MHP?! CHAPTER TWENTY-TWO

8.8K 166 6
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

DATE CREATED:April 1, 2016

THIRD PERSON'S POV

Malaki ang ngiti ngayon ni Jeffrey habang hawak-hawak nya ang kamay ng kanyang asawa. Nakaramdam siya ng kapayapaan simula ng bumalik ito sa kanya. Nagtila anghel pa ang kanyang kaibigan para makuha niya ulit si Mariel pero nako-konsensya siya sa ginawa niya kay Hexzon. Pag naalala niya iyon ay napapangiwi nalang ang binata dahil sa awa para sa kaibigan.

"Teka, Paano mo pala nalaman na hinahabol ako nung sino yun? Henry? Hezon? Hexzon? Hexagon? Hay nako basta yung humabol sa akin. Saka bakit mo siya kilala?" Tanong sa kanya ng asawa.

FLASHBACK

Hindi na niya hinabol ang kaibigan sa pagtakbo para abutan ang babae dahil sa ilang araw ay muli niyang nakita ang taong nagpalungkot sa kanya. Pero nagulat na nalang siya ng bigla itong tumakbo. Doon niya lang naunawaan na sila Mariel pala ang hinahabol ni Hexzon. Ang alam pa naman niya ay mahina sa takbuhan ang asawa. Kaya nakitakbo na din siya. Madaming nakakakita sa kanyang estudyante tumatakbo pero hindi niya nalang ito pinansin, ang mahalaga sa kanya ngayon ay mahabol niya ang asawa at maka-usap ng masinsinan. Nakita niyang naghiwalay sina Linette at Mariel kaya nahiwalay ang asawa niya. Buti na lamang ay may shortcut siyang alam para makasalubong niya ang asawa.

Tama nga siya ng hinala, Naunahan pa niya ang asawa pero nakasunod naman sa asawa si Hexzon. Halata na hingal na hingal ang asawa at malapit na itong maabutan, Nakaisip siya ng paraan para hindi ito maabutan pero medyo madahas lang 'Okay lang, Babawi nalang ako sa kanya' Kinuha niya ang isang bloke ng bato at binato papunta sa dinadaanan ng kaibigan buti na lamang at nasapol ito. Narinig pa niya ang pag-aray ni Hexzon, Maski siya ay mapapa-aray doon. Habang nakadapa ang kaibigan ay kinuha na niya agad ang dalaga. Buti na lamang ay hindi sila nakita ni Hexzon kundi pareho silang malalagot sa kaibigan.

Nang masigurado niyang nakalagpas na si Hexzon ay tinawagan niya si Tricia upang dalhin ang sasakyan niya at klaruhin ang anumang aligasyon sa kanilang dalawa. Gusto na niya maayos ang pagsasama nila ni Mariel. Ayaw na niya mangyari sa kanya ulit ang mga pinagdaanan niya noong nakakaraang araw.

"Oh paano, Ayos na kayo ah? Ikaw naman kasi umamin kana! Halata naman sa asawa mo na mahal ka din niya!" Sabi sa kanya ni Tricia ng lumabas sila pareho sa kotse para siya na ang magmaneho.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon