Chapter 17

288 12 0
                                    

Chapter 17

Legit Girlfriend?

Nakangiti ako habang paalis ang sasakyan nila Ivan. Papasok na rin sana kami ni Patricia ng gate nang may narinig kaming bumahing na malapit lang sa amin. Narinig naming ang pagkakabahing kasi malakas 'to. Nagtitigan pa kami ni Patricia at natakot baka kasi may sumusunod sa amin at papatayin kaming dalawa. Muli ulit naming narinig ang bahing.

            Naglakad loob na akong tawagin kung sino man siya, "H-hoy! Lumabasa ka diyan!" sigaw ko na nangangatal-ngatal pa.

            "Hoy! Labas!" dagdag pa ni Patricia. Hindi pa rin lumalabas sa pinagtataguan ang taong 'yun dahil sa pauli ulit na pagbahin n'un ay sinundan na lang naming kung saan ito nanggagaling at nang makita naming kung sino siya ay nagulat kami.

            "Kate! Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong sa kanya.

            She rolled over her eyes to me at nabahing na naman siya. "Don't care." Sabi pa nito.

            "Bakit nandito ka? Paano mo nalaman ha?" sabi naman ni Patricia sa kanya.

            Tumayo na siya sa pinagtataguan niya at mukhang allergic siya sa damuhan kaya bahing nang bahing. Pumeywang pa ito sa harap naming at tinaasan ng kilay. She smirks. "Syempre, madiskarte ako." nakakaasar talaga.

            "Diba tinaguan ka na namin? Paano mo kami nahanap?" pagtatanong sa kanya ni Patricia.

            "Alam kong gagawin niyo 'yun sakin kaya dumiretsyo ako sa parking lot. Alam ko naman ang kotse ni Paul doon ako tumambay tapos, ang swerte ko kasi bukas ang likuran kaya doon ako sumakay. Great diba?" halakhak pa nito.

            "Corny. Umuwi ka na nga don!" pagtataboy sa kanya ni Patricia.

            "How dare you?!" sabi pa niya.

            "Nasa teritoryo ka namin. Don't you dare." Pagbabanta sa kanya ni Pat.

            She rolled her eyes and she flips her hair toward Patricia at saka naman hinablot 'to ni Patricia. Susunggaban pa sana siya ni Pat pero nagtatakbo nang umalis si Kate. Duwag naman pala.

            "Ay! Naku, kung ganyan lagi ang makakaharap kong babae. Nag-aral na lang sana ko ng karate." Sabi ni Pat.

            Natatawa tawa na lang ako sa kanya. I patted her shoulder. "Hayaan mo na siya, Pat. Tara na pasok na tayo sa loob." Habang papasok kaming dalawa ay tinext ko naman si Ivan na sumunod pala si Kate sa amin at worst na nakasakay pa mismo sa kotse ni Paul. I texted him na umalis na rin naman siya. Bruha. 

 

~Ivan's POV

 Maaga kaming nauwi dahil sa pangbubwisit sa amin ni Kate kaya wala kaming nagawa at umuwi na lang para hindi na siya umepal. Awayin daw ba si Jess, nakakahiya kaya dun. Si Jess na niyaya ko tapos si Kate ang umectra diba. I feel so worried about her lalo na sa ginagawa sa kanya ni Kate. Hindi ko alam kung may gagawin ba si Kate sa kanya, pero I warned Kate para diyan.

            My phone beep once so I check it out. Its from Jessica. Ano kayang meron?

            From: Jessica

            "Hi Ivan. Si Kate pala sumunod sa atin at worst sumakay pa sa kotse ni Paul sa likod ng kotse. But its okay, umalis na siya. Be safe Ivan."

It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to  be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon