Chapter 2

65 4 0
                                    

Pagod na pagod ako pagbalik namin ng bahay kaya dumiretso ako sa kwarto ko. Hindi padin nawawala sa isip ko na baka nga kilala nung Kevin si Gab. I know I'm not supposed to care about Gab anymore but I just can't help it. Kahit naman ideny ko ay totoong minahal ko si Gab. He was my everything. Lahat ng ginagawa ko ay may koneksyon sa kanya.

Nanatili akong nakahiga habang unti-unting bumabalik sakin ang ala-ala ng nakaraan. Ayoko ng maalala pa lahat. Tama na ang ginawa ko na iwanan siya.

Tumagilid ako ng higa saka ko napansin ang notebook ko sa gilid ng kama ko. Binuksan ko iyon sa page kung nasaan ang Dreamboy Checklist ko. Para kong timang, para namang makakahanap ako ng lalaking mayroon ang lahat ng features na ito.

"Features ito ni Mr. Inpossible..." nagulat ako nang biglang pumasok si papa sa kwarto ko.

"Sino naman yang Mr. Impossible na yan ha?" tinitigan ako ni papa at ngumiti ng nakakaloko.

Umiling na lang ako saka tumayo sa pagkakahiga ko. Umupo si daddy sa kama ko na may dalang maliit na box.

Binigay niya sakin ang box at sinabing isuot ko daw iyon mamayang gabi dahil aalis daw kami. Lumabas si papa ng kwarto ko at iniwan akong nakatitig sa box.

Kinuha ko yung box mula sa gilid ng kama ko at binuksan. Nakita ko ang isang necklace na strawberry ang pendant na may nakaembed na "Princess". Napangiti ako sa binigay ng papa sakin. It was really pretty at babagay siya dun sa binili kong pink na dress kanina kaya naman ay pumasok na ko ng banyo ko at nagayos na.

Pagkababa ko ay nakita ko na ang kuya ko na hirap sa pagsuot ng necktie nya. Hay naku, si kuya talaga.

Lumapit ako at ako na ang nagayos ng tie nya. "Naku Kuya, kailangan ang mahanap mong asawa, marunong magtali ng necktie Hahahha" kumunot ang noo ni kuya kaya lalo akong natawa.

Dumating na sina mama at papa. Si mama ay nakablue dress na fit sa kanya kaya kitang-kita ang kurba sa katawan niya. Si papa naman ay nakasuit at tie na katulad ni kuya.

Lumabas na kami at dumiretso sa van. Nalaman kong sa Forbidden Avenue pala kami pupunta dahil nandun ang party ng business partner ni papa. 30 minutes lang ay nakarating na kami kaagad sa venue at sobrang daming tao na din ang nandun.

Nakita ko si Riley at Lory kaya naman ay dumiretso na ako sa table kung nasaan sila. Paglapit ko ay nagulat ako na wala si John sa tabi ni Riley.

"Himala! Wala si John?" napansin kong nakasimangot si Riley kaya alam kong nandun si John. Nilinga ko ang paningin ko at nakita kong andun nga si John pero nasa table ni Jesaa Ramirez. Ang ex-girlfriend niya.

Tinignan ko si Riley ng matalim saka nagsalita si Lory.

"Puntahan mo nga yun!" tinignan kami ni Riley pero nagkibit-balikat lang siya.

Ayaw niyang pinapakialaman si John pagdating sa Social Occasions dahil nagaaway sila kapag nangyayari yun kaya mas pinipili niya na lang na manahimik habang nakikipaglandian si John sa iba.

Kung tutuusin ay ayaw namin ni Lory kay John dahil nga sa napakababaero nya pero dahil mahal siya ni Riley ay hinahayaan na lang namin siya.

Nagserve na ng appetizer at hindi padin talaga kumikibo si Riley dahil nakina Jessa padin si John. Nakakaawa ang bestfriend ko.

Nawala ang atensyon namin sa pagkain nang may biglang nangyaring commotion sa table nina Jessa. Nagulat kami nang makita namin na nandun na si Riley na hawak ang isang baso na mukhang ibinuhos niya kay Jessa.

"You slut!" pinipigilan siya ni John pero nagpupumiglas si Riley.

Lumapit na kami ni Lory para hatakin palabas si Riley pero nagulat kami nang biglang sampalin ni Jessa si Riley.

"How dare you!" hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal si Jessa. Masyado yatang malakas ang pagkakasampal ko dahil namula kaagad ang pisngi niya. Hinawakan ako ni John at agad ko siyang sinampal kaya siya napaatras. "You fucking stay away from Riley kung ayaw mo nang gulo!"

Hinatak namin ni Lory si Riley palabas ng venue at dun humagulgol si Riley. Kinomfort na lang namin siya saka namin inihatid sa kanila. Tatawag na lang ako kina papa na kina Riley na muna ako matutulog dahil kailangan niya ng kasama at magisa lang sya sa condo niya.

Pagdating namin sa condo niya ay pinatulog na namin si Riley habang si Lory naman ay babalik sa venue dahil may naiwan daw sya doon.

Nagpunta na lang ako sa poolside ng condo para makapagrelax. Nilubog ko ang dalawang paa ko sa pool at dinama ang malamig na tubig. Natauhan lang ako nang may narinig akong umubo mula sa likod ko.

"You shouldn't be swimming at this hour, it's too cold" napalingon ako at nakita ko si Kevin na nakaupo sa isa sa mga lounge chairs.

"Does it look like I'm swimming?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Lumapit si Kevin sakin at may binulong sa tainga ko. "Not yet.." napatingin ako sa kanya at nagulat ako nang tinulak niya ako sa pool. Marunong naman akong lumangoy pero for Pete's sake nakadress ako!

Tinawanan niya lang ako at nilaan ang kamay niya. Kinuha ko iyon at hinatak siya sa loob ng pool saka ako umahon.

"HAHAHHAHHA" ako naman ang tumawa ngayon.

Umahon siya at kinabahan ako kaya napatakbo ako sa kabilang side ng pool. Bwisit to! Makikipaghabulan pa sakin! Ang dulas kaya ng sahig!

"Ree!" napatingin kami pareho sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko si Kuya na kasama ai Lory. Si kuya parang mangangain ng buhay habang si Lory naman ay nakakaloko yung ngiti.

Nagpaaalam na lang ako kay Kevin saka nagpunta kina kuya.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon