Chapter 6

564 15 1
                                    

Chapter 6

 Baguio Trip

Ingay ng blower lamang ang maririnig habang nagpapatuyo ako nang buhok ko. Tahimik at inaantok pa ako, masyado pa kasing maaga eh. Sino ba naman kasing gigising ng maaga para bumyahe na, well siguro para hindi na rin traffic kaya maaga kami aalis. Mabuti na lang din naman at may heater ang banyo dahil sobrang lamig ng tubig kaya kinakailangan talaga.

        Natapos din naman ako magblower, sinuklay ko naman din ito. Mas bagay talaga sa akin kapag simple, walang ka-arte arte sa sarili, simpleng ngiti lamang pamatay na sa akin. Inayos ko naman ang mga gamit na ginamit ko at binalik sa drawer. I smiled at my mirror. Lumabas na rin naman ako ng kwarto ko at tumungo papunta sa may sala.

            Pagkarating ko sa sala ay nandoon naman si Mommy. Naka jeans at white sleeves lang si Mommy, simply as me. Kitang kita naman diba, mag-ina talaga kami. Im happy siguro kung kasama naming si Daddy Arthur dito ngayon, actually lagi naman silang sabay umuwi but then ngayon ay si Mommy lang ang nauna. Siguro susunod naman si Daddy or baka may reason din kaya hindi nakatuloy diba.

            "Jess, lumabas ka na. Nandoon na rin naman si Patricia, hintayin niyo na lang ako." Ani Mommy. Tumango naman ako sa kanya, lalabas na sana ako ng pintuan na maramdaman kong wala pala sa leeg ko ang kwintas ko kaya nag-aligaga agad ako.

            "Mom! Wait lang! Babalikan ko lang po ang kwintas ko sa room ko." Sabi ko naman.

            "Bakit mo naman kasi inaalis pa sa katawan mo. Baka tuluyan pang mawala 'yan. O sige, Dalian mo na." Nagmadali naman agad akong pumanik sa kwarto ko. First time ko lang naman tinanggal dahil hindi pa sanay ang leeg ko kaya ganon. Tinahak ko ang bathroom which is doon ko nilapag. Pagkapasok ko pa lang ay agad ko naman itong nakita dahil sa kuminang ito.

            "Mabuti at nandiyan ka pa din." Tumingin ako sa salamin at isinuot ko ang kwintas sa leeg ko. Hindi naman ako nagsisisi na ito ang binili ko, well perfectly fit sa leeg ko at bagay naman sa akin kahit kalahati lang ito.

            Mabilis naman akong bumaba ng kwarto ko nang maisuot ko na ang kwintas ko. Hinihintay na lang din pala ako ni Mommy sa may pintuan. May mga maids naman kami dito so sila muna ang magbabantay dito para kahit wala kami may mag-mamanage sa bawat gawain dito. Sumakay din naman agad ako sa kotse na gagamitin naming papuntang Baguio. It is a long trip for me kasi ilang oras din ang biyahe nito kaya habang nasa biyahe ay makakapagpahinga naman ako. Sa likod kaming dalawa ni Patricia umupo si Mommy naman ay katabi ng driver namin sa harapan syempre.

            Nagsimula na rin naman umandar ang sasakyan. Madaling araw pa lamang at tiyak na yan pagdatin namin doon ay umaga na syempre. Habang nagtitingin ako sa tabi ng bintana ng mga tanawin ay pumasok sa isipan ko ang panaginip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na naninirahan ako sa mismong panaginip ko, pero ano nga bang aasahan ko syempre ang mga bagay na ginugusto ko ang mga pwedeng mangyari pero kasi, hindi ko nakokontrol ang bawat situation.

            Si Man of my dreams. Ilang beses na siyang nagpapakita sa panaginip ko, pero hindi ko man lang siya nakakausap parang may wall kasi na nakapagitan sa amin na hindi talaga pwede kaming ipaglapit. Ni hindi ko nga siya kilala eh, pero may mga taong may kilala siya. At si Patricia at si Paul 'yon.

            Agad naman akong humarap kay Patricia dahil siya lang naman ang nakakaalam. Nagpapatugtog lamang siya sa Ipad niya at may nakasuot na earphone sa tenga nito. Inalog-alog ko pa siya para tanggalin niya ang earphone at matuon sa akin ang atensyon niya.

It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to  be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon