MHP?! CHAPTER SEVEN

9.2K 178 4
                                    

CHAPTER SEVEN

MARIEL'S POV

DATE CREATED:October 18,2015

Naglakad-lakad muna ako habang nag-iisip at sasakay nalang pag napagod ako. Hayst, Hindi nab a ako mahal ni Kauru? Alam ko naman na hindi ko siya mabibigyan ng mga material na bagay pero sa pagmamahal ay alam ko na hindi ako nagkukulang, Pero bakit pa siya naghanap ng iba? Hindi pa ba ako sapat? Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang bar. First class bar. Gusto ko sanang pumasok duon pero 17 pa lang ako at wala pa akong pera. Naubos na sa mga projects ko sa school. Nagpapadala naman sila Inay at Itay pero hindi ito sapat para magkaroon ako ng pera para sa pagliliwaliw.

"Mariel?" Tawag sa akin ng babaeng nasa likod ko.

"Oh, Eunice. Right?" Parang natataandaan ko siya. Classmate ko siya! Tama!

"Yup! What are you doing here? Mag ba-bar ka?"

"Ay hindi haha. Ano padaan lang. Sige una na ako ah?"

"Hay nako, Mariel. Ang aga pa kaya! Don't worry, My treat! Parents ko kasi ang may ari nito kaya okay lang yan! So tara?"

"Hay nako. Sandali lang ah? Sige!" Aalis din ako mamaya. Konti lang naman ang iinumin ko eh.

THIRD PERSON'S POV

Kanina pa hinihintay ni Jeffrey ang dalaga sa bahay. Buti nalang ay nasa out of town business ang kanyang ina. Mas nauna pang umuwi si Mariel kesa sa kanya pero wala parin ito. Tiniwagan niya ang cellphone nito nagriring naman ang cellphone ni Mariel.

[Hello?] Sagot ng isang babae. Pero sigurado ang binata na hindi ito ang asawa niya.

"Hello? Si Mariel?"

[OMG! Sir Jeff? Ikaw ba yan?] Mababakas sa tinig nito ang pagkagulat. 'Estudyante ko ata ito, Lagot ka sa akin Mariel pag uwi mo' sabi ni Jeff sa isip niya. Kaya iniba niya ang kanyang boses

"Uhmm. Sino iyon? Hindi ko iyon kakilala." Pagmamaangan niya.

[Ah,Wala po! Akala ko po si Sir Jeff. By the way, Please pwede po bang pa sundo po dito si Mariel? W-wait! Mariel tama na! Please po ang kulit na niya eh. Nasa Elite Club po kami] Nagpasalamat ang binata at sinabing pupunta ito. Naiinis siya sa dalaga dahil sa kapabayaan nito pero hindi niya lubos masisi ito dahil iniwan niya itong mag-isa.

Nagmadali siyang pumunta sa nasabing club nang makapasok na siya ay hinanap niya ito. Nakita niya itong mag-isa sa lamesa at nakayukyok. Mga kabataan nga naman! Tinapik niya ang braso nito. "Uy Mariel?!" Pero no response. Inuwi na lang niya ito at dinala sa kwarto ng dalaga. Nagpalit muna siya ng damit niya sa kwarto at binalikan ang dalaga. Pero laking gulat niya na may hawak na ito na Jack Daniel's at diretsong tinutungga ito.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon