MHP?! CHAPTER TWENTY-SIX

7.8K 171 13
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

DATE CREATED:May 7, 2016

MARIEL’S POV

Ilang araw na mula ng aminin niya sa akin na wala siyang amnesia at mahal niya ako. Lahat ng hindi naming nagawa nung nag-hiking kami ay ginawa naming lahat ng magkasama. Ayaw na nga naming maghiwalay kahit sandali lang kaya in the end ay tabi na kami matulog kagaya ng dati at nag chineck-out na niya yung kwarto ko. Hindi naming napansin ang oras na uuwi na pala kami. Malapit na kami sa Maynila ay iginid niya ang sasakyan para huminto. Nagtaka naman ako kung bakit siya tumigil sa pagdri-drive.

"Pwede bang wag na tayong bumalik sa atin? Dito nalang tayo. Baka kasi pagbalik natin sa Maynila ay magising nalang ako na panaginip pala ang lahat. Panaginip lang na Masaya tayo, panaginip lang na hindi mo na mahal si Kauru, panaginip lang na mahal mo ako. "

"Ano kaba?! Dapat ako magsabi niyan. Baka naguguluhan kalang sa nararamdaman mo tapos pag nakita mo si Aihara o si Ma’am Tricia iwan mo na ako? " Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko.

"Then you’re not dreaming, Mrs. Costaniez. I’m perfectly inlove with you. "

"Sabihin mo din yan sa sarili mo, Mr. Costaniez. Sige na paandarin mo na. Gusto ko nang umuwi. " Sinunod niya naman ang sinabi ko at umadar na ulit ang kotse.

"Ma, We’re home! " SIgaw ni Jeff nang pumasok kami sa bahay. Ilang sandali ay nakikita namin na pababa ang kanyang ina. Maaliwalas na nakangiti kasama si Jeck-jeck. Samantala naman si Jeck ay nakasimangot habang hawak hawak si Kau-kau. Simula kasi ng maghiwalay kami ni Kauru ay ibinigay ko sa kanya, hindi ko kasi kayang ipamigay siya sa iba o iligaw siya.

"Jeff! Mariel! Welcome back!... " Niyakap niya kami pareho. "…Kamusta vacation niyo? "

Tumingin muna sa akin si Jeff at hinawakan ang kamay ko. "It’s good, Ma. Ay mali, It’s great pala. " Mas lumaki ang ngiti ni Mama.

"Oh, Smell fishy! Well sa kusina natin ituloy ang kwentuhan. C’mon? " Nauna na si Mama sa kusina. Hihilahin sana ako ni Jeff na makita kong hindi parin gumagalaw si Jeck. Nakita naman ito ni Jeff kaya lumapit siya sa kapatid ko.

"Hi, Tony? Mas tumataba ka ah? Good boy! Ang galing mo namang mag-alaga ng aso, Jeck" Iniba ko na din ang pangalan niya. Ayokong malaman ni Jeff kay Kauru ito nang-galing. Hindi umimik si Jeck sa bagkus ay nagtatakbo ito papa-akyat ng kwarto niya.

Nakita kong lumungkot ang mukha niya. Siguro ito yung sinasabi ni Jeff na nag-away sila noong naglayas ako. "Mauna ka na doon sa kusina. Kakausapin ko lang kapatid ko. Cheer up! Papansinin ka din noon. " Ngumiti siya ng pilit at umalis na papunta kay Mama. Ako naman ay umakyat para sundan si Jeck. Kumatok ako bago pumasok sa kwarto niya.

"Jeck? " Nakita kong hinihimas niya si Kau-kau habang nakatalikod sa akin.

Nang maramdaman niya umupo ako sa kama niya ay nagsalita siya. "Ano? Sasabihin mo na. Pansinin ko asawa mo? Ayoko Ate. Bumaba kana, samahan mo na siya" Mababakas mo sa kanya na nagtatampo siya.

Tinabihan ko siya at hinimas din si Kau-kau. "Jeck, Alam mo kung nandito sila Inay magagalit iyon kasi nagtatampo ka sa amin ng Kuya mo. "

"Wala naman dito sila Inay.Ate, Kailan ba kayo maghihiwalay? Magkano ba utang natin sa kanila? Babayaran ko nalang pag naka-tapos na ako ng pag-aaral! "

"Alam mo naman ang laki ng utang na loob natin sa kanila at hindi iyon matutubasan ng pera. Saka Ang tagal mo pa matatapos. Ayaw mo ba dito? "

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon