Hapon na nang magising ako kinabukasan. Grabe sakit ng ulo ko, pero hindi ko padin mapigilan ang sarili ko na matawa sa nangyari kay Jessa kagabi. Grabe hahhaha.
Tumayo na ako at bumaba, kinuha ko yung bike ko at nagpaalam na pupunta lang ako ng Mini Stop.
Nagpunta ako ng mini stop at bumili ng strawberry na Mogu Mogu. Umupo ako sa isa sa mga upuan dun saka tumingin sa labas.
Nananahimik ako nang biglang may umupo sa upuang nasa harap ko.
"Hi Ree!" masiglang bati sakin ni Kevin. Nginitian ko lang siya at tumingin uli sa labas. Napatayo ako sa nakita ko.
"Okay ka lang?" hindi ko siya pinansin. Nakatitig lang ako kay Riley na umiiyak at sumisigaw.
Lumabas ako ng mini stop na hindi nililingon si Kevin.
Lumapit ako kay Riley at hahatakin ko na sana siya pero nagpumiglas siya.
"I'm so tired of you cheating on me!" natigilan ako at pinanood na lang siya habang nakatingin padin siya sa nakayukong si John habang nakataas naman ang kilay ni Jessa na nasa likod niya "Nagpunta ako dito because you said na gusto mo nang makipagayos! Pero anong madadatnan ko?"
Umiiyak na si Riley pero hindi ko siya pipigilan, this is the first time I ever saw her like this kaya hahayaan ko siyang ilabas lahat.
"So what kung nakita mo kaming magkasama?" napatingin kami pareho kay Jessa na naglalakad palapit samin "Lagi naman na kaming magkasama, kayong dalawa palang.."
"You bitch!" nagulat ako dahil agad na sinapak ni Riley si Jessa kaya tumumba ito. Tinulungan siya ni John na tumayo bago nagsalita.
"What the fuck Riley!" sumigaw bigla si John. Lumapit siya kay Riley pero bago pa siya makalapit ay tumunog na ng malakas ang pisngi niya dahil sa sampal ni Riley.
"Fuck you John Bueva! Fuck you!" hinatak ako ni Riley palayo doon at nagyaya sya sa Liberty Alley kaya sinamahan ko siya.
8pm na kami nakarating dahil nagbihis pa kami at sinundo pa namin si Lory.
Pagdating ng Liberty Alley ay uminom agad ng hard liquor si Riley kaya naman ay mabilis siyang tinamaan.
"Ree?" napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko dun si Kevin.
"Kevin.." tumabi siya sakin bago ako nagsalita uli "Sorry pala kanina, si Riley kasi eh.."
"No, it's okay.." sabay ngiti niya sakin kaya nginitian ko din siya.
Nakakailang shot na si Riley nang magyaya siya sa dancefloor. Kaya dumiretso kaming 4 dun dahil nakadikit lang talaga samin si Kevin.
Sumasayaw kami sa gitna nang maramdaman kong dumikit sakin si Kevin kaya sumayaw ako kasama sya.
Sumasayaw kami nang biglang naramdaman kong may humatak sakin palabas ng Liberty Alley.
"Ree!" yun na lang yung narinig kong sinabi ni Kevin nang makalabas ako.
Tinignan ko kung sino yung humatak sakin at seryosong nagulat ako nang malaman ko kung sino yun. Nagpumiglas ako sa hawak ni Gab at nakawala naman ako.
"What the fuck was that?" nagulat ako sa inaasta niya.
"Excuse me?" napataas ang kilay ko "Last time I checked ay wala na tayo at wala kaming ginagawang masama ni Kevin"
Hinatak niya ko uli at nasasaktan na ko sa pagkakahawak niya nang may naramdaman akong humatak sa kabilang braso ko.
"Kevin.." napatingin ako sa kanya pero nakatitig lang siya kay Gab na nanlilisik ang mga mata.
"Back off dude.." sabay hatak sakin ni Kevin.
"Woah!" napansin ko ang pagsmirk ni Gab "Bakit? Boyfriend ka na ba niya?"
"Hindi.. Pero ang pagkakaalam ko ay hindi ka din nya boyfriend" nabwisit si Gab sa sinabi ni Kevin kaya nagulat ako nang biglang sapakin ni Gab si Kevin.
"Kevin!" nilapitan ko si Kevin na ngayon ay nakaupo sa sahig "What the fuck Gab? Ano bang ginagawa mo dito? You were supposed to be in UK!"
"I didn't go!" napaatras ako aa pagtaas ng tono ng boses nya "Because fuck it! I can't let go of you!"
Itinayo ko muna si Kevin bago nagsalita "Fuck off Gab Lazaro.." matigas kong sabi saka lumayo.
Hinatak ko si Kevin sa parking lot "Nasan ang sasakyan mo?" tinignan ko siya at tinuro niya ang isang Hi-Lux na itim sa gilid.
Dinala ko siya dun at agad nagpadrive sa pinakamalapit na Drugstore para bilhan siya ng ointment.
Pagkalabas ko ng Drugstore ay nilagyan ko ang pasa sa pisngi niya ng ointment bago ako nagsalita.
"You didn't have to do that.." sabi ko habang tinititigan ang pasa niya.
"I can't afford seeing you get hurt.." sinabi niya iyon na nakatingin sa kawalan.
Niyaya ko na lang siya magice cream dahil malapit naman na dito yung B&B.
Umorder kami saka ako nagtext kina Riley na nauna na akong umalis because of some incident.
Nang dumating na ang order namin ay nagkwento na lang si Kevin nang mga kalokohan niya nung bata siya. Meron pang isang instance na nilagay nya yung sponge sa aquarium nila habang kumakanta ng Spongebob Squarepants. HAHAHHA parang ewan lang.
Nagpahatid na lang ako sa bahay pagkatapos namin kumain.
"Thank you Kevin" saka ako lumabas ng sasakyan niya.
"Hey!" napalingon ako sa kanya "Let's do this again next time!"
Nginitian ko siya at tumango bago ako pumasok sa bahay.
Nadatnan ko si kuya sa sala na mukhang hinihintay ako.
"Sinong naghatid sayo?" nagpunta muna ako sa kitchen bago sumagot.
"Si Kevin, kuya" napataas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Is he courting you?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni kuya.
"No kuya, he's jusy being nice" sabi ko saka umakyat sa kwarto ko.
Grabe pagod ko. Nagshower ako sandali saka humiga. Kinuha ko ang cellphone sa tabi ko at may nakita akong 3 messages.
Isang galing kay Kuya, isa kay Lory at yung isa ay unregistered number.
Binuksan ko muna yung kay kuya at nakitang kanina pa ito na hindi ko lang nabasa.
Yung kay Lory naman ay simpleng okay lang.
Nang tignan ko ang unregistered number ay paulit-ulit kong binasa.
From: Unknown
Goodnight beautiful Tonight was great
-Kevin Draze
Saan naman nakuha neto ang number ko and what's with the emojis?
Pumikit na lang ako at hindi na nagreply habang unti-unti akong nakakatulog.
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Teen FictionDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...