It's been weeks ever since naging kami and naging sobrang busy na namin sa school stuff.
Halos hindi na nga kami nagkikita ni Kevin pero it's okay, I understand na busy din siya sa studies nya kaya I don't mind.
Pagkatapos ng klase ay agad na nagyaya sila Lory na magmall daw kami bilang stress reliever dahil sobrang tagal na naming nagpapakabihasa sa eskwela.
Habang naglalakad kami sa loob ay may naaninag ako na pamilyar na mukha.
She had this wavy brown hair and the perfect posture. Hindi ako makakibo sa kinatatayuan ko. I know who she is.
Hinatak ko sina Lory palabas ng mall saka ko tinawagan si kuya.
"Hello kuya.."
"What is it Ree?" natahimik pa muna ako bago nagsalita.
"She's back.. Rina Gallego is back.." narinig ko na lang ang pagputol ng kabilang linya.
Nagtataka pa sina Lory pero wala na akong panahon para magpaliwanag. Agad akong pumara ng taxi para makauwi.
Nang makarating ako sa bahay ay kinakabahan pa ko. If Rina Gallego is here, that only means Mami is also here.
At hindi ako nagkamali.
"Hija!" lumapit ako kay Mami at nagmano.
"Hi Mami.." tinitigan ako ni Mami mula ulo hanggang paa kaya nailang ako.
"My god Ree, kumakain ka pa ba?" kinuha nya ang braso ko na parang nandidiri "You're so thin.."
Napayuko na lang ako saka nya binitiwan ang braso ko. Nagkamustahan lang kaming lahat at napatanong kung bakit siya umuwi dito kahit na alam na namin ni Kuya kung bakit.
Natigilan kaming lahat nang pumasok si Rina sa loob ng bahay.
"Ree! Oh my god!" lumapit siya sakin para bumeso "It's been so long.."
Lumapit naman sya kay kuya para bumeso pero nilayo lang ni kuya ang mukha nya.
"Reid! Wag kang bastos!" napatingin kami kay Mami na pinagtaasan ng tono si kuya.
Walang nagawa si kuya at nagawa parin makipagbeso kay Rina.
Damn! God knows how much kuya hates Rina. Matagal na kasing pinagpipilitan ni Mami si Rina kay kuya.
Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin kay Lory. I don't want to be the one na magoopen up ng topic sa kanya.
Nagulat kaming lahat nang may pumasok na isang lalaki sa bahay. Chinito siya at matangkad kaya nakuha nya agad ang atensyon ko.
"Ah! I almost forgot!" lumapit sa kanya yung chinito at iniharap sa akin "Ree meet Nathan Lee.."
Nathan Lee.. The Nathan Lee of the Lee chinese government.
Nilahad nya ang kamay nya sakin na tinanggap ko naman. His hands were soft and masculine kaya hindi halata ang pagiging soft hearted nya.
Nagdinner kaming lahat sa Joe's Grille kaya hindi ko nasagot ang mga text sa akin ni Kevin.
Kinakabahan ako sa binabalak ni Mami. Alam ko na ang mga galawan nyang ganito. She wants me to date Nathan and knowing myself, hindi ako marunong tumanggi kay Mami.
Kinabukasan ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.
"Baby? You there?" hindi ako makapagsalita.
Binabaan ko na lang sya saka ako nagshower at bumaba sa sala.
Naabutan ko si Mami at si Nathan sa baba.
"Ree!" tinignan ko si Mami bago pa sya nagsalita uli "Why don't you go with Nathan to the mall today?"
Napatitig lang ako kay Nathan na ngayon ay ngiting-ngiti na sakin. Tumango na lang ako saka kami lumabas ni Nathan.
Isinakay nya ako sa Vios nya saka kami nagdrive papunta ng mall.
Habang naglalakad-lakad kami ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang matanaw ko hindi kalayuan sina Lory, Riley at Kevin.
Hinatak ko palayo si Nathan ngunit nang makalingon ako ay nakita ko si Kuya at si Rina.
Nanginginig na ako dun. Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil kahit anong gawin ko ay makikita padin ako nina Kevin.
"Hey, you ok--" natigil si Nathan nang bigla na lang syang bumulagta dahil sa pagkakasapak ni Kevin.
"Back off!" nakatitig lang ako kay Kevin na ngayon ay kitang-kita ko na ang galit sa mga mata nya.
Hinatak nya ako palabas papunta ng parking lot. Nananahimik lang ako nang isinakay nya ako sa sasakyan nya.
"Is that why you're not answering your calls?" hinawakan nya ang dalawang braso ko at hinarap sa kanya "Because your flirting with---"
Pinutol ko ang sasabihin niya dahil nasampal ko siya.
"Ganun ba ang tingin mo sakin ha?" napailing na lang ako.
So he thinks na malandi ako. Tangina. I can't believe na masasabi niya sakin yun.
Lumabas ako ng sasakyan saka humagulgol palayo.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin.
"I'm sorry baby..." hinarap ko siya saka ako umiyak sa dibdib nya "Shit.. Baby I'm sorry.. Please stop crying.."
Tumango ako sa dibdib nya. Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.
"I love you so much Ree, please don't forget that.." hinigpitan nya ang pagkakayakap nya sakin bago ko sya hinarap.
"I love you too Kevin.. Please.. Never doubt that.." naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya.
He kissed me already pero this kiss was different. It was deep and passionate. I felt a sudden fire burning inside of me.
I clung onto his neck and responded to his kisses. Pinaglayo nya ang mga labi namin saka ako nginitian.
"Damn! I am so in love with you..." namula ako sa sinabi niya.
Hinatid nya ako sa bahay at sinamahan ako pagpasok. Kinakabahan ako dahil alam kong magagalit si Mami.
Pagbukas ko ng pinto ay sampal agad ni Mami ang natanggap ko.
"You indecent child!" matalim nya akong tinignan at hindi tinitignan si Kevin.
Pumagitna samin si Kevin kaya lang sya napansin ni Mami.
"Who is this?!" sa akin nakatingin si Mami pero si Kevin ang sumagot.
"Kevin Draze, boyfriend po ni Ree.." nagbago ang ekspresyon ni Mami.
Naramdaman ko ang paghatak nya sakin kaya natumba ako.
"Ma!" narinig ko si mama na sumigaw at pinipigilan si Mami.
"Kevin! Ilabas mo na muna si Ree!" sigaw ni kuya kaya kinuha ako ni Kevin at isinakay uli sa sasakyan nya.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil nanlalabo talaga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.
"I'm here baby.." napatingin ako kay Kevin saka ngumiti.

BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
JugendliteraturDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...