It was a busy week. Mas lalo na ngayon dahil in 4 days na lang ay debut ko na. Halos gabi-gabi na nga akong binubulabog ni Riley at Lory dahil hindi daw nila alam kung anong susuotin nila sa party.
Naramdaman ko ang pagvibrate ang phone ko kaya sinagot ko agad ang tumawag.
"Hello?"
"Ree! Anong susuotin ko?" sabi ko na nga ba eh.
"Magbikini ka!" binabaan ko kaagad si Riley.
Hindi pa ako nakakabangon sa kama ay nagvibrate uli ang cellphone ko.
"Sabi nang magbikini ka eh!"
"Bikini? I'm not gay baby.." halos malaglag ako sa kama nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.
"Sorry Kevin.. I thought you were Riley.."
Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya "Still asking what to wear?"
"Yeah.." napangiti na lang ako.
Adik talaga to. Dito na nga sya sa bahay nakastay pero every morning tumatawag padin sya sakin kahit na halos magkatapat lang ang kwarto namin.
"Bumaba ka na.. Breakfast is ready.."
Ibinaba ko ang phone ko at nagmadaling magbihis. Pagkababa ko ay tumambad sakin si Kuya na may kausap sa cellphone at tinuro sakin ang kusina para makakuha ako ng pagkain.
Bacon and eggs ang nandun. Sigurado akong si mama ang nagluto nito dahil kinokorte nya paring happy face ang pagkain. Kukuha pa lang ako ay halos mapatalon ako nang maramdamang may yumakap sakin mula sa likuran ko.
"Good morning baby.." napangiti na lang ako at kumuha ng kakainin ko habang nakayakap padin sya sakin.
Nakita ko ang pagabot nya sakin ng strawberry milk kaya napalingon ako sa kanya.
"San ka nakakuha nyan?" tinuro ko yung inabot nya pero bago pa aya magsalita ay inunahan na sya ni kuya.
"Ang agang nanggising nyan para magpasama at bumili ng strawberry fresh milk.." tinitigan sya ng matalim ni Kevin kaya natawa na lang si kuya.
"Thank you baby.." hinalikan ko sya sa pisngi saka ko kinuha yung gatas na inabot nya.
Nakangiti lang sya sakin bago nya kinalas yung yakap.
Habang kumakain ako ay pinapanood ko lang sila habang busy silang lahat sa pagaasikaso ng debut ko.
After breakfast ay kinuha ko ang gitara at bike ko saka ako nagpaalam sa kanila na pupunta lang ako sa park. Umalis na ako bago pa umangal at humirit si Kevin na sumama. Hindi naman sa ayaw ko syang makasama, I just wanna relax alone.
Nang makarating ako sa park ay ipinarada ko ang bike ko saka dumiretso sa playground para umupo sa swing. Kinuha ko ang gitara ko saka nagstrum.
Merrily we fall
Out of line, out of line
I'd fall anywhere with you
I'm by your sideDinama ko yung kanta. Ramdam ko ang tibok ng puso ko habang nagstrustrum ako.
Forever is a long time
But I wouldn't mind
Spending it by your side
Tell me everyday
I get to wake up
To that smile
I wouldn't mind it at all
I wouldn't mind it at allNatigil ako sa pagstrum nang may marinig akong pumalakpak sa likuran ko.
"You really are good.." hindi ako nakapagsalita agad.
"What the fuck are you still doing here Nathan?" kumunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Why don't you ask your grandma?" pagkabanggit nya nun ay iniwan nya ako dun.
Why the hell do I need to ask that old hag? Matapos nung ginawa niya, hindi man lang sya nakonsensya. Hindi nya man lang naisip yung pwedeng mangyari sakin. She doesn't deserve to see us anymore.
Kinuha ko ang gitara ko at dumiretso sa bike ko. Nagpedal ako papuntang mini stop.
Hindi ko na ginustong tumuloy pa sa loob ng mini stop. Can this get any worse? Nasa loob si Gab at Jessa.
Alam kong nakita ako ni Gab kaya nagpedal na lang ako pauwi. What the hell! Bakit ang malas ng araw na to?
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Sigurado akong napansin nila ako kasi hindi pa ako nakakapaglapag ng gamit ay kumakatok na si Kevin sa kwarto ko.
"Baby? You okay?" hindi ko pa sya pinagbubuksan ay dire-diretsong pumasok na sya sa kwarto ko.
"I'm fine Kevin.." sinabi ko iyon nang hindi sya tinitignan.
Naramdaman ko ang paglapit nya bago sya nagsalita.
"I know you're not.." hinarap nya ako sa kanya saka ako tinitigan.
Napabuntong hininga na lang ako bago ko ikinwento sa kanya.
"WHAT?!" tinakpan ko ang bibig nya dahil sa napalakas ang pagsabi nya nun.
"Ang OA ah.." umiling na lang sya sakin.
"What the fuck is he doing here?" napakibit-balikat na lang ako kaya tumigil na sya sa pagtanong.
Humiga na lang ako sa kama ko saka sya tumabi sakin. Pinaglalaruan nya ang buhok ko kaya napapangiti na lang ako sa ginagawa nya.
"I love you.. And please.. No hiding from me, okay?" inangat nya ang baba ko para maglebel ang paningin namin.
Ngumiti na kang ako saka tumango bago nya idinampi ang labi nya sa labi ko.
Narinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko kaya napatingin kaming dalawa dun.
"Papa.." napayuko ako dahil baka nakita nya yun.
"Maglunch muna kayo.. Mamaya na ang dessert.." nakita ko ang nakakalokong ngiti ni papa.
Nakakahiya! Si papa naman. Parang abno.
"Tara na daw.." hinatak ko na sya pababa dahil baka si mama naman ang umakyat samin.
Pagkababa namin ay tumambad agad samin si mama at si kuya na nagpipigil ng tawa habang si papa naman ay nginitian kami ng nakakaloko.
"Kevin, hijo.." napatingin si Kevin kay papa "Baka maubos labi ng anak ko ah.."
Napayuko ako dahil pakiramdam ko sobrang pula ko na.
"Papa!" tinawanan lang nila ako kaya lalo akong namula.
"Oh bakit? Sinasabihan ko lang naman eh.." nakangiti padin si papa samin.
"Osya! Tama na yan! Magmain course na kayo.." si mama naman ang tinignan ko ngayon.
"Ma naman eh! Kuya!" tumigin ako kay kuya.
"Itigil nyo na nga.." nginitian ko si kuya "Baka mamaya di na uli makapagdessert yan.."
"Kuya naman eh!" akala ko tutulungan ako.
Nakisawsaw pa kasi. Si Kevin naman natatawa na lang sa reaksyon ko.
Damn! This feels so good. I love them so fucking much.
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Teen FictionDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...