CHAPTER EIGHTEEN
DATE CREATED:February 28, 2016
MARIEL'S POV
Halos matae na ako sa sobrang kaba dahil kami na ang susunod na sasabak sa sayawan. Christmas Party kasi ng College namin at inimbitahan niya akong maging kapartner sa sayaw. Sa una ay ayaw ko dahil hindi naman ako sumasayaw at nahihiya ako. Pero napaka-kulit niya at sa pride ko napapayag niya ako, Kailangan naming manalo dito. Sa sobrang kaba ko ngayon ay napapahawak nalang ako sa kwintas na ibinigay niya sa akin.
"Hey, Tapos na sila, Next na tayo. Ready ka na?" Kahit hindi ay napatango na lang ako. Ngayon pa ba ako aatras? Hinila niya ako papunta sa gitna ng stage.
Hay bahala na...
FLASHBACK [Nag fast-forward na ako ng about two and a half months. So Christmas Season na ito nangyari. Pero itong flashback ay Continuation lang ng LAST chapter]
Nagtataka ako kung kanino ba talaga nanggaling ang kwintas na suot ko. Sabi ni Jigs sa kanya, Pero bakit inaangkin din ni Jeff?
Alam kong nagsisimula na ang unang klase ko pero hindi ko ito alintana dahil nasasaktan ako at the same time ay naguguluhan kaya wala ding saysay kung papasok ako. First na sasaktan, Kasi nag aassume ako na may gusto sa akin si Jeff dahil sa mga ginagawa niya sa akin. Pero nagising ako na may bago na pala siya, at hindi ako yun kundi si Tricia. Naguguluhan ako dahil bakit lagi nalang nagka-clash sina Jigs at Jeff? Parang may galit sila sa isa't isa at hindi lang yan ah. Sabi nila sila daw ang nagbigay ng kwintas. Hayst ang gulo nila, kesa ma stress ako ay tinuloy ko nalang ang pagkain ko ng binake niyang black forest cake. Ano kaya surprise dito? Habang busy ako sa pag kain ay may nag 'ehem' sa likod ko kaya napalingon ako sa likod ko.
"So after mong malate sa klase ko last time, mag cucutting ka? Gusto mo bang ma-singko?" Nalunok ko agad ang cake ko at lumapit kay Jigs.
BINABASA MO ANG
My Hubby is a Professor?!
ChickLitHighest Rank Achieved: #7 in ChickLit (What's Hot) "I want you, that's it! All your flaws, mistakes, smiles, giggles, jokes, sarcasm. Everything, I Just.Want.You."