Hindi padin ako nakakamove on sa nangyari kagabi. It was the happiest night of my life.
Paggising ko ay nakita kong may susing nakalapag sa side table ko na may nakalagay na note.
BMW's outside
-Papa
Nataranta ako. Nagbihis ako agad saka bumaba para makita ang kotseng niregalo sakin ni papa.
Paglabas ko ay nakita ko ang isang Matte Black na BMW. Dahil sa excitement ay pumasok ako agad sa loob at pinaandar ang kotse ko.
Dumiretso ako kina Kevin dahil alam kong nandun sya. Dun kasi sya umuuwi sa kanila simula nung umuwi ang mga magulang nya.
30 min. lang ay nakarating ako kaagad. Dahil sa excitement ko ay dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay nila.
"Kevin!" walang sumasagot sakin.
Inikot ko ang buong bahay pero wala akong Kevin na nakita. Dahil inaantok pa ako ay dumiretso ako sa kwarto nya.
Umidlip ako sandali sa kama nya. Baka paggising ko nandun na yun.
Pero wala, nagising na ako't lahat-lahat ay wala padin sya.
Binuksan ko ang aparador nya para tignan kung umalis sya pero sana pala hindi ko na lang ginawa.
Wala ng laman ang cabinet nya. Wala na syang gamit dun. Kinakabahan na ako pero hindi ako nagpatinag.
Lumabas ako ng bahay nila saka dumiretso sa condo nya. Nandito sya, alam kong nandito sya.
Nang makarating ako sa condo.nya ay agad akong pumasok sa elevator.
"Ano ka ba Ree! Nandyan yan!" kinakausap ko na ang sarili ko, siguro ay dahil sa kinakabahan na ako.
Nang makarating ako sa floor nya ay agad kong kinuha ang spare key ko saka binuksan ang unit nya.
"Kevin!" wala, wala paring sumasagot sakin.
Dumiretso ako sa kwarto nya at binuksan ang aparador nya. Wala.
Nangingimig na ako nang naramdaman kong magvibratr ang cellphone ko.
"Hello?" namamaos na ako.
"B&B now.." binabaan ako ni Riley kaya agad akong dumiretso sa kotse ko para makapagdrive papuntang B&B.
15 minutes away lang ang B&B mula sa condo ni Kevin kaya sandali lang ay nakarating na ako agad.
Nang makarating ako doon ay nakita ko agad si Kevin na kasama sina Riley.
"Kevin!" lumapit ako sa kanya para yakapin sya pero inilayo nya ang sarili nya.
Lumabas sina Riley kaya naiwan kami ni Kevin sa loob.
"Sit down Ree.." malamig ang tono nya.
"Umorder ka na ba? Orde--" pinutol nya ang sinasabi ko nang magsalita sya.
"Ayoko na.." teka, nabingi yata ako.
"What was that? I think I heard you wrong?" nangangatog na ako pero gusto kong sabihin nya na mali lang ang pagkakadinig ko.
"Ayoko na.." nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko.
"Osige, lipat tayo? San mo ba--"
"Damn it Ree!" natigilan ako sa pagtaas ng tono ng boses nya "Ayoko na! Tapos na tayo!"
Tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Hindi ko na kinayang pigilan pa. Para na silang ilog na tuluy-tuloy umaagos.
"P-pero diba.. S-sabi mo.." nauutal na ako, hindi na ako makapagsalita ng maayos. My heart is breaking and I can't help it.
"I know what I said.." his eyes were cold "I'm sorry.."
Natawa ako sa sinabi nya "Hindi!" napatayo ako "Hindi ikaw yan! Hindi mo ko iiwan diba! Hindi mo ko sasaktan diba! Kevin, hindi ikaw yan!" lumapit ako sa kanya para hawakan ang pisngi nya "Kevin! Gumising ka! Hindi ikaw yan!"
"Ree tama na!" nanghina ako sa pagsigaw nya.
Pinagtitinginan na kami sa Bean & Butter pero wala akong pakialam.
I am fucking crying my heart out, hindi katulad sa mga pelikula na isa-isang luha lang. I was crying, real hard.
"Kevin magusap tayo.." nagmamakaawa nanaman ako sa kanya "Please..."
"Tama na please.." narinig ko ang pagkabasag ng boses nya.
"Kevin.. Diba sabi mo.. Diba.." hindi na ako makapagsalita ng diretso.
"Let go of me Ree.." at sa isang ganun lang, iniwan nya ako sa loob ng B&B.
Hindi ako makagalaw, ang sakit sakit.
"Ree!" narinig ko si Riley pero hindi ko sya matignan.
Tumayo ako saka dumireto sa kotse ko, nagdrive ako palayo ng B&B. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na.
"Sabi mo diba! Sabi mo!" umiiyak lang ako, I was too devastated.
Itinigil ko ang sasakyan saka ako nagsisigaw sa loob.
"Sabi mo mahal mo ako! Sabi mo hindi mo ako iiwan! Sabi mo!" nanghihina na ako.
Iyak lang ako ng iyak habang sumisigaw ako sa loob ng sasakyan ko.
"Putang ina naman Kevin! Sabi mo mahal mo ako diba? Bakit mo ginagawa sakin to! What did I do to deserve this kind of pain!"
Ang sakit. Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Teen FictionDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...