Chapter 6

44 4 2
                                    

1 am na at hindi padin ako nakakatulog. Hindi ko padin makalimutan ang sinabi ni Kevin. Nagaalburoto ang puso ko kaya hindi talaga ako makatulog.
Lumabas na lang ako at naglakad-lakad. Sobrang lamig talaga ng hangin. Nagpunta ako dun sa malapit na playground at umupo sa may swing.

5 minuto na ako doon nang may marinig ako sa may slide. Ang ganda nung boses nya kaya lumapit ako. Madilim kaya hindi ko agad nakita ang mukha nya.

"Ree?" napaatras ako dun sa nagsalita "What are you doing here? Ala-una na ah.."

Si Kevin.. He was wearing a hoodie at yakap nya ang gitara niya..

"Tumutugtog ka?" napangiti lang siya at sinenyasan akong tumabi sa kanya.

Bigla na lang sya nagstrum ng isang familiar na tono kaya napasabay ako ng kanta.

It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you

Tumigil sya sa pagstrum kaya napatingin ako sa kanya.

"Why'd you stop?" nagiwas sya ng tingin.

"Nothing, It's just.." bumalik ang tingin nya sakin bago nagsalita "I heard a voice of an angel.."

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Nagkakagulo nanaman ang mga demonyo ko sa tiyan kaya hinatak ko na lang ang gitara niya para ituloy ang kanta.

I take one step away
Then I find myself coming back
To you, my one and only
One and only you

Nakatitig lang siya sakin habang tumutugtog ako.

"Damn, is there anything you can't do?" napangiti ako sa sinabi niya.

Hindi na ako natulog uli at nagjamming na lang kami doon hanggang mag 5 am.

Paguwi ko sa bahay ay patay pa ang mga ilaw kaya tiyak ay tulog pa silang lahat.

Kinuha ko ang gitara ko sa kwarto at dumiretso sa gazebo para dun magstrum.

Nagstrum ako at napapikit.

Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang yong mga ngi--

Napatigil ako nang marinig kong may pumalakpak sa likuran ko. Nakita ko si papa na nakarobe pa.

"Pa, ang aga nyo naman pong tumayo.." ibinaba ko amg gitara ko at tinabihan ako ni papa.

"Nak, kamusta na pala kayo ni Gab?" nagiwas lang ako ng tingin kaya alam ni papa na ayoko nang pagusapan pa yun.

"Kailan po pala ang alis nyo ni Mama, Pa?" tinitigan ako ni papa bago nagsalita.

"Mapapaaga ang alis namin, next week lang ay lilipad na kami papuntang Chicago" tumango lang ako.

Sanay naman ako na ganito, madalas naman kasi talaga kaming maiwan ni kuya dahil langing may business trip si mama at papa.

Nang magalas-sais na ay pumasok na kami ni papa sa loob ng bahay para magalmusal.

Kalagitnaan ng pagkain namin ay nakatanggap si Kuya ng tawag. Parang nanigas sa kinatatayuan niya si kuya kaya nagtaka na kaming lahat.

"Nasunog daw ang University of Liberal Arts.." napatingin ako kay kuya.

Hindi naman katakataka kung masunog iyon dahil sobrang lima na ng buildings ng university na yun.

Nagtext ako kay Riley at Lory na kitain ako sa B&B.

Nagbihis lang ako at agad na pumara ng taxi para makarating ako sa B&B.

Nang dumating ako dun ay nandun na ang dalawa.

"I heard, so san ka na magaaral?" napatingin sakin si Lory.

"Well sabi ng parents ko sa inyo na lang daw ako since nagooffer din naman ang Lereal ng HRM" para kaming nakarinig ng party.

Sa wakas at dun na siya magaaral. Kung tutuusin ay ayaw niya sa Lereal dahil nandun si Jessa pero dahil mga magulang niya na ang nagsabi ay wala na siyang inireklamo pa.

Nagkwentuhan na lang kami sa loob ng B&B nang dumating si Gab.

Tinignan lang ako ni Lory at ni Riley na para bang kinakabahan sa mga mangyayari. Hindi ako umimik nang maramdaman kong lumapit siya sa table namin.

Hindi na ako nakapagsalita nang bigla nya akong hinatak palabas ng B&B at kinaladkad papasok sa sasakyan niya.

"What the fuck Gab? Let go.." nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nya pero sobrang lakas mg kapit nya kaya naisakay nya ako.

Pinaandar nya ang sasakyan at agad na pinaharurot.

"Ree, let's talk.." sambit niya habang nagmamaneho.

"We have nothing to talk about! Stop the goddamn car or else!" tumaas na ang tono ko dahil sa bwisit.

"Or else what?" sabi niya habang hawak ang braso ko.

"Or else tatalon ako!" nakaamba nang bubuksan ko ang pintuan ng sasakyan nya nang pigilan nya ako at tinabi niya ang sasakyan.

Bumaba na ako at naglakad palayo pero hindi parin sa tumitigil sa paghabol.

Nang maabutan nya ako ay hinatak nya ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

"Fuck off Gab!" nagpupumiglas ako sa hawak nya pero lalo nya lang hinihigpitan. Nasasaktan na ko. "Gab please.." huminahon ang boses ko at naiiyak na ko. Ayoko na ng ganito. Binitawan nya ako saka sya biglang natumba dahil sa may sumapak sa kanya.

"Kevin! Stop it!" hinawakan ko ang braso ni Kevin at inilayo sya dun.

Nang makalayo kami ay narinig ko ang pagtama ng kamao ni Kevin sa pader.

Hindi ko na sya nagawang tignan dahil sa sunud-sunod na pagtulo ng luha ko.

"Ree? Shit!" inaangat nya ang ulo ko pero tinatago ko lang ang umiiyak kong mukha.

Naramdaman ko na lang ang pagbalot ng mga bisig nya sakin. "Stop crying.. Please.." naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko na nakapagpahinahon sakin.

"Ayoko pang umuwi Kevin.." tinignan nya ako saka tumango.

Isinakay nya ako sa Hi-Lux nya at hinayaan ko syang dalhin ako sa kung saan.

Tumigil kami nang mafamiliarize ko ang lugar. Dinala nya ako sa waterpark na malapit sa Alabang.

"Wala akong dalang damit.." tinignan nya lang ako at ngumiti.

"Don't worry, plano ko na to kaya binilhan kita.." saka nya inabot sakin ang isang paperbag na may laman na two piece.

Tinawanan ko lang sya saka kami lumabas ng sasakyan.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon