Chapter 30

26 1 0
                                    

Author's Note:

Hi guys! Last chapter na! Anw. POV po ito ng Kuya ni Ree, so yeah!

Enjoy! And thank you ulit!

----------------------

Wala na si Ree. Nakaalis na yung eroplano ng kapatid ko. This is for the better, para makalimot na sya.

Nang makarating kami sa bahay ay hindi kaagad umuwi sina Riley at Lory.

"Magstay muna kami dito sandali.." tinignan ko si Lory "Magbabawi lang ng tulog.."

Tumango ako saka sya nginitian. Hindi na ako makakatulog kaya nagpunta na lang ako sa gazebo.

Kaaalis pa lang ng kapatid ko pero namimiss ko na sya kaagad. Hindi ako sanay na nagkakalayo kami ni Ree. Nang medyo lumiwanag na ay pumasok na ako sa loob para magayos ng breakfast namin.

Habang nagluluto ako ay biglang lumapit sakin si manang.

"Sir! Sir Reid! Meron pong punasok--" hindi na naituloy ni manang ang sasabihin nya nang pumasok sa bahay si Kevin.

Gago to ah! Ngayon sya pupunta! Ang kapal ng mukha nyang magpakita pa!

Lumapit ako sa kanya at walang anu-ano'y pinagsusuntok ko sya.

"Gago ka! Ano pang ginagawa mo diti ha!" pinagsusuntok ko sya pero hindi sya nanlalaban.

Natigil lang ako nang naramdaman kong inaawat na ako ni Lory.

"Ano pang ginagawa mo dito ha! Ang kapal ng mukha mong hayup ka!" dinuro ko na sya pero mukhang wala syang pakialam.

"Gusto ko lang makausap si Ree.." hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Tangina mo! Sa tingin mo ba magpapakita pa sayo yung kapatid ko! Gago ka!" aamba na sana ako ng isa pang suntok pero pinigilan ako ni Lory.

"Ree! Lumabas ka! Kausapin mo ko!" aakyat sana sya sa taas pero pinigilan sya ni Riley.

"Wala na si Ree dito!" hindi nakinig sa kanya si Kevin.at nagpumilit padin.

"Ree! Bumaba ka dito please! Magusap tayo!" sumisigaw lang sya dun.

"Wala na dito ang anak ko.." napalingon kami kay Papa.

"Sir please, nagmamakaawa po ako, gusto ko lang syang makausap..." lumuhod sya sa harap ni Papa at nagmakaawa.

"Wala na dito si Ree.. Kakaalis nya lang kanina.." natigilan si Kevin sa narinig nya kay Papa.

Nakita ko ang pagluha ni Kevin. Tangina neto! Iiyak sya ngayon! Matapos nung ginawa nya sa kapatid ko!

"Kevin?" napatingin kami kay Mama na lumapit kay Kevin "Umalis ka na, wala na dito ang anak ko.."

"Teka, akala ko ba nangibang bansa ka na?" napatingin kami kay Riley na ngayon ay nangingilid na ang luha.

Umiling si Kevin "Hindi ko sya kayang iwanan.."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod sya saka ko sinapak.

"Hindi mo kaya! Ha! Gago ka pala eh! Iniwan mo sya! Sinaktan mo ang kapatid ko! Walang hiya ka!" hindi ko na napigilan ang pagiyak.

Inawat na ako ni mama pero sumigaw padin ako sa kanya.

"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ng kapatid ko nang iwanan mo! Nangako ka sa kanya na hindi mo sya iiwanan! Hayup ka!" linapitan na ako ni Lory.

"I'm sorry, hindi ko ginus---" hindi nya na naituloy ang sasabihin nya nang sampalin na sya ni Riley.

"Hindi mo ginusto?! Ha?! Ikaw ang nakipaghiwalay sa kanya tapos hindi mo ginusto!" pinagsusuntok ni Riley ang dibdib ni Kevin habang tuloy-tuloy na umagos ang luha nya "Hinintay ka nya.. Hinintay mya na balikan mo sya.. Bakit hindi ka bumalik kung hindi mo pala ginusto? Bakit hinayaan mo syang masaktan ng sobra?"

Ngayon ko nakita kung paano sila nasaktan para kay Ree. Lahat kami, pinilit naming maging matatag para sa kanya. Pero alam naming lahat na nasasaktan kaming makita syang nasasaktan. Lahat kami gustong masaya lang sya.

"Umasa sya sayo.. Nagabang sya sayo.. Bakit hindi mo sya pinuntahan?" tuloy-tuloy na ang pagagos ng luha ni Riley.

"Bakit maingay?!" napalingon kaming lahat kay Mami na ngayon ay diretso na ang tingin kay Kevin.

"Calvin! Iniwan mo nanaman si Reina!" alam naming may alam sya sa nangyayari kahit hindi nya kami nakikilala.

"Alam mo ba na umiiyak sya sakin! Nagtatanong sya kung bakit mo iyon nagawa sa kanya! Kung anong pagkukulang nya! Kung ano ang nanging kasalanan nya para iparamdam mo iyon sa kanya!" alam naming lahat na si Ree ang tinutukoy nya.

"I'm sorry po.. Naduwag lang po ako.. Pero mahal ko si Ree.. Mahal na mahal ko po si Ree.." tuluyan na akong nagalab sa galit.

"Mahal ba yung tawag dun ha!" nakayuko lang sya habang linapitan ko sya "Sinaktan mo sya mg sobra!"

"Nasaan sya?" lumingon sya kay Papa.

"Huwag mo nang alamin. Umalis ka na.."

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon