Chapter 8

45 5 3
                                    

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nagshower muna ako bago ako bumaba.

Nakita ko si kuya sa kusina na pinagtitimpla ako ng kape.

"You were drinking again.." inabot nya sakin yung kape at napayuko na lang ako

"Sorry kuya.." narinig ko ang pagbuntong-hininga nya saka sya lumabas ng kusina.

I guess I'll be staying home for the rest of the day. Aalis si kuya kaya walang tao sa bahay.

Lumabas ako papuntang gazebo nang marinig ko ang pagvibrate ng phone ko.

"Hello?"

"Ree, pumunta ka ng playground! Like now!" napatalon ako sa gulat nang babaan ako ni Riley.

Tinakbo ko ang distansya ng playground sa bahay at nakitang nandun si Lory at Riley sa may swing.

Tinignan ko ang tinitignan nila at nagulat ako sa kung sinong nandon.

Bugbog sarado na si Anton habang nakaamba pa ng isang suntok si John.

Tatakbo na sana ako para pigilan sila nang dumating si Gab at Kevin. Hinawakan ni Gab si John habang si Kevin ay itinatayo si Anton.

Lumapit na kaming tatlo dahil siguradong hindi na maganda ang kasunod na mangyayari.

"What the fuck is going on?" si Riley na ang sumigaw kaya napatingin silang apat sa amin.

Tinignan ko si Gab na ngayon ay matalim na nakatingin sakin.

"Magkaibigan pala ito.." sabay tingin nya kina Kevin at Anton "Dalawang lampa na mas pinili nyo!"

Natumba na lang bigla si Gab nang sapakin na sya ni Anton na agad naman ginantihan ni John.

Nagkagulo na silang apat. Para silang mga bata.

"Ano ba!" natigilan lang si Gab nang sumigaw ako "You are acting like fucking apes! Gorilla ba kayong apat para magkaganyan!"

Nilapitan ako ni Kevin at hinawakan ang braso ko na kinalas ko agad.

"At ikaw? Nakisali ka pa talaga? Pwede namang magawat ka na lang?" napayuko na lang sya sa sinabi ko.

Hinatak ko sina Riley at sinabihan silang sumunod.

Pagdating sa bahay ay agad akong nagpakuha kay manang ng ointment para sa mga pasa nung apat.

Ginamot ni Lory yung kay Gab at Anton habang si Riley naman ang gumamot kay John, so malamang sa alamang ay si Kevin ang gagamutin ko.

"Sorry.." napatingin ako sa kanya nang sabihin nya iyon habang nilalagyan ko ang pisngi nya.

"Tss.. Ape.." napailing na lang ako saka ngumiti.

Natigil kaming lahat nang pumasok sa bahay si kuya.

"What happened?" sabi niya na nakataas kilay.

"May nagaway na apat na gorilla.." yun lang ang sinabi ko saka pinagpatuloy ang paggamot kay Kevin.

Hindi nagtagal ay umalis na din sila Gab at Anton kaya naiwan si Riley at John na magkasama. Sinenyasan ko si Kevin na lumabas kami dahil siguradong may confrontation na magaganap sa loob ng bahay.

Dinala ko sya sa gazebo at nagulat na nandun padin pala yung gitara ko. Kinuha ko yun saka umupo.

Nagstrum lang ako sandali nang hablutin nya ang gitara. Hindi na lang ako nagreklamo at hinayaan ko sya.

Nagstrum na sya na sinabayan nya din ng kanta.

My heart is breaking
As I'm lifted up above the clouds
Away from you

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagstastrum sya at dun ko lang naadmire ang features nya.

Those deep black eyes
That perfectly curved lips
His quite messy hair

Napatigil sya at napansin nya yatang nakatingin ako sa kanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Umm.. Baka pwede na tayong pumasok.." tatayo na sana ako nang hatakin nya ang braso ko at nagsalita.

"Ree, you're mine, okay?" napalingon ako sa kanya.

"What?"

"I just need assurance na sa akin ka lang.." nanginginig ako sa pagkakatayo ko nang marinig ko yun sa kanya.

Naglakad ako palapit sa pinto bago nagsalita "I'm yours.." nilingon ko sya at ngumiti.

Tuluyan akong pumasok sa loob at nakita ko si John at si Riley na naguusap padin kaya sa kusina ko na minabuting dumiretso.

Kumukuha ako ng ice cream nang maramdaman ko na may yumakap sakin mula sa likod ko.

"I love you.." nilingon ko si Kevin na ngayon ay kinukuha ang ice cream ko at ipinatong sa counter.

Nginitian ko lang sya at umupo dun.

"Wala man lang sagot?" tinignan ko sya at natawa sa sinabi nya.

"Fuck you Kevin Draze.." sambit ko nang nakangiti.

"Too embarrassed to say that, huh?" sabi nya na nakakaloko ang ngiti.

"I want to hear it again.." tinignan ko sya uli.

"Fuck you Kevin Draze.."

"I love you too.." sambit nya saka ko naramdaman ang labi nya sa noo ko.

Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko si Lory sa pinto ng kusina.

"Wag nyo kong pansinin, tuloy nyo lang.." sabi nya saka kami tinawanan.

Namula lang ako dun na parang ewan. Yari sakin to mamaya.

Bumalik na kami sa sala at nakitang mukhang nagkaayos na si John at Riley.

Umupo kami ni Kevin sa sofa nang nagsalita si Lory.

"Fuck you.." tinignan nya ako at nginitian ng nakakaloko.

"What?" nagtatakang tanong ni Riley.

"Alam mo Riley, fuck you HAHAHHA.." bumulong si Lory kay Riley kaya ngayon ay dalawa na silang pinagtitripan ako.

Nakakahiya tong dalawang to.

Hanggang sa umalis sila ay pinagtritripan nila ako.

Alas-otso na nang umalis si Kevin sa bahay kaya dumiretso na ko sa kwarto ko para matulog.

Napangiti na lang ako dahil sa pagalala ng nangyari kanina..

"Fuck you Kevin Draze..."

---------------------------
Note:

Hi guys! I can't believe na umabot kayo hanggang dito. Well thank you na lang! Sino po ba mas trip nyo? Kevin-Ree or Gab-Ree?

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon