CHAPTER FORTY-NINE
DATE CREATED: August 6, 2016
MARIEL’S POV
Maliit ang mundo namin ni Jeff, lalo na at pumasok ako sa mundo niya, ang mundo ng negosyo. Mas lumaki ang tyansa na magtagpo ang landas namin. Simula ng pangyayari sa restaurant ay sinikap ko na hindi ko siya makausap o siya ang kumausap. Sa totoo lang ay natatakot ako sa banta niya, kahit hindi totoo iyon o totoo.
Naging madali lang naman iyon dahil hindi din nagparamdam si Jeff. Sinasabi ko na nga ba, trip niya lang ako lokohin.
Nag aayos ako para sa una kong meeting kasama ang kasosyo ng papa ko. Kinakabahan nga ako dahil malalaking tao ang makakasalamuha ko, baka mamaya apihan lang ako noon.
May kumakatok sa pintuan ng aking opisina. Sinabi ko naman na pumasok na siya.
“Hey, ready?” Tanong ng bagong dating na si Jigs. Ngumiti ako ng pilit at inipon lahat ng dadalahin ko mamaya.
“Kapag bang sinabi kong hindi, pwedeng hindi na ako ummattend?” Biro ko. Tumawa naman siya.
“Ganyan din ako dati, pero tingnan mo naman ngayon, ako na ang may hawak ng kumpanya ni Papa at tinutulungan pa kita sa negosyo niyo. Kaya mo 'yan. By the way, para sa'yo.” Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.
“Salamat, alam mo talaga ang gusto kong bulaklak.” Mas gumaan ang pakiramdam ko ng amuyin ko ito.
“Oo naman, dapat alam ko ang mga gusto ng mahal ko.” Natigil ako sa sinabi niya, kung ako lang ay matagal ko na siyang sinagot pero may pumipigil sa akin na 'wag ko siyang sagutin.
May kumatok ulit sa pintuan at iniluwa noon ang sekretarya ni Papa. “Ma'am, Sir, 5 minutes po before meeting. ” Paalala niya.
“Jigs, pwede mauna ka na? May tumatawag sa bahay eh. ” Nakita kong tumatawag ang Mayordoma sa bahay. Hindi naman ito tatawag kung hindi importante.
Tumango naman si Jigs at sumunod na sa sekretarya.
“Bakit po? May nangyari po ba sa mga bata?”
[Ma'am, may bumisita po dito. Tito daw po sila ng bata. Itong po kasing si Maria, pinapasok dahil nakita lang na may litrato kayo dalawa noong lalaki. Sila Sir Kauru naman po ay wala dito.] Nanlaki ang mata ko, hindi kaya..
“Inang, kahit anong mangyari 'wag na 'wag mong papalabasin sila. Huwag niyo hahayaang mawala sila sa mata niyo. Pupunta na ako diyan.” Hindi ako mapakali dahil baka si Jeff iyon, hindi maari makahanap siya ng ebidensya tungkol sa tunay na pagkatao ng kambal.
Kinuha ko agad ang bag ko at lumabas ng kwarto. Tinatawag ako ng sekretarya ni Papa pero nagmadali akong bumaba sa ground floor. Hinanap ko ang number ni Jigs at tinawagan, after three rings ay sinagot niya iyon. Hindi ko na siya hinayaang magsalita.
“Ikaw muna sa kanila, hindi ako makakarating. Promise, babawi ako. Bye and sorry.” Dali-dali akong pumasok sa kotse at pinaharurot papauwi ng bahay.
Pinagbuksan naman ako agad ng katulong at bumaba na sa sasakyan. Sabi nila ay nasa kusina ang bata. Dahil naka-heels ako ay hinubad ko na iyon at nakaapak na tumakbo papuntang kusina.
“Airine!” Tumingin sila sa akin lahat sabay ng pagtunog ng cookies
“Momo, tumungo na ang oven! Tama po ang pagdating niyo, may cookies na tayo!” Nakita kong inilabas na ni Jeff ang cookies habang nagpapalakpak ang kambal.
Aabutin na sana ito ng kambal pero itinaas ito ni Jeff. “Wait, bago tayo kumain kasama ng Momo niyo. May surprise ako sainyo, tingnan niyo sa sala.” Mas naglakasan ang tili ng bata at nagtatakbong tumungo sa sala. Sa akin naman siya tumingin na may ngisi sa labi.
BINABASA MO ANG
My Hubby is a Professor?!
ChickLitHighest Rank Achieved: #7 in ChickLit (What's Hot) "I want you, that's it! All your flaws, mistakes, smiles, giggles, jokes, sarcasm. Everything, I Just.Want.You."