Gabi na nang umuwi ako galing Randclifee, hindi padin nawawala sa isip ko lahat nang sinabi at hindi ko sinabi. I want to move on like how he did. I want to forget him like how he did. Pero siguro, hindi ko iyon magagawa kung nasa lugar ako kung saan kami may napakaraming alaala.
Bumaba ako sa sala at nadatnan ko dun sina Kuya na mukhang hinihintay ang pagbaba ko.
"Good morning Ree..." nginitian ko si Kuya saka tumango at dumiretso sa kusina para makakuha ng makakain.
"Ree.." nilingon ko si Papa "Pupunta ka ba ng Randclifee ngayon?"
Tumango ako, yun na lang talaga yung lugar na pinupuntahan ko. Hindi na din ako nagpupunta ng B&B.
Tumango ako saka kumuha nung garlic bread sa counter.
"Sasama sana kami.." halos maibuga ko yung kinakain ko sa sinabi ni Mama "Gusto ko na din namang makita uli si Mama.."
Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanila.
Tumango na lang ako at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Pagkababa ko ay nakaayos na sila mama.
Ginamit namin yung Subaru Forester ni Papa since sya naman daw ang magdadrive.
Habang nasa daan kami ay nagtext ako kay Nathan na papunta akong Randclifee na kasama sila Mama.
Pagkasend na pagkasend ko lang ay nagvibrate agad ang phone ko kaya binasa ko yung text ni Nathan.
From: Nathan Lee
Okay. I'll wait for you in the lobby.
Sandali lang ay nakarating kami agad ng Randclifee, paano ba naman kasi, sobrang bilis kaya magpatakbo ni Papa ng sasakyan.
Nang pumasok kami sa loob ay si Nathan na kaagad ang bumungad samin.
"Nathan.." nakatitig lang sa kanya si Kuya habang sina Mama at Papa naman ay mukhang hindi pa komportable kay Nathan.
"Ree, tara na?" tumango ako saka sumunod sa kanya.
Sumunod naman samin sina Kuya. Nang makapasok kami sa elevator ay tuluyan na akong kinabahan sa magiging reaksyon nila.
Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang nangyari kay Mami? And for sure, Mama will be heartbroken to see her like that.
Bago pumasok sa kwarto ni Mami ay binalaan ko na sila sa pwede nilang makita sa loob.
Nang makapasok kami ay lumapit ako agad kay Mami para halikan sya sa noo.
"Mami, may mga bisita ka.." tinuro ko sina Mama at Papa pero gaya ng dati ay nakatulala lang si Mami.
Sinenyasan ko sila na lumapit kaya naman walang anu-anong lumapit si Mama at yinakap si Mami.
"Mama.." umiiyak na si mama habang yakap nya ang nanay nya.
"Hija.." napatingin si Mama kay Mami pero si Mami ay nakatingin padin sa kawalan "Pakitawag nga si Reina.. Baka nagugutom na iyon.."
Narinig ko ang paghikbi ni Mama. Nilingon nya ako na halatang naguguluhan sya kung bakit ganun na lang ang inaasta ni Mami.
"After what happened, she lost everything and became very devastated.." pinapakinggan lang sya nila Mama "I'm sorry po.. Hindi ko po sya maiuwi sa inyo sa takot na kinamumuhian nyo padin sya.."
Napayuko si Nathan nang sabihin iyon. Nakita ko ang pagtapik ni Papa sa balikat nya.
"Thank you Nathan, for taking care of her.." nilingon ni Papa sina Mama at Mami "Pero now, we have to take her home.."
Tumango si Nathan kay Papa. Napalingon ako kay Kuya kasi napansin kong hindi nya nilalapitan si Mami.
"Reina!" napalingon kaming lahat bigla kay Mami "Umiiyak na si Reid!"
Sinasabi nya iyon na nakatitig sa kawalan. Nakita ko ang panginginig ng mga mata ni Kuya kaya alam ko na anytime ay iiyak na sya.
Mahal na mahal kami ni Mami. Siguro ay may mga kasalanan sya, pero ginawa nya iyon para masigurong hindi kami maghihirap katulad ng paghihirap nila noon ni Mama.
Lumabas ako sa balkonahe ng kwarto ni Mami at hinayaan sina Kuya na makasama si Mami sa loob.
Napatingin ako sa mga buildings na kitang-kita ko mula sa kwarto ni Mami.
Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong kumanta dito, ito na yung huling beses na kakanta ako para sa kanya.
Kung kaya ko lang sabihing
Hindi masakit
Kung kaya ko lang sabihing
Hanggang sa muli
Kung kaya ko lang isiping
Magbabalik ka padin
Ngunit hindi na
Hanggang dito na langHanggang dito na lang talaga tayo Kevin. Kailangan ko nang tanggapin na iniwan mo na talaga ako. Kailangan ko nang alisin lahat ng lungkot na nararamdaman ko.
Huli na 'to Kevin. I wanna let go.
"Gusto mong magpunta sa bay?" napalingon ako kay Nathan saka sya nginitian.
Nagpaalam kami para magpuntang Manila Bay. Kotse nya na yung ginamit namin.
Nang makarating kami doon ay pinatayo nya ako dun sa harang ng Manila Bay.
"Ree.." nilingon ko sya "Gusto kong ilabas mo na lahat.. Isigaw mo na lahat.. Magpaalam ka na sa mga alaala ninyong dalawa.. Magpaalam ka na sa kanya.."
Tumango ako saka huminga ng malalim.
"Kevin! Ayoko na! Nakakapagod na! Ayoko nanh isiping babalik ka pa! Na babalikan mo pa ako!" naramdaman ko ang pagagos ng luha ko pero hindi ko na pinansin iyon "Tama na! Alisin mo na lahat ng sakit! Ayoko na Kevin! Ayoko na!"
Nabasag na ang boses ko. Napaupo na lang ako dahil naramdaman ko ang paghina ng mga tuhod ko. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Nathan.
"Bakit mo ba ginawa iyon! Bakit ka nangako! Paasa ka! Paasa!" umiiyak na ako ng umiiyak "Huli na to! Ayoko nang masaktan! Ayaw na kitang maalala pa! Gusto ko nang sumaya ulit! Ayoko nang umasa pa!"
Ayoko na. Huli na to. Gusto ko nang makalimot. Gusto ko na syang makalimutan. Napapagod na ako sa kakaasa sa wala. Ayoko nang isiping babalik pa sya.
I take one step away
And I find myself coming back
To you
My one and only
One and only youHuling beses ko nang kakantahin iyan na may alaala pa sa kanya. Huling beses na itong pagtatanong ko kung bakit nya ako iniwan. Ayoko na. I want to move on. I want to remove everything about him. I want to forget it all.
"Goodbye Kevin.." and with that, my last tear fell.
![](https://img.wattpad.com/cover/52822176-288-k705220.jpg)
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Ficção AdolescenteDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...