In 2 weeks. Yes! 2 weeks na lang at legal age na ako! This means makukuha ko na yung kotse ko from papa.
Sobrang busy nina mama at papa dahil sa pagpaplano nila para sa debut ko.
"Ree! Let's go!" napatingin ako kay kuya na palabas na ng bahay.
Ngayon ang schedule ko ng fitting at si kuya ang sasama sakin papunta sa Couture Shop. Kaming dalawa lang ni kuya ang pupunta dahil ayaw nila mama na may ibang makaalam ng isusuot ko sa debut ko.
30 minutes lang ay nakarating ba kami kaagad sa Couture Shop na favorite nina Mama. Pagbukas namin ng pinto ay isang bakla na kaagad ang sumalubong samin.
"Reid!" sinalubong nung bakla si Kuya at bumeso "Ito na ba si Ree?"
Nginitian nya ako saka bumeso sakin.
Nilinga ko ang paningin ko sa buong shop nya. Sobrang laki at sa bawat sulok ay makikita mo ang iba't-ibang gowns na gawa nya.
"Come here dear.." nilingon ko ang baklang pinapalapit ako sa fitting room.
Sinukatan nya lang ako doon sa loob. Narealize ko na sobrang payat ko pala.
Lumabas ako ng fitting room nang matapos ako. Mula sa fitting room ay may natanaw ako sa pinakadulo ng couture shop.
"Tania.." nandun sya. Nandun si Tania Maningas.
Nangangatog na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Naaalala ko ang nangyari.
Naglakad ako palabas ng shop kaya alam kong naagaw ko ang atensyon niya.
Natataranta ako. Paano kung magskandalo sya uli? Paano kun--
"You're here.." napalingon ako sa nagsalita.
"Tania.." lumapit sya sakin kaya napaatras ako.
"I'm not here to make a scene.." lalo pa syang lumapit sakin "Pero ipapaalala ko lang sayo.. Kevin is mine.."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya.
"Bitch!" napahawak sya sa pisngi nya na nasampal ko "Sakin sya!"
I am not giving him up. Kevin is everything to me. Hindi ako papayag na may humadlang sa kung ano mang meron sa aming dalawa. I love him and he loves me.
Lumabas si kuya kaya kahit papano ay kumalma na ako. Pinapasok nya ako uli atsaka namin tinapos ang fitting para makauwi na kami agad.
Nananahimik ako buong byahe. Hindi ko padin natatanggal sa isip ko yung unang paghaharap namin ni Tania.
"Kuya.." napalingon si kuya sa direksyon ko habang nakatuon parin ang pansin ko sa kalsada.
"What is it Ree?" halata ang pagaalala sa boses ni kuya.
"Have you ever had another woman while you're in a relationship with someone?" namamaos ang boses ko. My heart is breaking habang dumidiin sa utak ko na other woman ako bago ko nalaman ang tungkol kay Tania at Kevin.
"No, it's not right to play with others.." tumango na lang ako kay kuya.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Pagpasok ko ay nakita ko agad ang pagiging busy ng mga magulang ko para sa nalalapit kong debut.
"Ree!" lumapit si mama sa akin saka humalik "How was it?"
Hindi ako nagsalita. Nakita ko ang pagtingin ni kuya sa likod ko kaya minabuti na nyang wag magtanong. Sigurado akong sumenyas si kuya mula sa likod ko para hindi na magtanong pa si mama.
Lumapit na lang ako kay Kevin na nasa sofa at binabasa ang programme ng debut ko.
Natigilan lang sya nang maramdaman nya ang pagyakap ko mula sa likuran nya. Kunot-noong tinignan nya ako bago sya nagsalita.
"You okay?" ngumiti lang ako saka tumango.
"I love you.." ibinaon ko lalo ang mukha ko sa likod nya habang humihigpit ang yakap ko.
Naramdaman ko ang pagharap nya sakin saka bumawi ng yakap.
"I love you too baby.." naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko kaya napangiti na lang ako.
Iniangat ko ang mukha ko sa kanya at tumambad sakin ang ngiti nya.
Damn! I love this guy so fucking much. I would give up everything just to stay with him.
Ibinaling ko ang tingin ko sa 18 roses ko kaya inabot naman sakin iyon ni Kevin.
18 roses
1. Calvin Salazar
2. Collin Reid Salazar
3. Jonathan Guzman
4. Sam Smith
5. Mark Ferrer
6. France Alcantara
7. Richard Alcantara
8. Ken Abueva
9. Lloyd Baldonado
10. Tyrone Guzman
11. Kleinder Jake Santos
12. Nathan Lee
13. Gab Lazaro
14. Pilar Maningas
15. Miko Bi
16. Anton Gueverra
17. John Bueva
18. Kevin DrazeNapangiti ako sa line-up ng 18 roses. Yung iba ay pinsan ko habang yung iba naman ay mga kaibigan ko.
"You're so cute when you're excited.." napangiti na lang ako sa sinabi ni Kevin.
Naeexcite ako! In 2 weeks makukuha ko na yung kotse ko kay papa and in 2 weeks ay legal age na ko. I'll finally be an adult.
"Hi Tita!" napalingon ako sa bandang pintuan ng bahay dahil sa ingay na ginawa ni Lory at Riley.
Bumeso sila kay mama at papa saka nagpunta sa kinapwepwestuhan namin ni Kevin. Nang umupo sila ay biglang tumabi si kuya kay Lory na kinagulat namin.
"Okay na kayo?" nakatingin lang sila samin saka tumango.
"Hay nako! Papuntahin ko nga si John dito! Hmp!" natawa na lang kami sa inasta ni Riley.
Ayaw nya talagang maranasang maging third wheel. Lumabas saglit si Riley para tawagan si John habang si Lory naman ay sumama kay Kuya papunta sa kusina.
Umakyat sandalu si Kevin at nang bumaba sya ay dala na nya ang gitara ko.
I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do, I love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you..Tumigil sya sa pagtugtog ng tumunog ang doorbell saka pumasok si John sa bahay na kasama si Gab.
Nanlaki ang mata namin ni Riley nang makita na sinama nya dito si Gab.
Lumapit sakin si John saka bumulong "Sorry.. Kasama ko kasi sya kanina, ayaw nyang magpaiwan.."
Tumango na lang ako sa kanya at hinayaan sila. Umupo si Gab sa harap ni Kevin kaya naramdaman ko agad ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Pumasok si kuya tsaka si Lory at napanganga din sa nakita nila sa sala.
"What the fuck are you doing here?" napalingon kami kay Riley na ngayon ay nanlilisik na sa galit ang mga mata dahil sa pagpunta ni Gab sa bahay.
Inilingan ko si Riley saka hinayaang manatili doon si Gab sa bahay.
Nang kinagabihan na ay aalis na sana sila kaso natigiilan si Gab nang malamanh dito na natutulog si Kevin.
Umakbay sakin si Kevin bago nagsalita "Hanggang titig ka na lang talaga.."
Saka umalis sila Gab.
![](https://img.wattpad.com/cover/52822176-288-k705220.jpg)
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Teen FictionDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...