Dreamboy Checklist:
Matangkad
Matalino
Mabait
Gentleman
Basketball Player
Tumutugtog ng gitara
Gwapo
Hindi Babaero
Yan madalas ang hinahanap ng isang babae sa mga lalaki, o bakit? Tama naman diba? These are the features na iniimagine ng mga babae kaso hanggang imagination nga lang talaga.
"Hoy Ree! Nakatitig ka nanaman dyan sa checklist mo!" bumalik ako sa realidad nang sigawan ako ni Riley.
Napangalumbaba ako nang marealize ko ang ginagawa ko. Kung tutuusin ang "Dreamboy Checklist" na yan ay isang "Impossible Standard Checklist". Impossible kasi napakaimposibleng mahanap mo lahat ng features na yan sa iisang lalaki.
"Naku Riley! Hayaan mo na nga yang si Ree! Palibhasa kasi may John ka na.." napatingin ako kay Lory na ngayon ay ginagawa ang madalas nya gawin, ang kumain.
"Ayan nanaman kayo! Nagkaboyfriend lang ako nagkampihan na kayong dalawa.." sinabi nya sabay nguso. Hahahah ang cute ng mga bestfriend ko.
Natigil lang kami sa pagkukulitan nang dumating si John kasama si Gab. Tumabi si John kay Riley habang si Gab naman ay tumabi kay Lory. Tinitigan lang ako ni Loy nang dumating sila kasi tiyak na mananahimik nanaman ako dahil sa pagdating ni Gab. Bakit? Because Gab Lazaro is my ex-bestfriend and ex-boyfriend. Siya ang dahilan ng pagkakaroon ko ng Dremboy Checklist, kahit na kung tutuusin wala sa kanya lahat ng features na iyan.
At dahil kumpleto na ang barkada ipapakilala ko na sila.
Si Gab Lazaro ang bestfriend ko simula pa lang nung second year high school kami pero natapos ang pagiging magkaibigan namin nang nagkarelasyon kami nung senior year naming sa high school. ECE ang kinukuha ngayon ni Gab sa Western University.
Si John Bueva naman ang boyfriend ng bestfriend kong si Riley. Senior year pa lang namin ng high school ay magkarelasyon na sila. Kaya naman ngayong 2nd year college na kami ay mas tumatag ang relasyon nilang dalawa. Information Technology ang course na kinukuha nya sa Western University kung saan magkasama sila ni Gab.
Si Lory Lim naman ang isa sa mga bestfriends kong babae. Kumpara samin ni Riley, si Lory ang pinakachubby. Dahil sa hilig nya sa pagkain kaya HRM ang kinuha nya sa University of Liberal Arts. Sa aming tatlo, si Lory ang matagal nang walang boyfriend dahil sa pagiging Bisexual nya, actually trip niya lang iyon pero iniintindi na lang namin.
Si Riley Breyman ang isa sa mga bestfriends ko, siya yung girlfriend ni John. Civil Engineering naman ang kinuha nya sa Lereal University, siya yung kasama ko sa university. Kumpara sakin, maliit si Riley at may pagkamorena.
Ako, well ang buong pangalan ko ay Chris Ree Salazar, mga magulang ko ang may-ari ng Lereal University at ng iba pang hotels sa Alabang. Sa aming tatlo, ako ang pinakamatangkad pero ako rin ang pinakabata, may pagkasingkit ang mga mata ko pero hindi naman ako chinita. Political Science ang kinukuha ko sa Lereal bago ako dumiretso ng Law dahil yun talaga yung gusto ko.
Nang makalipas ang 2 oras ay napagtanto na lang naming umuwi dahil na rin sa marami pa kaming requirements na tatapusin. Sasakay na sana ako sa sasakyan nina John nang maramdaman kong may humatak sakin.
"Gab!" yun na lang yung narinig ko ka Riley bago ako pumasok sa sasakyan ni Gab.
Tahimik lang ako hapang pinapaandar niya yung sasakyan niya, 45 minutes away ang bahay namin mula sa Bean and Butter Café. Nang umandar ay nagulat ako kung bakit bigla kaming tumigil ang sasakyan nya.
"Bakit tumigil?" tinitigan ko lang siya habang mahigpit siyang kumakapit sa manibela.
"Bumalik ka na.." biglang tumingin sakin si Gab kaya kinilabutan ako.
"What?"
Tinitigan niya muna ako bago siya nagsalita.
"Why won't you come back to me? I want you back, so bad.." nangingilid ang luha niya nang sabihin niya sakin yun. Pero ayoko, ayoko na, hindi ko kinaya kung paano niya ako tinrato nung panahong kaming dalawa pa.
"Just take me home Gab" matigas kong sinabi sak niya pinaandar uli ang sasakyan niya at inihatid ako sa bahay.
---------------------------
A/N:
Si Ree po yung nasa pic :)
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Teen FictionDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...