Chapter 14

35 2 0
                                    

I felt really happy after last night, umuwi ako ng bahay na ngiting-ngiti. Nagshower lang ako saka ako bumaba for breakfast.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang marinig ko ang kausap ni Mami.

"What! You said that she was convinced na ikaw ang gi-- oh wait! I have to go.." tinignan ako ni Mami saka ko siya nginitian.

I wonder who called her kasi mukhang bwisit na bwisit talaga si Mami.

Nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko iyon para tignan kung sinong nagtext dun.

From: Lory Lim

We need to talk.. B&B for lunch?

Nakaramdam ako ng takot bago ako nagreply kay Lory.

To: Lory Lim

Sure..

Kinakabahan na ako. Hindi naman madalas magyaya sa B&B si Lory unless importante ang sasabihin niya sayo.

Nagpaalam ako sa bahay at nagbihis na para makapunta akong B&B.

Wala pa si Lory nang dunating ako. Typical Lory Lim. Umorder na lang ako ng chocolate cake at mocha frappe. Hindi ko alam kung bakit ayoko talaga ng hot coffee kaya puro cold coffee amg binibili ko sa B&B.

Nang dumating si Lory ay kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Umupo lang siya sa harap ko at hindi nagsasalita.

"Lory? Is there a problem?" napapaos pa ang boses ko habang sinasabi ko iyan.

"Did you know about..." nakatitig lang siya sakin bago niya pa dinugtungan ay tinapos ko na ang sasabihin niya.

"Rina Gallego.." nakita ko ang pangingilid ng luha ni Lory.

It breaks me to see her crying. Hindi mo madalas makikitang mahina si Lory. And seeing her weak will make you break into pieces.

"Wh-why didn't you tell me?" nauutal na siya dahil alam kong anytime ay iiyak na siya. I know her. Alam ko kapag bibigay na ang pagpipigil niya.

"I didn't want to be the one to tell you about her.." nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

Napayuko na lang ako. This is what I get for not telling her. I'm breaking her.

Tumango na lang siya saka umalis. I was left there hanging. Hindi ko alam kung galit ba siya sakin o hindi. All I know is that she's breaking and I'm one of the reasons why.

Nagvibrate yung phone ko at nakita ko ang number ni Kuya. Pinatayan ko na lang siya. I can't talk to him for now.

Una, dahil papagalitan nya ako sa pagsama ko kay Kevin.

Pangalawa, dahil kay Lory.

Umuwi na lang ako ng bahay pero bago pa ako makapasok ay narinig ko ang sigawan nila sa loob.

"Why did you do that Ma?!" narinig ko ang galit na boses ni papa.

Naririnig ko din ang pagiyak nina mama.

"I did what I had to do! Hindi sila pwedeng mapunta sa iba!" nagtataka na ako.

What did Mami do?

Binuksan ko ang pinto at alam kong gulat silang lahat sa nakikita nila.

"Why'd you guys stop? Nakikinig ako.. Tuloy nyo.." naningkit ang mga mata ni papa habang si Mami naman ay naiiyak na.

Lumapit sa akin si Mami at sinabihan akong umakyat sa kwarto ko pero hinatak ako ni Papa.

"No Ma! Tell her kung anong ginawa mo sa kanya!" naguguluhan na talaga ako.

"Why Mi? What did you do?" nakita ko ang takot sa mga mata ni Mami.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin niya sa amin nang biglang may tumunog na recording.

"Akala ko ba ay nagawa mo na silang paghiwalayin?!"

Boses ni Mami. Napatingin kaming lahat kay Kuya na ngayon ay nilakasan pa ang volume ng recording.

"My granddaughter is a very pretty girl, you'll enjoy her.."

Napaupo ako sa narinig ko.

I don't understand. Did she? Was she? Sobrang gulo.

"What did that mean Ma!" nakayakap na sakin ngayon si mama habang naguguluhan padin ako.

I wasn't crying yet pero mukhang  anytime ay iiyak na ako.

"I did it for her!" napasabunot si papa sa buhok niya bago nagsalita.

"You did it for her? Muntik nang marape ang apo niyo and you did it for her!" nanginginig ako sa narinig ko.

Ang mga luhang hindi lumalabas kanina ay tuluyan nang umagos. I don't understand.

"W-why?" napatingin silang lahat sakin.

Sinubukan kong tumayo para maibalanse ko ang sarili ko.

"W-why did y-you?" hinahawakan ako ni mama pero nagpumiglas ako sa kanya.

I want to know why. I want to know how could she have done that to her own granddaughter.

"I-- I wanted you for Nathan.." nakatingin lang ako sa kanya.

"For what Ma? Sabihin mo sa kanya kung bakit!" nakatitig lang ako kay Mami.

"2 years ago.." nanginginig na ako. Mukhang alam ko na.

"Ipambabayad nyo ako sa utang?" nakatingin lang sakin si Mami at unti-unti siyang tumango.

"Ibebenta nila ang lahat ng meron ako kung hindi kayi magkakatu--" alam kong mali pero nasampal ko talaga si Mami.

Nanginginig na ako. Tuloy-tuloy na ang luha ko pero mukhang hindi pa ako napapagod.

"Ayus lang na mababoy ako wag lang mawala ang lahat sayo? Is that it Mi?" ang pait ng tono ko.

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at dumiretso ako sa kwarto ko. Nagkulong lang ako doon at umiyak.

How can she do this to me? Para akong tangang nagwawala sa kwarto ko. Lahat nang mahawakan ko ay binabato ko.

Puro bubog na ang kwarto ko at puro sugat nadin ako pero hindi ko maramdaman ang sakit mula sa mga iyon. Nakakaramdam ako ng sakit dahil sa nalaman ko kanina.

Muntik na akong mababoy pero ayus lang yun sa kanya basta hindi siya maghirap. Tangina lang!

Natigil ako ng marinig ko ang pagkalabog ng pinto ng kwarto ko.

"Ree! Open the door!" si Kevin..

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko kaya hinayaan ko siya. Ilang sandali lang ay bukas na ang pinto ng kwarto ko dahil sa pagkakasira niya ng pinto.

"Shit.." nilapitan niya ako at pinagmasdan ang mga sugat ko.

Naramdaman ko na lang ang pagbuhat niya sakin at pagsakay niya sakin sa sasakyan niya. Nang dahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon