Chapter 12

35 4 2
                                    

Sobrang sakit ng mga mata ko paggising ko. Para akong pagod na pagod sa paggising pa lang. Hindi ako pumasok ng araw na yun dahil hindi ko alam kung kakayanin kong harapin ang isang araw na sobrang bigat ng dinadala ko.

Bumaba ako na nakapajama sa baba at pinilit ko ang katawan ko na magalmusal.

"Ree!" nakita ko ang masiglang mukha ni Mama kaya pinilit kong ngumiti.

"Good morning Ma.." pinagpatuloy ko ang pagkain habang ramdam ko ang panonood nya sakin.

Para akong bomba na kapag nasagi ay sasabog. Ganun ang tingin nila sakin ngayon. Kaya naiintindihan ko ang pagiging cheerful ni Mama ngayon.

Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa gazebo.

Dinadama ko ang hangin nang dumating si Papa na dala ang gitara ko.

"Ree.. Why don't you play for us?" tinignan ko si Papa habang inaabot nya ang gitara sakin.

Ngayon ay nandito na sa gazebo si Mama, Papa, Kuya at si Mami.

"Okay then.." kinuha ko ang gitara ko kay Papa saka nagstrum.

Huwag ka munang magalit
Ako sana'y pakinggan
Hindi ko balak pang ika'y saktan
Hindi ikaw ang problema
Wala akong iba
Hindi tulad ng iyong hinala

Nakatitig lang sakin si Kuya habang dinadama ko ang kanta

Huwag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras
Ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa

Tumigil ako sa pagstrum nang makita ko ang paglapit ni Nathan at Rina.

"Why'd you stop?" tinignan ko si Nathan at tumango bilang pananda na itutuloy ko ang pagtugtog.

Tumabi si Rina kay Kuya habang si Nathan naman ay tumabi sakin.

Nagstrum ako ng ibang tono para makapagpatugtog ng ibang kanta.

Umiiyak ka nanaman
Langya naman wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Hatid sayo ng boypren mong hindi mo maintindihan

"Ree.." pinigilan ako ni Nathan sa kantang pinipili ko at kinuha nya ang gitara ko.

Nagstrum sya ng isang kanta na mukhang pamilyar kay Kuya.

May nagmamahal na ba sayo?
Kung wala'y ako na lang
Lahat ibibigay sayo
Nang walang alinlangan
Sana'y bigyan namang pansin
Ang puso kong ito
Ang tanong ko lang,
Nay nagmamahal na ba?
Sana'y ako na lang

Ngayon ay kaming dalawa na ang pinapanood nila. Nakatitig lang sakin si Nathan na para bang idinidirekta nya ang kanta sa akin.

Tinapos nya ang kanta na hindi inaalis ang tingin niya sakin kaya walang tigil ang pangangantyaw ni Mami sa amin.

"Ree.." tinignan ko si Nathan at hinintay na magsalita sya ngunit ang ginawa niya ay binaling niya ang tingin kina mama at papa "Sir, Ma'am, pwede ko po bang yayaing magkape ang anak niyo?"

Tinitigan lang siya ni papa at nakita ko ang unti-unting pagngiti ni Papa bago siya tumango.

Nagbihis lang ako sandali saka bumaba at sumama kay Nathan.

Dinala niya ako sa Honey Bee Cafe. Malayo ito sa B&B kaya dito niya ako dinala.

"I know na hindi mo gugustuhing bumalik muna ng B&B.." tinitigan ko lang siya.

Tama naman kasi siya. Ayoko munang bumalik dun dahil sobrang lapit nun sa Western University kung saan nag-aaral si Kevin.

Gusto ko siyang makausap pero mukhang inilalayo talaga nila ako dahil sa tindi ng nangyari sakin.

"I was a fucking mistress.." naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na binawi ko kaagad.

Tumingin na lang ako sa labas habang pinipigilan ko ang sarili kong maalala ang nangyari kagabi.

"Ree.." nilingon ko siya at hinintay siyang tapusin ang sinabi niya "Can you forget him?"

Nakatingin lang ako sa kanya. I didn't know the answer. Kaya ko nga ba? Ang sakit ng ginawa niya pero I couldn't find it in me to hate him. I still fucking love him. And it fucking hurts.

Hindi niya na hinintay pa ang sagit ko. Maybe he found his answer in my silence.

Pagkatapos ng kape ay nagpahatid na lang ako sa park at sinabi sa kanyang huwag niya na akong hintayin. Gusto ko lang talagang mapagisa.

Umupo ako sa swing at pumikit. Inisip ko lahat ng nangyari kagabi. Naramdaman ko uli yung sakit. Naramdaman ko uli yung pagkakadurog ko. Sobrang sakit.

Naramdaman ko na lang na may mainit na tumulo sa pisngi ko. Bago ko pa mapunasan ay may naramdaman na akong kamay sa pisngi ko.

Dinilat ko ang mga mata ko para malaman kung sino yun.

"Ree.." his voice. The way he calls my name. It always makes me melt.

"Kevin.." nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya saka ako humagulgol sa kanya.

"Ree, don't.." kinakalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya kaya bumitaw na din ako.

"Why?" yun na lang ang sinabi ko habang nakayuko.

Hindi siya nagsalita at tumayo na lang at lumayo. Naiwan ako dun na nakayuko. Nagtuloy-tuloy na lang ang luha ko.

"I still fucking love you.." alam kong hindi niya narinig.

Ang sakit. Ang sakit habang pinapanood ko siyang lumayo sa akin.

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan pero wala na akong pakialam.

Nang lumakas na ang ulan ay nakita ko ang sasakyan ni kuya.

Lumapit siya sakin na may dalang payong.

"Ree let's go.." umiling ako kaya kumunot ang noo niya.

"Babalik yun si Kevin.." tinitigan niya lang ako "Hindi niya ako iiwan..."

Alam kong katangahan na ito pero ganun naman talaga kapag mahal mo diba.

I stood my ground. Kaya tiniklop na ni kuya ang payong saka ako binuhat.

"Kuya!" nagpupumiglas ako sa kanya pero hindi niya ako binababa "Babalik siya! I have to wa--"

Binaba niya ako at napamura na lang si kuya.

"Can you hear yourself Ree?" nakatitig lang sakin si kuya "This is worse than Gab! Get a fucking grip of yourself!" hinawakan ni kuya ang braso ko at niyugyog ako "He's not coming back for you!"

Napaupo na lang ako. Umiiling ako habang umiiyak. Iyak na lang ako ng iyak dun.

Pakiramdam ko ay anytime guguho ang lupa at kakainin ako. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ko na namalayan ang pagbuhat sakin ulit ni kuya at pagsakay nya sakin sa sasakyan niya.

Inuwi niya na lang ako sa bahay habang pakiramdam ko ay anytime babagsak na ko.

Humiga ako sa sofa namin hanggang sa doon na ako nakatulog.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon