MHP?! CHAPTER THIRTY

6.4K 158 32
                                    

CHAPTER THIRTY

DATE CREATED:May 24, 2016

Vacation’s over. Nangingiti ako sa mga naawa kay Kauru. Ako din guys, Hindi ko alam kung bakit siya ang kawawa sa story na ito. Double check kayo sa votes and comments and this is your reward, Enjoy.

MARIEL'S POV

"Jeff! Hintayin mo naman ako! " Pero parang wala siyang naririnig at pumasok nasa study room niya. Sinundan ko siya at isinara ang pinto.

"Kailan? Kalian mo pa ako niloloko?! " SIgaw niya agad sa akin.

"Jeff, Nakita lang ako ni Kauru kanina! Hindi ako nakipagtagpo! Tingin mo ba makikipagkita pa ako sa kanya kung may asawa na ako?! " Akala ko ay maguguilty na siya pero tumingin siya sa akin ng diretso.

"Bakit? Diba nakikipagkita ka din sa akin kahit kayo ni Kauru? Maybe history repeat itself? Please Mariel, Madami na akong ginagawa wag ka nang dumagdag. Kaya pwede iwan mo ako? " Tumalikod na siya sa akin at umupo ulit sa harap ng monitor.

Bakit ba naging ganto siya? Hindi ito ang Jeff na minahal ko. "Nagbago kana Jeff, You’re not the same Jeffrey I used to loved. " Natigil siya sa pagtitipa at tumingin sa akin.

"Then you don’t loved at first, Mariel…" Doon ako tumigil. Pinagdududhan niya ba ang pagmamahal ko sa kanya? "… This is me. The real me, so deal with it. If not, then the door Is open. You can leave. " Sabi niya sa malamig na tono.

Ngumiti ako ng mapait. "Edi wow, Bahala ka sa buhay mo! " Dali dali akong umalis pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga narinig ko bago isara ang pinto.

"Yes, Cammille. Inaasahan kita. It’s a da---. " at hindi ko na narinig ang kasunod noon dahil na isara ko na ang pinto. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig dahil naninikip ang dibdib ko sa mga narinig ko kay Jeff. Masyado ba akong naging demanding sa oras niya kaya nasasakal na siya at naging ganto siya kalamig?

Inubos ko ang isang basong tubig kaya medyo narelax ako. "So hiwalay na ba kayo ni Kuya? Pwede na ba kitang mabawi? " Nagulat ako ng pagsara ko ng ref ay nasa harapan ko na si Kauru. Tinitigan ko siya maigi. Mas gumwapo siya, mas naging malaman hindi mataba ah? Mas naging manly ang pangangatawan niya.

Bakit ganoon? Gusto ko siyang yakapin? Mariel, ano bang pinag-iisip mo? Si Jeff na diba mahal mo? Ano pang sinasabi mong gusto mong yakapin siya?

"Done checking me out? Mariel, Nararamdaman ko…" Tinulay na ni Kauru ang pagitan naming dalawa kaya mas nakita ko siya ng malapitan. May hindi pala nagbago sa kanya, Ang pabango niya. "..You still like me, Babe. And alam mo naman kung bakit ako nandito. I want you back. Whatever it takes, babalik ka sa akin. " Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko napansin na nakayap na pala ako sa kanya. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Tama si Kauru, May nararamdaman pa ako sa kanya.

Pero may nararamdaman na din ako kay Jeff.

Sino ba talaga ang totoo kong mahal?

THIRD PERSON’ POV

Pumasok na siya sa unibersidad ng makasabay niya ang S.H.I.T Girls. Sina Linette, Lyra, Lyre, at Railey. Pag nga tinatawag niyang S.H.I.T Girls ang mga ito ay tig-iisang sabunot at sampal ang inaabot niya kaya sa isip nalang niya sanasabi iyon.

"Good Morning, Girls! Second Sem na! " Excited na sabi ni Linette. Ngumiti nalang siya. Oo nga, Second Sem na. Panibagong subject na naman ang paghihirapan niya para makapasa.

"Oo nga, Tapos balita ko mahirap daw yung programming! Nako, Magshift na kaya ako? Sino kaya Prof natin doon?" Sunod-sunod na tanong ni Railey.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon