Chapter 18
Isn't a good thing
Palapit na si Terrence sa amin, hindi ako sanay ngayon sa kanya. Nag iba na kasi si Terrence, yes laking France siya at umuuwi naman siya dito pero sa bawat pag-uwi niya ganun din ang paglayo ng loob naming sa isa't isa. Hindi ko rin kilala ang kasama nitong babae na nakahawak sa braso nito. I don't even know her, girlfriend nga kaya ni Terrence. But well, hayaan na lang siya. Basta sa akin na si Jessica.
"Hi Mom!" sabi nito paglapit sa amin at niyakap si Mom. Umalis naman agad siya sa pagkakayakap at sa akin naman bumaling. "Hi Bro!" Sabi niya. niyakap ako nito ako at tinapik na ang likod ko. Ganun din naman ang ginawa ko.
"Terrence! Namiss agad kita!" Mom said. I smirk, hindi naman sa may favoritism si Mommy pero sila rin minsan ang magkasama, hindi rin naman ako masyadong touchy at maexpress kay Mommy kaya ayos lang.
"Ma, almost 1 lang ako nawala, miss agad?" tawa tawa pang sabi ni Terrence. They hugged again.
Ngayon nabaling naman sa amin ang atensyon sa babaeng kasama ni Terrence. Maputi at may maamong mukha. "Ma, Ivan. She's Claire." Pagpapakilala ni Terrence sa kanya.
I just nod. "Bonjour Tita." (Hello Tita) That girl name Claire said. She looked at me and nod again.
"What's your full name again?" Mom asked.
"Claire Dufour." Then she smiled. Napataas na lamang ako ng kilay ko na ngumiti muli, napangiti rin ako sa ginawa niya dahil ang ganda niya kapag ngumiti. Kitang kita mo ang mapuputing ngipin nitong pantay pantay at sa matang kulay bluish. I can help it.
"Ma, siya po 'yung kinukwento ko sayo before na naging kababata ko sa France. She's pretty right?" Terrence said. Natawa pa 'to sa huling sinabi, yes I admit it. She's pretty and gorgeous.
Napatango na lang din ako sa nalaman ko. So hindi niya pala girlfriend 'yan, kababata pa lang. Ah, kababata lang pero siguro soon magkakaron din nang feeling para sa isa't isa 'yan. As I said, sa France lumaki si Terrence kaya nagkaroon siya ng kababata kasama 'yung tatay niya.
"Ah, guys tara na sa duty free?" Terrence said. Mom just excitedly nod. Dapat pala talaga hindi na ako sumama kasi parang hindi naman ako belong dito at ang malala pa ay ako pa ang pinabuhat ng ilang bagaheng dala dala nila patungong kotse. Ako na naglagay ng bagahe sa likod ng kotse at ang driver naman ay sumakay na sa harapan. Hindi na 'to nakakatuwa.
Sa likod na ako umupo katabi ng mga bagahe at doon sila sa gitnang upuan masayang nag-uusap. Naglagay na lang ako ng earphones sa tenga ko para hindi na sila marinig. Nang makarating naman kami ng Duty Free ay dali dali naman silang nagshopping at ako naman ay sumusunod lang sa kanila at tagatulak ng cart ng mga pinamili. Gawin daw ba akong katulong. Dapat talaga hindi na lang ako sumama, gagawin lang pala akong katulong dito. Tss.
Matapos mamili ay agad naman nilang binayaran ang pinamili at oo na naman ay ako na naman ang pinabitbit ng mga pinamili nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mabibigat ang dala ko kundi ngalay na ngalay at sobrang pagod ako nito. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa branch ng restaurant nila Paul at nagsikainan muna kami.
Hinanap ko si Paul sa restaurant pero wala raw ito ngayon. Umorder naman sila ng makakain naming at dahil mabilis naman ang proseso dito ay nakakain naman agad kami. Pagkatapos kumain ay umuwi na kami, hindi ko maatim habang kumakain ako dahil kaharap ko ba naman si Terrence at ang so-called kababata niya daw na mukhang silang dalawa naman dahil sa actions nilang dalawa na sobrang halata. Lambingan to the max. PDA.
Ang boring naman pala ng araw na 'to. Susunduin at kakain lang pala kami. Chill lang Ivan, wala pa namang ginagawa si Terrence eh, kaya easy ka lang muna. Mabilis kaming nakarating sa bahay, nauna na akong bumaba sa kanilang tatlo at umupo sa sofa. Nakakapagod, pagbuhatin ka ba naman ng mga gamit nila.
"Mom, dito ba sila magi-stay?" pagtatanong ko kay Mom.
Mabilis na binigyan ako ni Mommy ng tango. "Ofcourse, alam mo naman din kasi iba. Ang papa mo ay ayaw si Terrence sa condo." Sabi pa ni Mom.
I smirk. "Basta, ayoko." Nakita ko naman na papasok na ang dalawa sa bahay. "Okay fine. Just in 1 week."
"Ivan, umalis lang ang kapatid mo para puntahan dun si Claire at dito naman siya nakatira na diba? Ivan, dito na sila mag-aaral." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom. Totoo ba? Mag-aaral. No way. Umuuwi lang si Terrence dito tuwing summer doon sa France at dito ang ginagawa niyang bakasyunan pero ngayon, buong taon siya nandito.
"Mom, no way." Kahit anong mangyari. Hindi na ako papayag pa.
"Ivan, okay lang 'yan. Makakayanan mo rin mag-adjust." Lumingon naman si Mommy kay Terrence at Claire na palapit sa amin. "Terrence, Claire. Si Ivan na bahala sa inyo sa bahay, Terrence just call me kapag may kailangan ka ha? Ingat kayo dito." Mom said. She kissed my cheeks at pinunasan ko naman agad. Niyakap niya si Terrence gayundin si Claire at lumabas na nang bahay.
The start of war.
"What's up Ivan?" He said.
"I'm okay." Simple kong sagot sa kanya. "How's France?" Pagtatanong ko naman sa kanya.
"Its Good but not that Good." Hindi ko gets, pero hayaan mo na siya.
I nod. "Mom said, you and Claire will study here?"
He smile widely. "Yes!"
Hindi maaari. At sa school ko pa na papasukan sila papasok at mukhang hindi ko alam ang gagawin ko kapag pumasok sila sa isang paaralan na pinapasukan ko. Gulo! Basta ayoko, pero ayoko siyang sagutin baka mag-masama pa ang tingin sa akin ni Claire. Nabaling naman ang atensyon ko kay Terrence dahil sa kwintas nito.
I've seen it before but I don't remember it well. Para kasing may kaparehas eh, sino ba 'yun?
"Ah, Terrence where did you bought your necklace?" I asked.
Ngiti pa nito. "I bought it in France, but the saleslady in France the pair of this is sold here in the Philippines."
Edi ang tinutukoy niyang kwintas eh 'yung nakita ko rin? Talaga?
"Eh, bakit mo naman binili 'yan?" Pagtatanong ko pa.
"La Dodge puis il e, moi qui devrait." (Ang daya nga niya e, akin dapat iyan) Claire said. I didn't understand what she said kaya napakunot noo na lang ako.
"You can't speak tagalog? Or English?" pagtatanong ko sa kanya.
"Well, English a little bit but tagalog a few words." She said. Ang slang nang pagkakasabi niya kaya medyo natawa naman ako.
"So you're here in the Philippines to learn?" pagtatanong ko. She just nood to me. "Good!" ngiwi ko pa sa kanya.
"Oui, très bien!" (Yeah, very good!) I laughed with the words she said.
Tumayo na rin naman ako. "Akyat na ako, ang kwarto mo Claire ay sa tabi lang ng kwarto ni Terrence. Turo na lang niya sayo." Sabi ko naman.
"Ah, what he said?" Claire said. Napailing iling na lang ako at tumungo na paakyat sa kwarto ko.
Badtrip. Alam mong mag-isa ka na lang sa bahay tapos babalik pa ang half-brother mo na titira na rin dito at may kasama pang kababata niya but I just attracted to his necklace. Alam ko talaga, nakita ko na 'yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/5321899-288-k698171.jpg)
BINABASA MO ANG
It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to be published under LIB)
Teen FictionBook 1: It Was Only Just a Dream [Soon to be PUBLISHED under LIB] 1-20 Chapters revised versions and the least ay hindi na ako magpopost. Watch out for the book! Marami pang magbabago! SOON! Paano na lang kaya kung sa bawat pagtulog mo nakikita...