Chapter 27

28 1 0
                                    

Pagkauwi namin kagabi ay sinabihan ko sila na baka within this week ay magpadinner ako para makapagpaalam sa lahat.

Iniisip ko kung anong sasabihin ko, kung paano ako mageexplain sa kanilang lahat.

Bumaba ako at hinanap si Kuya. Nang makababa ako ay naabutan ko sya sa gazebo.

"Kuya.." nilingon nya ako saka ako lumapit.

"What is it?" tinitigan lang ako ni Kuya.

"Aalis sana ako.." nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kuya nang sabihin ko iyon.

"San ka pupunta?" umupo ako ng diretso saka ko dinama yung hangin. Grabe mamimiss ko to.

"Australia sana.." blanko ang ekspresyon ng mukha ni Kuya.

Alam ko naman na ayaw nya ng ganito. I was kuya's little girl. Si kuya ang hero ko. Ayaw nya nang nagkakalayo kami dahil hindi nya ako nababantayan kapag ganito.

"Bakit?" yun lang ang sinabi ni Kuya kaya tinignan ko sya.

"Alam mo kuya yung pakiramdam na kahit saan ka lumingon naaalala mo sya?" tinitigan niya lang ako "Ayoko na ng ganun.."

Tumango si kuya saka bumuntong-hininga.

"Kailan mo balak umalis?" natahimik muna ako sandali bago ko sya sinagot.

"Next month.." nanlaki ang mata ni kuya "Gusto ko sanang magpadinner bago ako umalis.. Tulungan mo naman ako kuya, please.."

Matagal akong tinignan ni kuya bago sya nagsalita "Okay baby.."

Baby.. Si Kevin agad ang pumasok sa isip ko. He used to call me that.

This is what I meant. Kung sa bawat oras ay may naalala akong konektado sa kanya, paano ko sya makakalimutan?

Bumalik ako sa loob ng bahay para puntahan si Mami, nakita ko sya sa sala kaya nilapitan ko sya at hinalikan sa noo.

"Hi Mami.." hindi nya ako tinitignan "Ganito pala kapag nasaktan ka.. Nakakabaliw.."

Gumalaw ng onti ang ulo nya at tumingin sa direksyon ko.

"Alam mo Reina.." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya "Parte ng pagmamahal ang masaktan, hindi mo iyan mapipigilan.."

Naiiyak ako sa sinasabi ni Mami pero nanahimik lang ako at pinakinggan ko sya.

"Kapag kasi hindi ka nasaktan. Hindi iyon pagmamahal, kailangan nating masaktan para matuto tayo. Para kapag nagmahal tayo uli, alam na natin kung ano ang dapat gawin.." hinawakan nya ang kamay ko saka inilagay sa bandang dibdib ko "Kaya ingatan mo ito.. Huwag mong hahayaan na puro sakit lang ang laman nyan, dahil kung hindi mo na yan bibigyan ng lugar para maging masaya, hindi mo makikita ang dahilan kung bakit ka nasaktan.."

Nanginginig na ako sa harapan ni Mami. Kahit na hindi nya ako nakikilala, ramdam ko ang pagmamahal ni Mami.

Umiyak lang ako doon.

"Huwag ka nang umiyak Reina.." naramdaman ko ang pagpunas ni Mami ng luha ko "Ganyan talaga, masasaktan ka ngayon, pero bukas mawawala na.. Umiiyak ka ngayon, pero bukas nakangiti ka na.. Ang isla bago nabubuo, pumuputok muna ang bulkan, pero pagkatapos nun, lilitaw na lang ang mga naggagandahang isla.. Kaya mawawala din yan, lahat ng sakit na yan, mapapalitan yan ng saya.. Siguro hindi pa ngayon, pero dadating din ang araw na iyon.."

Tumango ako kay Mami at naramdaman ko ang pagyakap nya sakin.

"Tahan na Reina.. Tahan na anak.." sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

Narinig ko ang pagpasok ni Kuya sa bahay kaya inayos ko ang sarili ko at siniguradong hindi ako mukhang umiyak.

"Calvin! Umiiyak nanaman ang anak ko!" akala ko makakatakas na ako pero hindi pala.

Lumapit sakin si kuya at tinitigan ako. Dinala nya ako sa sasakyan nya at nagdrive. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hinayaan ko na lang si Kuya.

45 minutes na siguro syang nagdadrive nang tumigil sya sa isang maliit na park.

"Naalala mo pa ba tong lugar na ito?" naguguluhan ako, hindi ko alam kung nakarating na ba aki dito.

Bumaba sya ng sasakyan kaya sumunod ako kay Kuya, lumapit sya sa isang pond at umupo sa tabi nun.

Ang linis ng tubig nung pond. Lumapit ako kay kuya at umupo sa tabi nya.

"Sabi mo noon, gusto mong mahanap ang prince charming mo.." tinitigan ko lang si kuya habang nagsasalita sya "Sabi mo pa nga, dadalhin ka nya sa malayo at magiging masaya kayong dalawa at hindi ka nya papaiyakin.."

Naiiyak ako na natatawa sa sinasabi ni kuya.

"Tinawanan lang kita nun, ang sabi ko pa sayo, hindi ka magkakaroon ng prince charming na hindi ka papaiyakin.." napatingin si kuya sa pond "Nagalit ka pa sakin nun, tapos nagsumbong ka kina mama, nung araw na yun, naisip ko na napakasarap mo pala magmahal, kasi kapag ikaw na yung nagmamahal, iniisip mo na hindi ka nya sasaktan.."

"Kuya.." pinutol ni kuya ang sasabihin ko.

"Pero sobra ka ring masasaktan.." niyakap ako ni kuya saka nya pinunasan yung mga luha ko "You're still too young Ree, hindi lang iyan ang sakit na mararanasan mo sa buhay.. You have to be strong enough kasi minsan you have to face them alone.."

Umiyak lang ako sa dibdib ni kuya, totoo yung sinabi ni kuya. Dahil sa oras na umalis ako papuntang Australia, I have to face everything alone. Walang mama at papa na gagabay sakin. Walang kuya na tutulungan ako. Wala sila Lory at Riley para pagaanin ang loob ko. At walang Kevin na magpapaahon sakin sa pagkakalubog.

"Thank you Kuya..." hinarap ko si kuya bago ako nagsalita ulit "But I'm old enough to face a whole new world alone.."

Hindi na magbabago ang isip ko. I really want to leave. And no one can stop me.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon