Chapter 23

26 2 0
                                    

Hindi ako umuwi sa amin kagabi. Nagstay ako dito sa Randclifee para masamahan ang Mami.

Nang magumaga ay nagpaalam ako kay Nathan na kailangan ko ng umuwi dahil paniguradong hahanapin ako ni Kuya.

"Ihahatid ba kita?" umiling ako saka nagpasalamat sa kanya.

Pagsakay ko ng sasakyan ko ay agad kong pinaandar saka nagdrive papunta sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay agad bumungad sakin ang nagaalburotong si Kuya.

"Where were you?" napatingin lang ako kay Kuya bago nagsalita.

"Randclifee, nandun si Mami.." narinig ko ang paglapit nila mama at papa samin.

"Tinawagan ka nya?" umiling ako kay papa bago nagsalita uli.

"Tinawagan ako ni Nathan.." nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.

Iniwan ko sila sa sala na ganun ang ekspresyon saka dumiretso sa kwarto ko para makaligo at magbihis.

Habang nasa shower ako ay hindi nawawala sa isip ko ang nangyari samin ni Gab kagabi.

"What the fuck were you thinking Ree?!" nakakadiri ako.

Just the thought of us together made me puke. Paano pa kaya kung kahalikan ko na sya.

Halos 30 minuto yata ako sa banyo dahil sa paulit-ulit kong pagtoothbrush.

Nagbihis ako ng pangcasual lang saka dumiretso sa sasakyan ko. Hindi ko pinansin ang mga tanong nila Kuya sakin kung saan nanaman ako pupunta.

Nagdrive ako papuntang mall. Gusto ko sanang bumili muna ng regalo kay Mami bago ako bumalik ng Randclifee. Pagkapark ko ay agad akong dumiretso sa loob at naghanap ng shop kung saan mabibilhan ko ng pasalubong si Mami.

Pumasok ako sa isang shop saka tumingin ng mga damit doon. Habang tumitingin ako ng damit doon ay natigilan ako nang may narinig akong boses mula sa likuran ko.

"Hi Ree.." napalingon ako at nakita ko si Gab na nakangisi sakin.

Hindi ko sya pinansin at lumabas na lang ako ng shop na iyon nang naramdaman kong sinusundan nya ako.

Binilisan ko ang paglalakad ko pero hinatak nya ako kaagad kaya napatigil ako.

"What the fuck did you want Gab?" naiirita na ako sa inaasta nya.

"You make out with me then brush me off? That's kinda rude.." nginitian nya ako ng nakakaloko kaya mas lalo akong nairita sa kanya.

"That was a mistake.. At hindi na yun mauulit, ever!" kumalas ako sa pagkakahawak nya saka naglakad palayo.

Hindi nya na ako sinundan. That's good kasi wala akong time para sa kalandian nya.

Napagtanto kong bilhan na lang ng cake si Mami kaya nang may nadaanan akong bakeshop ay agad akong pumasok doon.

"Good morning Ma'am! What can I get you?" salubong sakin ng cashier habang nakangiti.

"Hmm.. I'll have a carrot cake please.." tumango naman sakin yung babae saka inayos ang order kong cake.

Nang maiabot nya sa akin ang order ko ay nagpasalamat na lang ako saka ako naglakad palayo at dumiretso sa parking lot.

Pinaandar ko ang sasakyan ko saka nagdrive papuntang Randclifee.

Nagtext ako kay Nathan na nandito na ako kaya naman sinalubong nya ako sa lobby at sabay kaming umakyat kay Mami.

Pagpasok ko sa kwarto ni Mami ay agad ko syang hinalikan sa noo.

"Hi Mami! Look! I brought you some carrot cake.." tinuro ko sa kanya ang carrot cake na dala ko pero hindi padin sya umiimik sakin.

"Alam mo hija, kamukha mo yung paborito kong apo..." halos maiyak ako nang marinig ko iyon mula kay Mami.

Hindi nya ako maalala pero namumukhaan nya ako.

"Alam mo yung apo kong yun, sobrang bait nun.." nakatulala lang sya habang nagsasalita sya "At may mahal na mahal iyon.. Sinuway nya nga ako para lang dun eh.."

Nanghina ako sa sinabi ni Mami, naalala nya padin ang tungkol samin ni Kevin. Alam nya kung gaano ko kamahal si Kevin.

"Iniwan na po sya nun.." nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya.

"Ha! Hala! Kawawa naman ang apo ko!" nakita ko ang pagaalala sa mga mata nya.

Itinayo ako ni Nathan dahil alam nya na nasasaktan ako sa mga naririnig ko sa kanya.

Inayos ko na lang ang carrot cake ni Mami saka inabot iyon sa kanya. Nakita ko ang pagngiti ng mga mata nya.

Nakakapagpagaan ng loob.

"Ayus ka lang?" tinignan ko si Nathan na nagaalala sakin.

"Oo naman! Bakit hindi?" nginitian ko lang sya saka nya ibinalik ng ngiti.

"Mas bagay sayo ang nakangiti.." namula ako sa sinabi nya at nagiwas ng tingin.

"Thank you Nathan.." kumunot ang noo nya na halatang nagtataka "For everything.."

Tumango sya sakin saka ngumiti.
Gusto ko nang maging masaya nang hindi si Kevin ang dahilan. Gusto kong makalimot. Gusto kong magsimula ulit.

"Mahal na mahal mo pa diba?" nilingon ko si Nathan.

Napayuko na lang ako saka tumango "Hindi ko naman maidedeny yun.. Kasi mahal na mahal ko parin sya kahit nasasaktan ako.."

Tumango sya saka humarap sakin "Tatanungin kita ulit.." napatingin ako sa mga mata nya "Can you forget him?"

Iyan nanaman ang tanong nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"I don't know.." tinitigan nya lang ako.

Ramdam ko padin na pinipiga ang puso ko. I really don't know. I love him too much. I still love him even though it fucking hurts.

Nagulat ako nang hinila ako ni Nathan para yakapin "I know you can't.. Pero for your own sake.. Please forget him.."

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko.

I will try. I wanna try. I want the pain to fade. I want my feelings to fade. Kagaya ng ginawa nya. Nawala na lang bigla ang nararamdaman nya. I wanna do the same thing.

I want to be able to say goodbye.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon