CHAPTER FORTY-EIGHT
DATE CREATED: AUGUST 3, 2016
CAMMILLE'S POV
“Basty, sumama kana kila Papa. Hindi na kita mababantayan kasi tapos na ang leave ko.” Pilit ko sa aking kapatid. Pero umiling ito, napaka-kulit talaga nito.
“How about yung bagong labas na transformers na laruan? Plus pupunta kami ng Kuya Jeff mo this weekend? Please baby? O, nandyan na pala ang papa. Pumasok kana sa kotse.” Pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan ay lumabas ang aming ama kasama si Mama.
“Cammille, salamat at inalagaan mo ang kapatid mo. Nakapag-bonding tuloy kami ng mama mo. Paano Basty, tara na.”
“Promise ate, new toys?” Untag sa akin ng kapatid ko.
“Yes, baby. Sige na at magkikita pa kami ng Kuya Jeff mo.” Nagpaalam na sila sa akin at pinaandar na ang sasakyan nila.
Walking distance lang mula dito ang lugar kung saan kami magkikita ng aking kasintahan.
Kasintahan.
Napangiti ako sa katagang iyon. Simula na maging kami ni Jeff ay wala naman siyang naging pagkukulang. Masaya ako sa takbo ng aming relasyon, hindi ko lang alam kung siya rin.
Humingi ako ng sign kay Lord, natapos niya ang isang buwan kasama si Mariel, hindi nagbago ang isip niya kaya pinagbigyan ko siya. Pero nagu-guilty pa rin ako ako ang may kasalanan kaya sila hindi magkasama sila ngayon.
Pumasok ako sa restaurant na sabi niya at hinanap siya. Siya parin ang lalaking minahal ko simula ng mga bata pa kami. Nakatingin siya sa kawalan na para bang malalim ang iniisip nito. Humalik ako dito sa pingi. Nagulat pa nga siya. “Hi Babe, penny for your thoughts? ”
“N-nothing. Umorder na ako ah? Hintayin na lang natin.” Tumango ako habang nakangiti.
Kadalasan ay puro ako ang nagkukwento sa kanya dahil kung hindi pa ako magsasalita ay mapapanis ang laway ko dahil tahimik parin siya.
“..Alam mo ba 'yung kwento na iyon. Naghiwalay ang bida..” May kwinekwento akong maganda libro sa kanya pero still tipid ito sumagot. “..Tapos hindi sinabi noong babae na buntis siya. Pero yung lalaki alam niya anak niya ito kaya palihim niya itong kinuhanan ng hibla ng buhok para IPA-DNA. Tapos ayun nalaman niya anak niya ito.” Doon ko nakuha ang atensyon niya. Para bang may sinabi akong iba sa kanya. Ngumiti ito sa akin. Ngumiti din ako.
“You are so genius, Babe.” nilapitan ako nito at hinalikan sa pisngi.
“Bakit? Ano ba ang sinabi ko?” Ngumiti ito ulit at inilagay ang kamay sa baba.
“Nothing oh, nandyan na pala ang pagkain.” Parang inililihis niya ang topic. I know, may mali.
Pero natatakot akong alamin iyon.
MARIEL'S POV
Madaming nakahain sa aming pagkain sa kinakainan naming restaurant. Dapat ay ganado ako dahil alam ko na masasarap ito pero maski isa doon ay wala akong gustong tikman.
“Mariel, kumain kana. Marami pa tayong pagku-kwentuhan. Buti nalang at tinawagan ako ni Tito Richard at sabihin na tulungan ka. Saka may pasalubong din ako kila Macky. I missed them so much.” Sabi ng kaharap ko ngayon. Ngumiti ako pero hindi iyon buo.
Tumungin ako ulit sa may bandang kaliwa ng lugar. Nakita ko sila, masaya, at halatang mahal na mahal niya ang babaeng kasama niya. I should be happy kasi hindi na niya ako kukulitin, pero bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
My Hubby is a Professor?!
ChickLitHighest Rank Achieved: #7 in ChickLit (What's Hot) "I want you, that's it! All your flaws, mistakes, smiles, giggles, jokes, sarcasm. Everything, I Just.Want.You."