Dinala ako ni Kevin sa condo niya para dun na ako magpalipas ng gabi.
"Dun ka na sa kwarto ko matulog.." napatingin ako sa kanya. Magtatabi kami? "Dun ako sa guest room.."
Tumango na lang ako. Hindi naman pala.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakuha agad nito ang atensyon ko. Sobrang linis niya at white, gray at black ang kulay ng lahat nang nandun. Sobrang classy.
Umupo ako sa kama niya saka sya pumasok sa loob.
Lumapit siya sa cabinet nya at may kinuha.
"Here, wear this.." tinignan ko ang damit na hawak nya.
Isang plain white shirt atsaka boxers.
Tumango na lang ako at pumasok sa loob ng banyo nya.
Inamoy ko yung tshirt na binigay niya at napakaevident ng amoy niya dun. The combination of mint and shampoo.
Paglabas ko ay nakita ko si Kevin na nakatitig lang sakin.
"Matunaw ako.." ngumiti lang siya at nagiwas ng tingin.
"What's with you?" tinignan ko siya na nagtatanong.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko kaya napaatras ako.
"Wh-what?" hindi ko siya matignan ng diretso.
Lumapit pa siya lalo hanggang sa maramdamang ko na nakasandal na ko sa pader.
Inangat nya ang tingin niya sakin saka nilapit ang mukha niya "At everything you do, you're still so gorgeous.."
Namula na lang ako sa kinatatayuan ko. Lalo nya pang nilapit ang mukha niya sakin.
Sa labi ko na siya nakatingin at parang robot ako na unti-unti na ring nilapit ang mukha ko.
"Your call.." bulong ko saka niya idinampi ang labi niya sa labi ko.
Whenever he kisses me, it always feels like everything will be okay. Na kahit ganito ay kakayanin ko padin.
Natigil kami nang may nagdoorbell sa pinto ng condo niya.
Sumunod ako sa kanya para buksan ang pinto. Binuksan nya ang pinto at tumambad samin ang isang babae na mukhang kaedad lang namin.
She looked so beautiful.
Tinignan ko si Kevin at nakita ang takot sa mga mata niya kaya naman napatingin ako sa babae nang may pagtataka sa mukha.
Magsasalita palang sana ako nang marinig ko ang pagsampal niya kay Kevin. Sobrang bilis ng namgyari.
Nagulat na lang ako nang hatakin ako mg babae palayo.
"You whore!" naiiyak na ako pero nagtataka padin ako sa sinasabi niya sakin.
Pinilit kong makapagpumiglas at nagtagumpay naman ako.
"Who are you?" nagulat ang babae sa tanong ko at biglang natawa.
Dumating bigla si Kevin na nakatingin sakin.
"Why don't you tell her who I am Kevin.." lumapit siya kay Kevin at kumapit sa braso nito.
"R-ree.." kitang-kita ko ang pagaalangan ni Kevin na sabihin sakin.
"Geez Kevin, just tell her already.." hindi ko matignan yung babae.
Kay Kevin lang ako nakatingin pero ramdam ko ang sakit at parang anytime ay iiyak na ko dito.
"R-ree.. Sh-she's Tania Maningas.." napatingin ako dun sa babae saka ko narinig ang kasunod na sinabi ni Kevin "My gi-girlfriend.."
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Teen FictionDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...