9 am nang magising ako kinabukasan nang dahil sa naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.
"Hello?" sabi ko na medyo namamaos pa.
"Uy! Fuck you! Goodmorning!" nalaglag ako sa kama nang marealize ko na si Lory ang tumawag.
"Shit.."
"Oh my god! Nalaglag ka ba? HAHAHAHHA" binabaan ko na lang ng telepono si Lory saka tumayo para makapagshower.
Bago pa ako makapasok sa banyo ay naramdaman kong nagvibrate uli ang phone ko.
"Good morning baby.." natigil ako sa narinig ko. Para akong kamatis na namula dun bigla.
"Good morning Kevin.."
"Have you ate breakfast?"
"Not yet, sige I have to take a shower.."
"Okay baby, I love you.."
"Fuck you.." sambit ko bago binaba ang telepono.
Mga 30 minutos na yata ako sa banyo dahil sa kakaisip kung paano nangyari na kami na ngayon.
Lumabas ako ng kwarto saka bumaba nang madatnan ko doon sina Lory, Riley, John at Kevin na kausap si Kuya. Sabay-sabay silang napatingin sakin kaya nagiwas ako agad ng tingin.
Dumiretso ako sa kitchen nang hatakin nila ako at sinabing sa B&B na daw kami kumain. Kaya wala akong nagawa at nagpahatak lang sa kanila.
Yung Ford ni kuya ang dala namin. Si Lory ang nasa front seat, si John at Riley sa gitna habang kami ni Kevin sa dulo.
"Pst.." napalingon ako kay Kevin na pinapalapit ako.
Umiling na lang ako at ngumiti pero hindi ako lumapit.
Unti-unti kong naramdaman ang paglapit sya sakin kaya napatingin ako "Sorry, may magnet eh.." sambit nya sabay kindat nya sakin.
"Ho...ly...Sh..it.." napatingin kami kay kuya na nakatingin na samin ngayon gamit ang rear mirror kaya napayuko ako.
"You know babe.. Fuck you.. HAHAHHA" rinig kong pangangantyaw ni Lory.
Buong 45 minutes ay pinagtritripan lang nila kami kaya para tuloy akong ewan na namumula.
Nang makarating kami ng B&B ay halos hindi mapaghiwalay si John at Riley. Mukhang bumabawi siya sa kaibigan lalo na matapos ang nangyari sa kanila ni Anton.
Nakatitig lang ako sa cheesecake na inorder ko kaya bigla akong napatalon nang maramdaman ko ang kamay ni Kevin sa baywang ko.
"You okay baby?" tumango ako sa kanya at ngumiti.
Naramdaman ko ang titig nya sakin kaya medyo nailang ako.
"Stop staring..." sinabi ko yun nang hindi siya hinaharap dahil hindi ko talaga kaya. Nakakahiya.
"Stop being so beautiful first.." sambit nya habang nakakaloko ang ngiti sa akin.
"Pu...ta" natawa na lang kaming lahat sa inasta ni Kuya. He was really finding every punchline corny. Ganun din naman ako dati. But Kevin is different.
Pagkatapos naming magbreakfast ay naisipan naming magpunta ng mall para magshopping. Naisip ko na baka mainip sila Kevin pero parang ayus lang naman sa kanila.
Naglakad-lakad kami sa loob ng mall bago pumasok sa Forever 21. May nakita akong crop top dun pero habang tinitignan ko iyon ay tinititigan ako ni Kevin na para bang sinasabi na huwag ko iyon kukunin.
Nagikot pa ako hanggang sa may makita akong couple hoodie. Kulay black sya and sobrang cute ng design nya. Tinitignan ko pa lang ay agad na kinuha na ni Kevin at sinabing babayaran nya na daw iyon.
Inabot nya sakin ang isa habang sinusuot nya ang isa "Suot mo na.." sambit nya habang nakangisi.
Namumula pa ko pero parang automatic na isinuot ko ang hoodie. Perfect fit.
"Bagay na bagay.." sabi nya saka umakbay sakin.
Nang makita kami nina kuya ay tinignan lang nya kami habang si Lory at Riley naman ay nagpipigil ng kilig.
Nagulat ako nang ilabas ni Kevin ang cellphone nya at binuksan ang instagram nya.
"Selfie tayo.." sabi nya saka ipinorma ang camera. Nagtype sya ng caption dun na itinago nya pa sakin. "Tignan mo na lang, tinag kita.." sabi nya at ngumiti.
Narinig ko ang notification sa cellphone ko at nakita ko ang IG post nya.
"The Girl I Will Never Let Go <3 @ReeSalazar"
Namula ako bigla nang makita ko iyon.
Okay na sana ang araw na ito kaso nagulat kami nang bigla na lang sumulpot si Jessa sa mall.
Nagkatinginan kaming 3 nina Lory kaya alam na namin agad na ayaw na namin dito.
"Kevin, let--" naputol ang sasabihin ko nang may yumakap bigla kay Kevin.
"Kevin, baby I missed you..." nagulat din si Kevin pero hindi ako makakibo dun.
"Jessa..." kinalas nya ang yakap ni Jessa kaya kumunot ang noo nito.
"Why ba---" nandilim ang paningin ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nasapak ko si Jessa "What the fuck!"
"Hindi pa talaga sapat yung ginawa ni Riley sayo noh?" tumayo sya saka lumapit sakin na parang naghahamon.
"Wow!" she smirked at me na lalong ikinakulo ng dugo ko "Well then, watch and look kung ano ang kaya kong gawin.."
Lumapit siya kay Kevin at nagulat ako nang hinalikan nya to.
"You fucking whore!" hinablot ko sya at kinaladkad sya hanggang sa parking lot. Hawak ko padin ang buhok nya nang makarating kami ng parking lot. "Bitch!"
Binitawan ko sya at nakita ko na nasasaktan na sya sa ginagawa ko.
"Stay the fuck away kung ayaw mo na mas mapahiya ka!" bumalik ako sa loob ng mall at sinabihan ko sila na umuwi na kami.
I wasn't talking to anyone the whole time. Nakakasuka ang nakita ko kaninang paghalik sa kanya ni Jessa and it made me really pissed.
Pagdating namin sa bahay ay hindi pa ako nakakapasok ay naramdaman ko ang paghatak sakin ni Kevin para yakapin.
"I'm sorry baby.." para akong nanlambot sa sinabi niya.
Umiling ako at hinarap sya "It's not your fault.. I just got really pissed.."
Kakalas na sana ako sa pagkakayakap nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Kevin sa labi ko. Tuluyan na akong nanlambot sa kinatatayuan ko. His lips always had their way to make me melt all the time.
Nang kinalas nya ang labi niya ay naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko bago sya nagpaalam.
Hindi pa sya nakakalayo ay agad akong sumigaw "I love you Kevin!" napalingon sya at ngumiti sakin.
"I love you too baby.." ngiti niya ang huli kong nakita bago ako pumasok sa bahay.
Damn Kevin! I really am inlove with you..
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Teen FictionDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...