Chapter 22

23 1 1
                                    

Isang linggo, isang linggo na ang nakakalipas matapos nun. Hindi na kami nakatanggap pa ng balita tungkol kay Kevin. Ang alam lang namin ay wala na sya sa bansa.

Minabuti ko na lang na pagtuunan ng pansin ang pagaaral ko para lang makalimot ako.

"Hey!" napalingon ako sa tumawag.

"Hi Tania.." hindi cold ang tono ng boses ko pero hindi din naman masaya.

"So I heard na break na daw kayo?" hindi ako nagsasalita at hinayaan ko syang dumakdak doon "And that he went away na for good?"

"Yeah? So what?" nakatitig lang ako sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Wala lang!" saka sya tumalikod at naglakad palayo.

Nang makalayo si Tania ay saka nagsalita sina Lory at Riley.

"That friggin' bitch! Dapat sinampal mo yun eh!" tinignan ko si Lory.

"I have no time for low class girls like her.." napangiti si Riley sa sinabi ko.

"Wow! Bitch Mode!" natawa na lang kaming tatlo dahil sa sinabi ni Riley.

Hangga't maaari ay ayoko munang mapaaway. Wala pa ako sa wisyo para umaway ng mga bitch ng Lereal.

Yes! Sa Lereal! Tania Maningas fucking studies in the school that my parents own.

Nang mabore sila ay nagyaya si Lory na magpunta ng Liberty Alley para icelebrate ang pagiging single ko. Siraulo talaga tong mga to! Pero syempre pumayag ako, kailangan ko din naman ito.

Umuwi muna kami sa kanya-kanyang bahay para magbihis. Nagsuot ako ng red na spaghetti strap dress.

Pagkatapos kong gumayak ay dumiretso ako sa sasakyan ko para makarating ako ng Liberty Alley.

Nang dumating ako doon ay narinig ko agad ang pagsipol ng isang grupo ng mga lalaki na nasa labas ng Liberty Alley. Pagkapasok ko ay agad hinanap ng mga mata ko sina Lory at agad ko naman silang nakita sa may VIP Lounge.

Pagdating ko doon ay nagulat agad ako sa kung sino ang kasama nila. Nandun si Kuya, si John, at si Gab.

Umupo ako sa tabi ni Lory para medyo makalayo kay Gab pero habang paupo ako ay pinapanood nya lang ako.

Tumagay lang ako nang tumagay at nung medyo tipsy na ako ay dumiretso ako sa dance floor. Sumasayaw ako doon kasama ng mga taong ang gusto ay magsaya.
Sumasayaw ako doon nang may maramdaman akong kamay na humawak sa baywang ko.

Hindi ko sya masyadong nakilala kaya hinayaan ko syang makasayaw ako. Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa labi ko pero dahil sa kalasingan ay nawala ako sa wisyo at nalasing sa mga halik nya. Kumapit ako sa leeg nya at tinugon ang mga halik nya habang nasa dancefloor padin kami. Natauhan lang ako nang ilayo nya ang labi nya sakin.

"I missed you.." nanlaki ang mata ko nang malaman ko kung sino ang lalaki sa harapan ko.

"Gab.." hindi ko alam kung bakit pero ang pagsampal sa kanya agad ang naisip ko.

Nakaamba na ang kamay ko para sampalin sya pero nasalo nya agad yun at walang kung anu-anong hinalikan nya ako uli.

Itinutulak ko si Gab pero masyado syang malakas at hindi ko na kinaya pang itulak sya. Nanghina na ang tuhod ko kaya napakapit na lang ako uli sa leeg nya. Naramdaman ko ang init ng katawan nya kaya mas lalong hindi ako nakagalaw.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko na lang ay nasa loob na ako ng sasakyan nya habang hinahalikan nya padin ako. Gusto ko syang itulak, pero masyado akong mahina at pinangungunahan na ako ng instincts ko.

Hindi ako makagalaw. Nalalasing na ako sa mga halik nya. Nagiinit na ang katawan ko.

"Gab.. Stop.." tumigil sya sa paghalik sakin nang magsalita ako "No one is to know about this.."

Lumabas ako ng sasakyan nya saka dumiretso sa sasakyan ko. Nagdrive ako palayo habang tumutulo ang mga luha ko.

"Kadiri ka Ree!" pinunasan ko ang labi ko habang pinupunasan ko din ang mga luha ko.

Itinabi ko yung sasakyan dahil baka kapag nagdrive pa ako ay maibangga ko yung sasakyan ko.

"Nakakadiri ka!" umiyak lang ako doon nang biglang magvibrate ang cellphone ko.

"Hello?" pinilit kong ikalma ang sarili ko.

"Ree?"

"Who is this?"

"Nathan.." napaawang ang bibig ko nang malaman ko kung sino ang nasa kabilang linya.

"What is it?"

"Let's meet now, dito sa Randclifee.." ibinaba nya ang telepono.

Agad naman akong nagdrive papuntang Randclifee Hotel para makipagkita kay Nathan.

Nang makarating ako ay nakita ko syang nagaabang sa lobby.

"Sa taas tayo.." pumasok sya sa elevator kaya sumunod ako.

Tumigil kami sa isang floor saka nya ako pinapasok sa isang kwarto doon.

"Mami.." nandun sya. Nakaupo sya sa may balcony.

Hindi nya ako tinignan. Nakatingin lang sya sa kawalan kaya napatingin ako kay Nathan.

"She lost everything.. She became devastated kaya, ayan.." nadurog ako sa nakita ko.

Kahit naman masakit ang ginawa nya sakin ay mahal na mahal ko padin sya.

Lumabas muna kami ng kwarto ni Nathan saka bumuhos ang luha ko. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Nathan.

I felt safe again. I found comfort in his arms.

"I heard about you and Kevin.." mas humigpit pa ang pagkakayakap nya sakin "Iiyak mo lang, dito lang ako.."

"Why are you so nice to me?" humihikbi padin ako pero kahit papano ay kumalma na ako.

Napatingin ako sa kanya saka nagtama ang mga mata namin.

"You're special to me.." napangiti ako sa sinabi nya.

I wanna be happy again. This is what I need. To find comfort in someone else's arms. To finally let go of him. To finally forget Kevin.

"Thank you.."

-----------------------
Author's Note:

OMG! Thank you guys at umabot tayo ng ganito kalayo! Malapit ng matapos ang TSFMI! Thank you guys!

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon