Chapter 29

23 1 0
                                    

Nagaayos na ako ng gamit ko para sa flight ko kinabukasan.

"Ree! Dalhin mo ito!" iwinagayway ni Lory ang isang laced panty.

"Gaga ka! Malamang dadalhin ko iyan! Amin na nga yan!" hinablot ko yun sa kanya at inilagay sa maleta ko.

"Uy! Pasalubong ah!" tinignan ko si Riley.

"Hindi pa nga ako nakakaalis eh! Pasalubong agad!" tinawanan lang kami ni Lory.

"Syempre para advance!" sira ulo talaga tong mga to.

Habang nagiimpake ako ay nakita ko ang barette na isinuot sakin ni Kevin. Dahil dun ay kinapa ko ang leeg ko at naramdaman ko ang kwintas na binigay nya.

Tinignan ako nila Lory saka nagpunta sa likod ko si Riley.

"Amin na nga to!" walang pahintulot na inalis nila sakin yung kwintas.

Umiling na lang ako sa ginawa nila at kinuha yung kwintas at barette saka inilagay sa isang drawer sa kwarto ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagiimpake nang biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko.

"Ito na yung boarding pass mo, ihahatid ka na namin bukas sa airport.." tumango ako kay kuya.

"Kuya, paano pala yung kotse ko? Maiiwan dito?" tinignan lang ako nina Riley.

"May nakausap na kami tungkol dyan, ipapasunod yang kotse mo kaya wag kang magalala.." nginitian ko si kuya saka ibinaling ang atensyon ko sa maleta ko.

"Ayan! Finally! Tapos na ko!" napatayo ako at nagstrech.

Sumakit likod ko dun ah! Bumaba na kami nina Lory kasi nakaramdam kami ng gutom. Dito na daw muna matutulog ang dalawang to para daw makasama sa paghatid sakin bukas.

Nagpunta kami sa kusina at kumuha ng makakain doon. Sa gazebo kami kumain.

Pagdating namin doon ay sumunod si kuya na dala ang gitara ko.

"One last jam before you go.." nginitian ko si kuya saka kinuha ang gitara kong hawak nya.

Nagstrum na ako kaya nasa akin na ang atensyon nila.

You came back to find I was gone
That that place is empty
Like all that was left in me
Like we were nothing at all
It's not what you meant to me
I thought we were meant to be

Dinama ko yung kanta at itinuloy ang pagstrum.

So I'm breaking free
From these memories
I'll let it go
I've let it go
I said goodbye
Set it all on fire
Gotta let it go
Just let it go

Narinig ko ang pagpalakpak nila kaya napangiti na lang ako.

"Isa pa! Isa pa! Isa pa!" napailing na lang ako saka ngumiti.

Nagstrum pa ako ng isa pang kanta.

Grew up in a small town
Wonder when we'll fall down
I just stare on my window
Dreaming of what could be
And if I end up happy
I would pray, I can breakaway

Dumating sila papa kaya nginitian ko sila habang tinutuloy yung kanta.

I spread my wings
And I learn how to fly
I'll do what it takes
'Till I touch the sky
Take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway

Pumalakpak sila papa at nginitian ako.

"Matulog na kayo, maaga pa ang flight mo bukas.." tumango ako kay Papa saka umakyat.

Sumunod naman sakin sina Lory since dito sila matutulog sa kwarto ko.

Halos idlip lang ang ginawa ko tapos gumising na din ako para gumayak para sa flight ko.

30 minutes lang ang drive mula sa bahay hanggang sa airport, pero sana mas tumagal ang byahe. Gusto ko pa silang makasama ng matagal bago ako tuluyang umalis.

Nang makarating ako sa airport ay yumakap sakin sina Mama at Papa. Sina Lory at Riley naman ay nangulit ng pasalubong.

"Hindi pa nga sya nakakaalis.." tinignan ko ang kuya ko na halatang inaantok pa.

"Bye kuya.." yumakap ako kay kuya at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya.

"Bye baby.. Magingat ka dun ah.." naramdaman ko ang paghalik nya sa buhok ko kaya napangiti na lang ako.

Ibinaba na nila ang maleta ko kaya nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa loob ng airport.

"Bye!" kumaway ako sa kanila saka tuluyang tumalikod at pumasok sa loob ng airport.

Nagcheck in na ako at hinintay na lang ang eroplano ko nang naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

"Hello?"

"Ree, sayang hindi na kita naihatid.." napangiti na lang ako sa sinabi ni Nathan.

"Ayus lang, sa pagsundo ka na lang.." narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya.

"Ingat ka ah.." ngumiti na lang ako saka ko sya binabaan ng telepono.

Itatabi ko pa lang ang cellphone ko nang magvibrate ito uli.

"Hello?"

"Ree.." ito nanaman, pero hindi na bulong, rinig na rinig ko na.

"Kevin?"

"I'm sorry..." at kabod na lang na binaba nya ang telepono.

Nanginginig na ako sa kinatatayuan ko. No! Put youtself together Ree!

"Flight AUA 7710 headed for Sydney is now boarding.." tumayo na ako nang marinig ko ang announcement na iyon.

Dumiretso na ako sa boarding gates papasok sa eroplano.

Nang makaupo ako at aalis na ang eroplano, sa bintana na lang ako nakatingin.

"Goodbye Kevin Draze..." saka ako pumikit.

-----------------
Author's Note:

Waaaaaahhhh! Thank you guys! Umabot na tayo ng ganito kalayo! Last chapter na yung next! Thank you guys talaga sa pagsuporta sa TSFMI! I love you guys!

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon