MHP?! CHAPTER NINE

9.1K 186 4
                                    

CHAPTER NINE

DATE CREATED:OCTOBER 27,2015

MARIEL'S POV

Nagmamartsa ako sa gitna ng mga taong nakangiti sa akin. Ewan ko ba kung sadyang napaka-dyosa ko ngayon o dahil pini-plastic lang nila ako. katabi ko nagyon si Itay naglalakad papunta sa altar at duon sa dulo nuon ay hinihintay ako ng lalaking mukhang lamay ang pinuntahan dahil sa mukha niya. "Anak, kahit hindi kayo nagpakasal ni Jeffrey dahil nagmamahalan kayo sana ay magturingan kayo na parang mag-asawa na nagtutulungan at nagdadamayan." Ngumiti na lang ako sa pinayo niya sa akin. Buti na lang at magaling ang nagmake-up sa akin dahil sa namamaga ang mata ko at namumula ang ilong ko sa kakaiyak. Hindi ko pa rin mawala sa isip ko si Kauru. Kinamumuhian na niya ako. Alam ko ako din naman ang may dahilan pero pasensya tao lang ako na hindi kaya lahat, na kailangan ko mamili sa dalawa at ang pinili ko ang pamilya ko.

Nakarating na kami sa tapat ng altar. Katabi na nang Itay ko si Jeff na halos hindi maipinta ang itsura. Inalis ni Itay ang pagkakahawak ko sa kanya at ibinigay ako kay Jeff. Habang katabi ko siya ay parang wala siyang pakialam sa mundo, parang wala sa sarili kaya tinanong ko siya. "Hoy,Jeff! May sakit kaba?" Bulong ko sa kanya.

Ngayon ay tiningnan na niya ako at sinabing "Tingin mo okay ako? Tinangihan ako sa kasal ng mahal ko at kinabukasan ay ikinasal ako sayo? Bakit ka ba kasi nandun? Akala tuloy nila ay sayo itong hinanda kong kasal!" Ramdam ko sa tono ng boses niya na sobrang pagka-inis niya sa akin. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Ganto kasi ang nangyari kahapon ng gabi nuong nakita ko siyang nagpro-propose kay Aihara.

FLASHBACK [8 HOURS AGO]

Sisilipin ko sana si Jeff ng may tumawag sa akin galing sa likod ko.

"Mariel?" Nanigas ako sa boses na iyon. Please sana ka boses niya lang.

Pagharap ko ay siya nga pero may kasama siyang matandang babae "Ay Maam! Este Mama, Bakit po kayo nandito?" Patay nakita kaya nila si Kauru? Nako baka malaman ni Mama na may boyfriend ako?!

Ngumiti siya sa akin at sinabing "Haha. Nagulat kaba anak? Pasensya na ah? Kasi nakita ka daw ni Mama na may umalis daw na babae sa bahay. Tiningnan kita sa kwarto mo at wala ka kaya hinabol ka naming."

So nakita nila si Kauru?! "Ah.. Eh.. Bakit niyo po ako hinahanap?"

Magsasalita pa sana si Mama ng biglang sumingit sa usapan namin ang katabi niyang matanda. "Aba'y Hija, Hindi kaba tinuruan ng mga magulang mo na bawal nang lumabas sa gabi? At ikakasal ka pa?" Tiningnan niya ako ulo hanggang paa na para bang sinusuri niya ako.

"May pinuntahan lang po akong kaibigan" Sabi ko sa matanda. Nilakihan niya ako ng mata kaya tumingin na lang ako sa baba.

"Kahit na! Aba gawaiin ba iyan ng isang mabuting kasintahan?! Dito mo siguro tinatago yung kabit mo no?" Patay nakita niya ba si Kauru? Saka sino ba tong pakielamera na ito?

"Wala po?!" Pagtanggi ko. Susugurin niya sana ako ng may lumabas sa silid na inupahan ni Jeff. Nagulat siya sa nakita niya.

"Why are you all here?!" Bakas sa tinig niya ang pagkataranta. Tiningnan niya ako at nilakihan ng mata. "Ikaw, Hindi ba--"

"Hi, Apo?! Magpro-propose ka ba sa kasintahan mo?" Hindi naming napansin na pumasok na pala ang matanda sa kwarto. Apo? So meaning..

"Mamita?! Bakit ang aga mo namang umuwi?" Patakbong lumapit si Jeff sa matanda at nagmano. Hinila ako ni Mama papasok. Jusko naman, bakit ba ang malas ko ngayon?

"Aba'y wag mo akong sagutin ng isa pang tanong apo. I'm asking you, para ba ito sa babaeng ito?" Tinuro ako nung lola ni Jeff. Napatalon ako dahil napakatapang niyang magsalita. Nginitian naman ako ni Mama na parang sinasabi na okay lang yan. Ngumiti ako sa kanya.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon