na ang sarili ko pupunta nga ako sa hospital kung nasaan ngayon sina Pat. Hindi ko alam kung bakit ba talaga ginawa ni Jess na umalis ng hospital.
Lumaba na ako nang bahay. Magtataxi ako dahil may kalayuan dito ang hospital kung saan nakalagi si Jess. Ilang sandali lang naman ay may pumara din naman agad saking taxi. Pagkapasok koo sa loob sinabi ko driver ang direksyon kung saan pupunta.
Nakarating din naman agad ako doon. Nagbayad na ako sa driver at dali dali nang pumunta kung nasaan sila Patricia ngayon. Nadatan ko si Patricia na palakad lakad habang ito'y may tinatawagan. Napansin din niya ang pamilya nito.
"Patricia!" Bungad ko sa kanila. Sobra silang nag aalala. Dalawang tao na ang nawawala ngayon. Una si Terrence ang kapatid ko. Pangalawa si Jessica, ang taong minahal ko sa sandaling panahon.
"Ivan! Dumating ka na!" Lumapit sakin si Pat na nagaalala pa rin. Napansin kong tulog na si Paul dahil siguro pagod ito buong araw.
"Sabi ko naman, dadating ako kaagad eh."
"Salamat. Tara samaham mo muna ako," Hinatak ni pat ang kamay ko sa palabas ng kwarto ng hospital. Huminto kami may di kalayuan sa kwarto. Nagtago skami para walang makakita sa amin. "Aalis tayo. H'wag kang maingay!"
Magsasalita pa lang sana ako nang nilapat ni pat ang hintuturong daliri sa labi ko para pigilan ako magsalita. Hinigit na niya lang ako pababa ng hagdan. Ayaw na niya daw may elevator.
Dire diretsyo kami palabas ng Hospital at pumara ito ng taxi. Wala akong ideya kung saan kami pupunta.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"May tumawag sa akin. Hawak nila ang kapatid mo!"
Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi Pat.
"Anong hawak?"
"Kinidnap nila ang kapatid mo!"
Nagulat ako sa sinabi ni Pat.
"Hindi pat!," nakatingin lang nang diretsyo sakin si Pat. "Manong itigil niyo po ang taxi." Sabi ko sa driver.
Tumigil ang taxi binuksan ko ang pinto tska ako lumabas. Pagkababa ko, napansin kong bumaba na rin si Pat.
"Oo na OO na OO NA!! Oo hindi siya nakidnap pakulo ko lang iyon."
"Ano?"
"Si Terrence..." Napatigil siya ng sandali... "Kailangan natin hanapin!"
Nababaliw akong kasama si Patricia! Hindi ko alam kung ano na ba talaga sa isip nito ang tumatakbo eh. Nalilito na rin ako. Sumunod na lang ako sa ginawa ni patricia na sumakay na lang ulit sa loob ng taxi.
"Saan na tayo ngayon?"
"Sa matandang babae na kinausap namin kanina."
"Saan naman iyon."
"May kaunting kalayuan lang dito. Hindi naman tayo aabutin ng hating gabi"
Ilang oras ng byahe. Nakarating kami kung saan tinutukoy ni pat na nakatira ang matandang babae. Baka daw sakali na bumalik si Terrence.
Nang makapunta kami sa bahay ng matandang babae.
"Lola?"
"Hija?" Isang matandang babae ang lumabas sa pintuan. "Naparito ka?"
"Lola, bumalik ho ba siya?"
Sana sa pagtanong ni Pat sa matanda. Tama na ito.
"Oo hija! Halika pumasok kayo."
Biglang lumingon sakin si Pat. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko? Nahanap na ba namin si terrence?
"Ivan! Tara na!" Papasok na si pat nang tinawag niya muli ako. Natauhan ako at sumunod na sa kanya.
Pumasok kami sa isang maliit na bahay. Nag dirediretsyo akong umupo sa kahoy na upuan sa tabi.
"Andito siya, nahimbing na natutulog."
Pinapasok niya kami sa kwarto. At nang makita namin kung sino ang nakahiga doon. Doon lang kami nakahinga nang maayos ng makita na namin na nasa maayos na kalagayan pala ang taong hinahanap namin.
"Terrence." Agad itong nilapitan ni pat. Kung papansinin mo si Terrence, marami pa itong galos sa katawan. Madumi ang kasuotan. Pero pasalamat na lang kami ng makita namin siya.
Gumalaw si terrence. Lumapit na rin ako sa kanya. "T-teka, sino kayo?" Nagulat kami sa ekspresyon ng mukha niya. "Lola? Sino sila?!!"
Laking pagtatakan namin! Bakit ganoon na lang ang pagkakakita sa amin? Hindi na niya kami kilala?
BINABASA MO ANG
It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to be published under LIB)
Подростковая литератураBook 1: It Was Only Just a Dream [Soon to be PUBLISHED under LIB] 1-20 Chapters revised versions and the least ay hindi na ako magpopost. Watch out for the book! Marami pang magbabago! SOON! Paano na lang kaya kung sa bawat pagtulog mo nakikita...